Chapter 52
(Nyan Dela Vegas ' POV)
Mabilis akong nakarating sa campus. Saktong nasa labas na ng Gate si Almoneca at tumatakbo.
Bumaba ang bintana ng kotse ko. Napatingin sila sa akin. Kasama niya sina Zoe, Veronica, at Frannie.
"Hop in! Hahabulin natin si Jeyz!" sigaw ko, agad naman siyang tumango at binuksan ang pinto ng kotse. Naiwan sina Veronica, Frannie, at zoe doon.
"Goodluck girl!"
"Follow your man of dreams!" pagchecheer nila, mabilis kong pinaandar ang kotse papunta doon sa Airport. Sana lang, maabutan namin si Insan. Sana lang.
"Bakit ba kasi aalis siya?" nangangambang sabi ni Almoneca, napangiti na lang ako sa kanya ng mapait.
"He's leaving, kasama niya ang dad niya papuntang America, he's staying there for good. Doon na rin siya mag aaral."
"What?! No no no... I need to see him, for the last time. Kailangan ko siyang makausap. Kailangan ko siyang makita." we hoped for the best na sana nga, maabutan pa namin si Jeyz.
(Jeyz Delos Santos' POV)
Nasa loob na kami ng eroplano, nagcellphone muna ako since hindi pa naman nagtatake off ang airplane. Napatingin ako kay dad habang nagbabasa ng magazine.
" Hindi man lang natin nakita ang mom mo, si Delia." I smiled at him bitterly. Napalunok ako saka Napatingin sa labas ng bintana.
"Yeah, pero hindi ko maatim na makita siya ulit. I can't forgive her for leaving us." nabigla ako noong hawakan ni dad ang kamay ko saka hinigpitan ang hawak dito. Napatingin ako sa kanya, binaba niya ang magazine na bjnabasa niya.
"Ako nga na iniwan, na patawad ko na siya, ikaw pa kaya? Anak there's no point in getting angry. It's already finished. Mag move on na tayo, pinatawad ko na ang nanay mo. Sana ganun ka rin..." he heaved a sigh.
"Please Jeyz, gusto ko, bago tayo makarating sa America, ipangako mo sa aking pinapatawad mo na si Delia at ang anak niyang si Zayra." ngumiti lang ako sa kanya, sa tuwing naaalala ko kung paano kami Iniwan, masakit. Pero ngayon na nakiusap si dad, I will try my best, I'll try to forgive them all. I'll try my best.
Bago ipa-airplane mode ang phone, binuksan ko muna ang data ko saka chinat si Zayra Mendez.
Sorry, can you forgive me?
(Almoneca Delion's POV)
Nandoon na kami sa Airport, sobrang nagkagulo kami ni Nyan. Takbo kami ng Takbo, hanggang sa may humarang na sa aming mga guards.
"SI Jeyz! Baka hindi pa siya nakaalis!" naiiyak kong sabi, he get his phone and dialled Jeyz's number. Kung kailan aalis na ang tao, saka ko lang narealize ang halaga nito.
Napapa tingin sa amin ang mga tao. Naiiyak na ako. Hindi ko kayang makita na pupunta na siya sa America at iiwan niya na ako. Ni hindi man lang siya nagpaalam sa akin. Ni hindi ko man lang siya nayakap ng mahigpit. Lahat ng mga pinagdaanan namin, bigla kong naalala, lahat lahat.
"Crap! He's not answering the phone!" hanggang sa kinausap ni Nyan ang guard about sa flight papuntang America. Hindi ko marinig ang pag uusap nila, nabingi na ako sa mga narinig ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Yung puso ko yung naririnig ko.
" Nyan, anong sabi? "pagtatanong ko, napakurap lang siya saka napayuko.
" Nakaalis na ang eroplano. Sorry, almoneca. " simula nung araw na yun, hindi ko napatawad ang sarili ko. Iyak ako ng iyak noon. Sobrang nadurog ang puso ko sa mga nangyari. Siguro dahil hindi ko man lang siya nayakap bago siya umalis. Hindi ko man lang nakita sa huling pagkakataon ang ngiti niya.
BINABASA MO ANG
My Sweet Suitor (Completed)
Teen Fiction(Tagalog) Zayra Mendez's heart was shattered after that break up. It was a puzzle and mystery for her knowing that her ex's cousin, Nyan Dela Vegas, is courting her! Zayra wants to stop the courtship and make her ex, Jeyz Delos Santos, fall in love...