Chapter 31
(Zayra Mendez's POV)
Habang nagsosoundtrip at kumakain ng chips ay hindi namin namalayan ang pagbyahe namin. Nandito na pala kami sa resort. Nag park si Jeyz at agad na bumaba naman ako para kunin sa trunk ang mga gamit namin.
"Let's go." inalalayan niya ako sa mga bag ko. Or should I say, siya na lang lahat ang nagbuhat ng mga bag ko.
"Ahh Jeyz, tulungan na kita. Masyado ng marami dala mo saka pagod ka sa byahe, ikaw pa naman ang nag drive."
"Wag na makulit. I can handle."
"Jeyz naman eh."
"Zayra, I love you so much to the point na ayokong mapagod ka. So please, just let me do this." he kissed my forehead, napatango na lang ako. Binuhat niya lahat ng mga gamit namin. Ang ganda ng resort. Sobra. Malaki siya.
Excited na nga ako dumiretso sa Beach para mag swimming. But first, kailangan namin mag check in.
Dumiretso kami doon sa front desk para mag inquire if may available pa na rooms. Pero good thing, nakapareserve na pala kaagad si Jeyz a day ago. So we went to our room. Noong binuksan ang kwarto ay napanganga ako. Ang ganda kasi ng buong kwarto. Inspired by natives and local furnitures ang buong room. Pero single bed lang iyon.
"Dito ka. Doon yung kwarto ko sa kabila." it made me smile, at least rest assured akong may privacy kaming dalawa at may respeto sa akin ang boyfriend ko.
"T-thanks." inilapag niya doon ang mga gamit ko. Umalis na siya at dumiretso sa room niya. Nahiga muna ako sa kama ko. Haaays. Ang sarap naman talaga matulog matapos makapagbyahe ng pagkatagal-tagal.
Nagising na lang ako sa pag ring ng phone ko. May tumatawag sa akin. I answered the call.
"almoneca, napatawag ka?"
"Ahmm, a-alam mo ba kung n-nasaan si Jeyz? Hindi niya kasi sinasagot ang tawag ko. I just wanna ask him kung----"
"Oh? Anong kailangan mo sa boyfriend ko? Mag kasama kami ngayon, bakit?!"
"Ah.. W-wala. S-sige, pakasaya kayo." Inend niya na ang call. Pero haayst, bat ko ba siya sinungitan? Sa tuwing naalala ko kung paano magconfess sa kanya si Nyan noong Gala. I can't help but to get angry. Naiirita na ako kay Almoneca at kay Nyan. Nakakainis silng dalawa. Ang sarap talaga nila ipakulam.
Kung may witch lang dito sa resort, talagang ipapakulam ko silang dalawa. Argh!
Kumulo ang tyan ko. Napatingin ako sa wrist watch ko. Its almost 11.45 na pala. Gusto ko na magtanghalian kaya naman nagshower muna ako and then nagdress ako ng white na floral. Lumabas na ako, kakatukin ko sana ang kwarto ni Jeyz na katabi lang ng room ko pero naisip ko na wag na lang, baka kasi natutulog pa siya o nagpapahinga, baka maistorbo ko lang siya.
Naglakad lakad muna ako sa buong resort. Gusto ko makarating sa dining area nila para makahanap ng ma kakain. Kumukulo na talaga ang tyan ko.
(Almoneca Delion's POV)
Kagabi, tinanong ko si Nyan kung gusto niya ba sumama sa akin sa resort na pagmamay ari ng dad ko. At sumama naman siya, tuwang tuwa pa. Iba rin talaga ang Nyan na iyon.
Nasa car na kami ngayon. Ako ang nagdadrive habang siya ay naka headphone at nagsosoundtrip mag isa. Napatingin ako sa kanya.
"Nyan, wag kang umasa na sasagutin kita. Pinayagan lang kitang ligawan moko para hindi ka mapahiya sa kanila noong Gala. I don't really mean to accept your offer." Napatingin siya sakin at tinanggal ang earphone sa tenga niya.
BINABASA MO ANG
My Sweet Suitor (Completed)
Teen Fiction(Tagalog) Zayra Mendez's heart was shattered after that break up. It was a puzzle and mystery for her knowing that her ex's cousin, Nyan Dela Vegas, is courting her! Zayra wants to stop the courtship and make her ex, Jeyz Delos Santos, fall in love...