Chapter 55

2.5K 32 6
                                    

Chapter 55

(Zayra Mendez's POV)

Halos Ilang weeks ko ng hindi pinapansin si Nyan. Naguguluhan ako, of course I loved him! So much. But my mom, ma's importante pa rin ang kaligayahan niya kaysa sa kaligayahan ko.

My mother always wanted to talk about my relationship with Nyan. Pero iniiba ko kaagad ang topic, ayokong ungkatin pa namin ang nakaraan. Lumipas ang panahon, hanggang sa napagdesisyunan ko ng ako na lang ang magpaparaya, kami na lang ni Nyan ang magpaparaya.

Summer vacation ngayon, team bahay na naman ako. Nakahiga lang ako sa bahay habang iniisip ko kung naging tama ba ang desisyon ko. Siguro, tama iyon kasi ma's nauna ang panliligaw ni tito arold kay mama. Sila naman ang ma's nauna, kaya dapat sila ang maging masaya.

Hindi ko na kasi kayang maatim at tanggapin pa na magiging kami ni Nyan kung magkakatuluyan ang mga parents namin. Kahit na hindi kami magkadugo, basta, parang naulit na naman yung past. Na kuya ko pala si Jeyz tapos jinowa ko. And for nyan, I don't want to make it happen again. Ayoko na maging ganun ulit.

Kung magkakatuluyan si mama at si tito arold, then masaya na ako para sa kanila. Rerespetuhin ko kung anuman ang desisyon nila, after all, ma's mahalaga ang happiness ni mama kaysa sa happiness ko. Kung kay tito arold siya sasaya, so be it. Magleletgo na ako sa relasyon namin ni Nyan.

"Anak, someone's here today." Napatingin ako kay mama na nakatayo sa may pinto ng kwarto ko.

"Ma, kung si nyan na naman iyan, I don't want to talk and see him." itinalukbong ko ang Kumot ko saka nagtago ako sa loob ng Kumot. Ayoko na talaga makita si Nyan. Tinext at chinat ko na rin siya na Magleletgo na ako sa relationship namin. Sana naman naintindihan niya ang desisyon ko.

" Zayra.. " agad akong napabalikwas sa kama noong marinig ko ang boses na iyon. Naka ngiti sa akin si Almoneca habang nakaupo sa side ng kama ko.

"Matatapos na yung schedule for entrance exam, wala ka bang balak mag college?" napangiti na lang ako sa kanya saka napaiwas ng tingin.

"Hindi naman sa ganun, wala lang talaga akong time."

"Zayra, balita ko Ilang araw ka na raw na hindi lumalabas ng kwarto mo? Wag mo naman sanang pigilan ang puso mo, if you really love a person. Then take every chances to be with that person you love, who knows?! Malay mo mamatay na siya bukas or umalis na siya or--"I cut her off, tumawa na lang ako sa sinabi niya.

" Grabe ka naman, patay agad?! Saka bakit nandito ka pala? Almoneca, desisyon ko ito. Desisyon ko na tigilan ng mahalin si Nyan. Alam kong sasabihin mo na napaka babaw ng desisyon ko, pero para sakin. Ma's mahalaga ang kaligayahan ni mama kaysa sa kaligayahan ko. Kaya kung kailangan kong magparaya, gagawin ko. " napahigpit ang kapit ko sa Kumot. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan sa mga sinabi ko. Napatango na lang si Almoneca sa akin.

" Zayra, I have one last question for you. Mahal mo ba si Nyan? "napakurap ako, kumirot ang puso ko na para bang tinusok ito sa tanong niya. Lumapit siya sa akin lalo.

" Zayra, ang sabi ko, mahal mo ba si Nyan? " biglang tumulo na ang mga luha ko. Simula nung hindi ko na siya pinansin, hindi ako umiyak nun. Dinamdam ko lahat ng pagka miss at kalungkutan ko sa kanya. Napatango na lang ako kay almoneca at bigla niya akong niyakap.

" M-mahal ko si Nyan, mahal ko siya. Mahal na mahal. Pero kasi almoneca, kailangan ko ng magparaya." pinawi ko yung mga luha ko saka ngumiti sa kanya na parang walang nangyari. Ngumiti lang din siya ng mapait saka tumango sa akin.

"Zayra, ngayon kasi yung flight ni Nyan papuntang America. Doon din siya magcocollege, sabay sila ni Jeyz sa Harvard." napakurap ako at parang may kung anong bumara sa lalamunan ko. Napatulala na lang ako sa mga sinabing iyon ni Almoneca.

My Sweet Suitor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon