Chapter 27

1.4K 19 1
                                    

This chapter is dedicated to @KimberlyKhemssCervan

 
Chapter 27

(Zayra Mendez's POV)

Awkward. Silence filled the whole place. Walang nagdare na magsalita. I just don't know how to react in front of my ex. Patuloy lang siya sa pagdadrive while I'm in the passengers Seat. Napapatingin na lang ako sa mga buildings na nadadaanan ng kotse.

"So tell me... Have you already thought of it?" nabigla ako noong magsalita siya. I breathed heavily then stared at him.

Hindi ko alam ang isasagot ko. Ang tanging alam ko lang ay si Nyan ang mahal ko at handa na akong sagutin siya.

"Jeyz... Sorry but----"

"Do you really think that I'll just let this pass? I know that you already knew how competitive I am, I don't easily give up, Zayra. Im not that kind of guy." with that words, mas lalo akong kinabahan. Hindi ko pa nga siya binabasted pero ang bilis ng utak niya. Ang bilis niyang nalaman na hindi ko siya sa sagutin at ayoko ng bumalik pa sa kanya.


Hindi na ako umimik pa. Ayoko na mapunta pa ang usapan na Ito kung saan.

Noong makapark kami sa Horizon Hotel ay mabilis kong binuksan ang pinto ng car at tumakbo papasok sa hotel. Mukha bang napaka bastos ko sa ginawa ko? Wala akong pakialam.

Ang mahalaga, makita ko si Nyan.

Pagbukas ko ng malaking pinto ay bumungad sa akin ang buong senior high students na nakagown lahat. Wow, ang ganda ng lahat. Parang mga prinsesa at prinsipe ang mga dumalo.


The whole room is decorated with antiques and paintings. Mukha akong nasa isang palasyo. Ang laki ng buong lugar. Mayroong mga chandeliers na mas lalong nagpaganda sa buong lugar. There's a red carpet in the middle and everyone's expected to ramp like a model for the grand entrance. Napaka engrande ng buong lugar. I can't utter a word to explain how I feel today.

"Hi Zayra!" nakita ko si Almoneca na nasa gilid ko lang pala. Since SC members sila, may isang malaking table doon na required I fill up ang names and signature. Kailangan iyon sagutan para sa attendance and in case of emergency na rin.

"Pa attendance lang saglit. By the way, ang ganda ganda mo ngayon. You're so beautiful, Zayra." I giggled then smiled a little. Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. She's wearing a red dress with white laces. It really looks great on her, kitang kita ang body shape niya. Nakabun ang buhok niya and she's wearing a mini tiara. Wow, she really looks gorgeous tonight.

"Mas maganda ka almoneca."

"Ses, nambola ka pa." after that, nag attendance na muna ako doon sa gilid ng entrance. Habang nagsusulat ako ay mayroong kumalabit sa akin.

"Ahm, I'm in a hurry, can I borrow your pen please?" napalingon ako ng dahil sa boses na iyon. Nagkatitigan kami ng matagal. Halos manlaki ang mga mata ni Nyan noong nakita niya ako.

Si Nyan lang pala iyon!

Pero sa halip na titigan ako ay iniwas niya ang tingin sa akin. Napangiti na lang ako ng malawak.

"Ahh oo, heto..." inabot ko yung pen na hawak hawak ko. Mabilis niyang isinulat ang name niya at ibang mga informations. Napatitig ako sa kanya. Grabe, ang gwapo niya at ang bango bango niya. Nakatuxedo lang siya pero ang lakas ng dating niya.

My heart beats faster. Muli kong tinitigan ang pagmumukha niya. I'm still imagining how things will work later. Kung ano ba ang mangyayari at magiging reaksyon niya. For sure, magiging speechless siya or maybe overjoyed? Baka tumalon siya sa tuwa kapag sinagot ko siya.

My Sweet Suitor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon