Chapter 5

2.6K 39 4
                                    

Chapter 5

(Nyan Dela Vegas' POV)

Kahit na konti na lang ang mga petals ng kawawang sunflower ay kinuha niya na lang ito at inuwi. Napakapabebe talaga ng Zayra na ito!



Kung sabagay, alam ko namang paborito niya ang sunflower eh. Nalaman ko kay Jeyz kanina.

"Hindi ka pa uuwi?" pagtatanong niya, hinatid ko lang siya pauwi sa kanila. Bilang isang manliligaw, kelangan Kong masigurado na ligtas ang nililigawan ko. Wahahaha!


"Ayoko pa. Gusto pa kasi kitang makasama." sabi ko, hinampas nya ulit ako ng bulaklak.


"Aray naman! Hindi ka ba naaawa sa mga sunflower? Kung may buhay lang yan, kanina ka pa nila pinagmumura." medyo pabiro Kong sabi sa kanya. Sumimangot lang siya saka hinampas na lang ako sa braso.


Aba, sumusobra natong babaeng ito ah. Pasalamat siya, mahal ko siya.

" Nga pala, Nyan, salamat dito sa sunflower ah? Saka thank you din sa mga pang aasar mo, ng dahil sa mga kagaguhan mo eh nakalimutan ko yung mga alalahanin at iniisip ko." nabigla ako sa sinabi niya. Napahinto kami sa tapat ng bahay nila.


Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. Nanlaki naman ang mga mata niya. Ang ganda ng mga mata at pilik mata niya. Nakakaakit halikan ang mapupula niyang mga labi.

Ang kinis ng balat niya at ang bango niya.


"N-nyan.." bulong niya.


"Ano ba ang mga alalahanin at iniisip mo?" Napangisi ako sa kanya. Alam ko namang si Jeyz ang iniisip niya lagi eh..


Halata naman....

"Ikaw..." nabigla ako sa mga sinabi niya. Ako? Iniisip niya at inaalala niya?



Bakit naman?


".... Kasi pumapanget araw ko pag ginagago moko." napatawa na lang ako sa kanya. Napailing na lang si Zayra sa akin.



"Wala ka bang goodbye kiss? Kahit sa lips lang oh!" nagpout pako sa harapan niya. Malakas niyang sinarado ang Gate ng bahay nila. Umuwi na ako matapos nun. Inaalala ko pa rin si Jeyz. Kakaiba kasi yung mga kinikilos niya simula noong magbreak sila ni Zayra.


Naalala ko na naman kung bat ko ba nililigawan si Zayra...


*flashback*

" Insan, bat nag break kayo ni Zayra? Sobrang saya niyo na. Sobrang ganda ng relasyon niyo. Akala ko kayo na habang buhay. Pero bakit, insan?" nasa kwarto niya ako. Halos tatlong linggo na siyang tahimik at walang imik. Minsan lutang siya, hindi ko alam kung bat nakipagbreak siya kay zayra.


Matagak ko na ring kilala si Zayra dahil pinakilala na siya ni Jeyz kay daddy Arold at sa akin. Sobrang bait ni Zayra sa amin. Napakaswerte nga ni Jeyz dahil si Zayra ang naging gf niya.


Nirerespeto ko ang relasyon nila at winiwish ko na sana kaparehas ni Zayra ang magiging girlfriend ko balang araw....


Ngumiti lang si Jeyz sakin saka tinapik ako sa balikat.

"Basta insan, ipangako mo sakin na tutulungan mo si Zayra na makalimutan ako. Ayoko na nakikita siyang malungkot."


"Pero insan, bakit ako? Ano ba ang dahilan ng paghihiwalay niyo?"


"Insan, hindi pa ako handang sabihin ang dahilan at katotohanan. Sana maintindihan moko, sorry Nyan." naawa ako sa kanya, ramdam ko yung bigat na nararamdaman niya.


Maaaring hindi ko siya maintindihan, pero kailangan ko siyang intindihin.....

"Sige Jeyz, papasayahin ko si Zayra. Hindi ko hahayaang malungkot siya, gagawin koto para sayo..." nginitian niya ako at nag hi five kaming dalawa.


"Pero Jeyz, paano? Paano ko siya magagawang kalimutan ka?"

"Insan, ligawan mo siya."

*End of flashback*



Nakarating na ako sa bahay. Nakita ko si daddy na naghuhum. Mukhang blooming at masayang masaya si daddy.


"Dad, kamusta ang panliligaw? Mukhang blooming ah." napangisi si daddy sakin habang nagtitimpla ng orange juice sa kitchen. Nakangit pa siyang tinitimpla ito.


"Anak, kung sakaling sagutin ako ng nililigawan ko. Payag ka bang magkaroon ka ng bagong mommy?" I hugged my daddy tight.


"of course dad. I support you, always. Kung San ka masaya, masaya na rin ako."

***
Nasa loob ako ng kwarto ko, maya maya pa ay may kumatok sa kwarto ko. Nakita ko si Jeyz na nakasuot ng computer glasses niya.


"may kailangan ka, insan?" pagtatanong ko.


"Nandito kasi si Almoneca, kailangan niya ng laptop. Kailangan naming matapos ang reports para sa upcoming event ng school." noong marinig ko ang pangalang iyon ay napangiti ako ng malawak..


"Sorry, nakalimutan ko kasi yung laptop ko sa bahay. Sorry talaga." napatingin ako sa babaeng maiksi ang buhok, nakasalamin, at seryoso ang mukha.


Ngumiti ako ng matamis.


"Oo naman, saglit lang. Kung gusto niyo, tulungan ko pa kayo. Snacks, gusto niyo? Ipaghahanda ko kayo!" masaya Kong sabi saka inabot ko ang laptop ko kay Almoneca. Sinadya Kong mahawakan ang kamay niya noong iabot ko ang laptop sa kanya.

Nagkatinginan kaming dalawa. Napangiti ako ng sobrang lawak.


"T-thanks, Nyan."



"Insan, hindi na. Kaya na namin ito. Hindi na namin kailangan ng tulong mo. Matulog ka na lang." napasimangot ako sa sinabi ni Jeyz, haaaayss. Napaka kj naman nitong pinsan ko.


Gusto ko talaga si Almoneca....


Siya yung babaeng matagal ko ng gusto. Pero nahihiya akong umamin sa kanya dahil mukhang madali lang sa kanya ang mambasted. Naalala ko, nakita ko siya dati noong umakyat ng stage. Sobrang dami niyang awards at nakakabilib.


Hindi lang ako naastigan sa kanya nun, nainlove din ako sa kanya....


Mukha akong sira pero crush ko talaga siya eh.

Humiga ako sa kwarto at nagmobile legends. Hindi ako makatulog, balita Kong mag oovernight si Almoneca dito at 11:28 na ng gabi. Naisipan Kong dumiretso sa kwarto ni jeyz para makita kung ano ba ang ginagawa nila doon.



Kung ano anong madumi ang naiisip ko, pagdating ko doon ay nakita Kong gising na gising pa sila. Sobrang tirik na tirik ang mga mata nila sa kanya kanyang laptop. Gulo gulo ang mga papel sa sahig. Sobrang tahimik ng paligid...




Sobrang busy nila at tutok na tutok sila sa kanya kanya nilang ginagawa.


"insan, bat nandito ka?" napakamot ako sa batok ko..


"Akala ko kasi may nangyari sa inyo."








"Ha?!" parehas nilang sigaw.



"What I mean is, akala ko may nangyaring masama sa inyo. Alam niyo naman ngayon, Friday the 13th,malas yun. Nag aalala lang ako sa inyo. Hehe" napakamot ako sa batok ko, buti na lang at nakaisip ako ng dahilan......

MissShyPatheticLoser's note: sorry kung boring, salamat na lang sa pagbabasa. 😑😑😑

My Sweet Suitor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon