Chapter 8

1.9K 33 4
                                    

Chapter 8

(Nyan Dela Vegas ' POV)

Habang naglalakad sa mall ay nakaholding hands kaming dalawa. Mayroong mga taong tumitingin samin pero wala akong pake. Inggit lang sila samin.



Bumili kami ng eyeglasses ko. Bumili ako ng temporary glasses pero nagpagawa rin ako ng eyeglasses ko na sakto talaga sa grado ng mata ko. Baka next week ko pa makuha iyong isang eyeglasses na pinagawa ko.



"Oh may salamin ka na, pwede na siguro tayong kumain?" nagpaparinig na sabi niya, mas hinigpitan ko ang pagkahawak sa kamay niya kaya napatingin siya sa akin.


"Ikaw ang gusto kong kainin eh, rawr."


"Nyan, nagpromise ka! Sabi mo libre mo lahat ng kakainin ko!" nagdadabog na sabi niya, parang bata tong Zayra nato. Napangiti na lang ako ng malawak saka kinurot ang pisngi niya gamit ang isang kamay ko.


"Hayup ka, ansakit."


"Hahaha, arte mo. Gusto mo naman ng masakit." napatingin siya ng masama sakin. Parang papatayin niya ako sa tingin niyang yan ah.


"hoy hindi ko gusto masaktan no."



"Talaga ba? OK lang masaktan, masarap naman."



"Eww Nyan, ano ba yang pinagsasabi mo?"



"Hahahahaha walang nakakadiri sa sinabi ko. Ikaw dyan ang green minded, kung ano ano iniisip mo. Lika na nga.." pumasok kami sa dunkin donut saka nag order na ako doon.


"Apple and spice sakin saka hot choco, yun lang. Sayo Zayra? Ano gusto mo?" Napangiti siya doon sa cashier na nasa counter.



"Twenty na munchkins, assorted, limang classic bavarian saka choco na bavarian, itong choco nirvana tatlo, tapos itong candy sprinkle saka choco, tas ham and cheese na bunwich saka isang hot coffee sakin. Yun lang po." natulala ako sa mga pinang oorder ng babae nato. Ngumisi siya sakin, mukhang gumaganti itong babaeng Ito ah.



Umupo na kami doon. Nakahawak pa rin ang kamay ko sa kamay niya. Napatingin siya sakin tas kumunot noo niya.


" Kakain tayo, baka pwede namang tanggalin mo na ang kamay mo sakin" napailing lang ako.


"kineep ko ang promise ko na ililibre kita KAHIT ANONG KAININ MO ngayon, diba kapalit nun ay hahawakan ko ang kamay mo kahit anong mangyari ngayon sa loob ng mall?" napailing lang siya sakin. Dumating na ang mga orders namin. Alam kong mahirap kumain ng isang kamay pero kinaya naman namin.


Naalala ko lang kung bakit kailangan pang mangyari ang lahat ng Ito...



*Flashback*

" Insan, para kanino yang binili mong sunflower?" pagtatanong ko kay Jeyz. Nasa sala ako ngayon at nanonood ng basketball sa TV. Kakadating niya lang, gabing gabi na. Bukas exam na namin at medyo wala akong paki kung ano maging result ng exam ko kaya hindi ako magrereview.


"Insan, ibigay moto bukas kay Zayra. Para naman matuwa siya.." nabigla ako sa sinabi niya.



"Insan, bat mo bato ginagawa? Bakit hindi na lang ikaw ang magbigay sa kanya? Baka tuluyan ng mafall sakin ang ex mo..." he just laughed saka tinapik ako sa braso. Ibinigay niya sa akin ang mga sunflower.



"Insan, wag nang maraming tanong. Diba nangako ka sakin na papasayahin mo si Zayra? At liligawan mo siya? Ayokong nakikita siya na malungkot. Sige na, ibigay mo na sa kanya ito bukas. Wag mong sabihin na ako ang nagpabigay."

*End*



"Psst. Di mo kakainin donut mo? Akin na lang?" ngumiti lang ako sa kanya saka nagpout sa harapan niya.



"Subuan mo na lang ako. Sige naaaaa. Ahhh" binuka ko ang bibig ko at hinihintay ang pag subo niya sa akin ng donut pero nabigla ako noong yung hot choco ang dumiretso sa bibig ko.



"Ang init!" napaso ang bibig ko sa ginawang yun ni Zayra. Ang init init ng tsokolate tas tawa lang siya ng tawa. Talagang gumaganti ang babaeng ito ah!


OK lang, pasalamat siya mahal ko siya.


Pagkatapos naming kumain ay umalis na kami doon. Dumiretso kami sa quantum para maglaro. Hawak hawak ko pa rin ang kamay niya habang naglalakad kami papunta doon.


"Sana naman nagsawa ka na sa paghawak sa kamay ko." natawa ako sa sinabi niya saka bigla kong hinalikan ang kamay niya na dahilan para ikagulat niya.



"Ano yun? Bat mo ginawa yun?

" Pakipot ka pa. Gusto mo namang halikan ko ang kamay mo. "


" Eww Nyan, hinawak ko yan sa pwet at tae ko kanina. Eww. "pang aasar niya. Ngumisi lang ako sa kanya.


" OK lang, di naman ako maarte tulad ng iba. Tae lang naman pala, sus! " pumasok kami sa quantum. Pinapalitan ko ng token ang 100 pesos ko. Maglalaro kami ngayon nitong babaeng kasama ko. Haha!


" Uy doon tayo sa crane gameee!" masaya niyang sabi. Pumunta kami doon sa mayroong mga Teddy bear. Naghulog ako ng token saka ko cinontrol iyon saka pinindot ang button.

"Andaya, hindi man yan nakakakuha." pagrereklamo niya. Tinamad kami sa crane game kaya dumiretso na lang kami sa basketball game.



Naghulog ako ng token saka nagsimula na kaming mag shoot ng bola gamit ang isang kamay. Nakaholding hands pa rin kasi kami. Nagtataka na ang mga tao samin, wagas daw kami makaPDA (Public Display of affection)


"Ang hirap naman" pagrereklamo niya. Tinawanan ko lang siya ng malakas.



"Hindi ka kasi marunong mag shoot, alam mo Zayra, para kang bola." napatigil siya sa pagshoot saka napatingin sakin...


"Kasi kahit na agawin ka pa ng iba, gagawa pa rin ako ng paraan para makuha kita." napataas ang kilay niya. Halatang hindi siya natuwa sa sinabi ko. Tinawanan ko lang siya.


"Nyan, para ka ring bola. Alam mo ba yun?" Napangiti ako ng malawak saka tinitigan siya.


"Talaga?" naaamaze kong tanong.



"Oo, para kang bola kasi ang sarap mong paikot ikotin at ishoot sa ring. Nakakairita ka na kasi." mas lalo akong tumawa sa naiirita niyang mukha. Halatang kanina pa siya sakin nagtitimpi.



"OK lang, at least nakipagdate ka sakin, diba?" I winked at her. Nabigla siya sa sinabi ko. Ngayon niya lang narealize na nagdedate pala kami....


I still won the game.

My Sweet Suitor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon