Chapter 53

1.2K 15 0
                                    

Chapter 53

(Almoneca Delion's POV)

Mag iisang linggo na kami nila Zoe, Frannie, and Veronica dito sa resort namin. Naalala ko noong nag entrance exam kami noon, noong nakita ko si Derrick. Hindi ko siya pinansin nun hanggang sa nag uwian. Good thing, bumalik agad ang proctor at sa kanya ako humiram ng sharpener. Nakaupo kami ngayon sa isang log habang nasa harap namin ang isang apoy.

Tawa kami ng tawa while we're eating junk foods. Ang lamig ng hangin, madilim na dahil 10 PM na. Maraming stars at maliwanag ang buwan.

"Guys, Sana makapasa tayo sa entrance exam noh?" biglang open up ni Veronica. Ngumiti lang si Frannie saka umapir.

"For sure pasado na tayo, si Almoneca ang nag tutor satin eh. Hahahaha." Masaya niyang sabi. Binuksan nila iyong piattos saka Nova at tumikim.

"Yup, ikaw Zoe? Why are you lonely? Parang ang tahimik mo." umangat ang tingin niya sa amin, tinitigan niya kami isa isa. Napakurap siya saka bigla kaming niyakap isa isa.

"Aww zoe, don't cry. We're here for you. Ano ba ang problema mo?" concern na tanong ni Frannie saka hinagod ang likod ni Zoe. Napasinghot si Zoe saka niyakap ako. Ramdam kong naiiyak siya.

"Guys, I'm sorry... Tomorrow, I'm leaving."

"WHAT?!" sabay sabay naming sigaw. Pinawi niya ang luha sa mga mata niya. Pinat ko yung head niya.

"My mom surprised me last night through text, sabi niya sa abroad daw ako magcocollege. Sayang lang yung pagtake ko ng entrance exam last week." napangiti siya, she tried her best to smile.

"Bukas, sa pag uwi natin. Aalis na ako. This will be our last goodbye," lahat kami nalungkot, akala namin, sabay sabay kaming magcocollege sa Ateneo. Akala namin, hanggang mag college ay magkakasama pa rin kami. But in the end, mukhang Aalis na si Zoe. Iiwan niya na kami.

" Zoe.. "lahat kami nag iyakan na, nag group hug kami. Hindi ko ma explain ang lungkot na nararamdaman ko. Noong mapagod kami umiyak, Pinawi ko ang mga luha ko. Ngumiti ako sa kanila.

" Kung ito na ang last moment natin, then let's cherish this moment. Let's make it an unforgettable one!"

"Oh yeah!"

"Sige ba!"

"Yey!" Masaya kaming lahat sa naging suggestion ko, nag apiran kami at nagtawanan.

"Mag Island hopping tayo ngayong gabi!" Masaya kong sabi, kumunot ang mga noo nila.

"Are you serious? It's already dark. Baka mapahamak tayo." napaisip ako sa sinabing iyon ni Veronica.

"Then let's sing! Magvideoke tayo while having buffet snacks! Tapos mag night swimming tayo! Hanggang umaga!"

"OH YEAH!" sigaw nilang lahat, nagtawanan ulit kaming lahat. Dumiretso na kami sa room, private room ito for videoke. Nag order na rin kami, syempre Libre lahat ng gagastusin dahil resort namin ito. Si Zoe iyong kumakanta, umiiyak siya dahil last goodbye na namin ito sa kanya. Malaki ang room at may mini table sa gitna. May flat screen TV sa harapan namin na 24 inches.

Hawak hawak ni Zoe ang mic.

"Farewell to you my friends
We'll see each other again,
Dont cry cuz it's not the last of everything." kinakanta niya iyon habang iyak siya ng iyak. We're all trying to be happy. Pero hindi namin kaya. Sobrang mamimiss namin siya.

Niyakap ni Veronica si Zoe habang kumakanta. Sinasabayan naman ni Frannie si Zoe sa pagkanta. Napatingin ako sa wall clock dito sa room. Mag tetwelve PM na, hindi pa rin sineserve ang foods namin for midnight snacks. Naiinis akong lumabas sa room saka Dumiretso sa kitchen ng resort para kausapin yung chef at mga cooks.

My Sweet Suitor (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon