Chapter 49
(Aaron Delos Santos ' POV)
As soon as we arrived home, I immediately get my stuffs in the trunk. I paid the taxi and helped me with my baggage. Its been a long time since I got home.
"Long time no see bro!" Arold greeted me, he helped me with my things and went through the Guest's room. It's been a while, I wanted to see my son, Jeyz, I turned on the lights of the room.
"kung may problema ka sa room, katukin mo lang ako sa kwarto ko. " tumango lang ako kay arold, last time na nakauwi ako sa Pinas. Nag away kami ni Jeyz, hindi ko alam kung ano ang naramdaman niya noong mga araw at oras na iyon. Last time na nakita ko siya, galit na galit siya sa akin at parang gusto niya akong suntukin. Because I told him the truth. I told him the truth that Zayra Mendez, her girlfriend, ay anak ng nanay niya na iniwan kami sa ibang lalake. Paano ko nalaman? Kamukhang kamukha niya si Delia. Yung asawa ko.
Napahiga ako saglit sa kama, I don't want to remember the past. I felt so pity for Jeyz. When he was little, binibisita rin siya dito ng nanay niya, knowing na may iba na itong lalake, but things began to change specially for the both of us. Hanggang sa hindi niya na binibisita si Jeyz. Sinabi ko naman kay Jeyz ang totoo na wala na siyang nanay at sumama na Ito sa ibang lalake. He was angry and lonely, noong grade 1 siya, nakikita ko kung paano siya tuksuin ng mga kaklase niya. Lalo na noong NagOFW ako at iniwan ko siya kay tito arold niya, nagkaroon ako ng bagong pamilya sa America. Because of home sick, pinag buti niya ang pag aaral niya, marami na rin siyang naging achievements because of that. Nagpursigi siya, lagi niya akong tinatawagan at tinetext sa mga nakukuha niyang awards
Pero hindi ko na siya binibigyan pa ng pansin at halaga. Lalo na noong magkaanak na rin kami ng naging asawa ko sa America na si Courtney.
Alam kong marami akong graduation niya na namissed , marami akong mga awarding niya na namissed , and I'm here in the Philippines to get him. Gusto kong maging maganda rin ang buhay niya kaya napagdesisyunan kong kunin na siya. At gusto kong maging masaya na kami bilang isang pamilya sa States. For sure, magiging masaya na siya doon, kasama ako at si Courtney at ang mga anak namin doon.
Gusto ko na sa America na rin siya mag aral ng Kolehiyo. Next week, babalik na ako sa America and I want him to be with me when I get back there.
(Zayra Mendez's POV)
Noong makauwi na ako ay dumiretso ako sa kwarto ko. Napabuntong hininga ako noong makita kong hawak hawak ko pa rin ang litratong iyon. Gusto kong itanong kay mama kung ano ang ibig sabihin nito. Kung bakit may bata siyang kasama dito na alam kong hindi ako.
Kinuha ko ito saka tinitigan.
"Zayra! Bakit hawak hawak mo ito?" napalunok na lang ako, hindi ko namalayan ang pagpasok ni mama sa kwarto ko. Nanginginig niyang kinuha ang litrato. Galit ang mukha niya.
"Ma.. Anong nangyayari.."
"Anak, bakit kinuha mo ito sa kwarto ko? Ang cute mo sa picture na Ito." bigla siyang ngumiti, nawala ang galit sa mukha niya. Anong nangyayari sa kanya? I just can't understand her.
"MA, WAG KA NA MAGSINUNGALING! ALAM KONG HINDI AKO ANG NASA PICTURE! SINO ANG BATANG LALAKE NA ITO?!" sigaw ko, hindi ko napigilan ang sarili ko. I gulped to prevent my tears from flowing. Napangiti siya sa akin saka umiling.
"Zayra anak, ikaw ang nasa picture na Ito. Maniwala ka sa akin, anak.."
"Hindi... Hindi ako maniniwala sayo." malakas ang kutob ko. Malakas abg kutob ko na hindi ako yung nasa picture. Tinalikuran ko siya, pinilit niyang yakapin ako pero tinabig ko ang kamay niya.
"Anak... Zayra, gusto mo malaman ang totoo?" naoahinto ako sa paglalakaf, nilingon ko siya. Gulat at takot ang nakita ko sa mga mata niya. Masyadong mabilis ang mga pangyayari, alam ko na ngayon na hindi lang ako ang anak niya.
"Anak, si... Si... Si.." bumuntong hininga siya. Napaiwas siya ng tingin.
"SABIHIN MO NA MA! WAG KA NA MAGLIHIM PA!"
"SI JEYZ ANG ANAK KO, ZAYRA! SIYA ANG UNANG ANAK KO BAGO PA KITA SINILANG!" napapikit ako, parang bumara ang lalamunan ko sa mga sinabi niya. Hindi ako makahanap ng tamang salita para sabihin sa kanya. Nabingi ako sa mga narinig ko. Takot. Gulat. Pangamba. Mga katanungan na matagal ko ng nais itanong sa kanya. Pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan.
Napapikit ako dahil ramdam kong tutulo ang mga luha ko. Andami kong realizations ngayon, dati mahal na mahal ko si Jeyz. Pero nung nag break kami at sinabi niyang hinahanap niya pa ang sarili niya, napagtanto ko na totoo nga kaya ang sinasabi niya? O baka dahil nung mga panahon na iyon ay alam niya ng mag kapatid kaming dalawa?
So all this time, tama pala ang recorded clip na iyon? Tama pala si Mike. Tama siya. Napakibit balikat ako.
"Kaya pala... Kaya pala noon, nung kami pa ni Jeyz. Gustong gusto mo siya na pumunta dito sa bahay, gustong gusto mo siya na makita, gustong gusto mo siya na makausap, ngayon alam ko na. Pero ma, bakit kailangan mo pang ilihim sa akin? Bakit ganito pa ang nangyari? Bakit ba tinago mo pa sakin na kuya ko pala siya? Bat hinayaan mokong sagutin ko siya, ma sagutin moko! "Nanginginig na ako sa galit, iyak si mama ng iyak, hindi ko rin siya masisisi kung naging ganito na ang mga nangyayari.
" Zayra anak.... Anak.. Makinig ka, yung papa ni Jeyz ang first love ko. Nagkaanak kami at si Jeyz iyon. Pero dumating naman ang papa mo sa buhay ko, dun ko narealize na mas mahal ko ang papa mo kaysa sa papa ni Jeyz. Kaya nakipaghiwalay ako sa tatay ni Jeyz, sumama ako sa daddy mo Zayra. Nagkaanak kami at ikaw ang anak, pero namatay rin siya. Zayra, kaya ko nilihim sayo ito dahil alam kong galit sa akin si Jeyz, galit na galit siya sa akin. Hinayaan ko na maging kayo para kahit papaano ay makita ko ang anak ko, makausap, at mahawakan. Kaya nga Zayra noong nag break kayo ni Jeyz, nalungkot ako. Sobra. Ayokong sabihin sayo yung katotohanan noon kasi alam kong kapag nag break kayo, hindi ko na ulit siya makikita pa. Ako yung nasasaktan Zayra, kaya sana lang, bilang isang ina, intindihin mo rin ang kalagayan ko Zayra... " iyak siya ng iyak. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, for 3 years, hindi ako makapaniwalang naging boyfriend ko ang kuya ko.
" Alam ba ito ni Jeyz? "
" Hindi ko alam, hindi niya ata alam.. " kinuha ko iyong sling bag ko at wallet. Napatingin sa akin si mama.
"Zayra San ka pupunta?" nakapagdesisyon na ako, buo na ang isipan ko. Napakurap ako at napakuyom ang kamao ko. Hinarap ko si mama at ngumiti ako.
"Pupuntahan ko si Jeyz, sasabihin ko sa kanya ang lahat."
To be continued...
Sorry sa wrong grammar ha. Di ako marunong masyado mag English. Hekhek. Anyway, read my new story entitled: My Prince is Charming, binura ko yung story ko na SAVED dahil nga medyo nahihirapan ako magsulat doon.
BINABASA MO ANG
My Sweet Suitor (Completed)
Novela Juvenil(Tagalog) Zayra Mendez's heart was shattered after that break up. It was a puzzle and mystery for her knowing that her ex's cousin, Nyan Dela Vegas, is courting her! Zayra wants to stop the courtship and make her ex, Jeyz Delos Santos, fall in love...