"Brad, tignan niyo may posteng naglalakad oh!"
"Kaya pa ba nyan humakbang? Parang isang ubo na lang malalagutan na ang bruha, ah"
"Umagang-umaga may umaaligid na namang ligaw na kaluluwa susme!"
"jsahbshshshkshvsfdsdjshdbdnahansjdmtksjvphsjlakcns!!!"
"HSDJSHSBVNMKLRYTRPL!!!"
Ano raw? Partida pati aliens ayaw ding magpatalo. Pero joke-joke lang 'no! Masyado kasing sineseryoso ang buhay kaya ang aga-agang namamatay. Joke lang din! Hahaha! Peace!
Pero balik tayo sa bulungan nila. Nakakainis kasi eh! Alam kong alam mo na ako ang tinutukoy ng mga ngala-ngala nila. At two years ago naririnig ko na ang mga linyahan nilang 'yan. Nakakasawa na lang 'di ba?
Poste. Isang ubo. Bakulaw. Ligaw na kaluluwa. Lahat na yata ng panglalait na mahahanap sa tao nasalo ko na. Oh 'di ba? Title holder na ako. 'Buti pa nga hayop naa-appreciate nila eh. Papano ba maging hayop?
DALI EXCITED NA IS ME! RAWR!
Ay sorry na-carried away lang. Naka-capslock pa naman, katakot. Sila naman kasi eh! Tini-trigger ang katawang-lupa ko. 'Di ba galing naman talaga ang katawan sa lupa? Ay teka, nawawala na ako. So ito nga, balak ko pa namang magpakilala ngayon pero na-bad mood na ako. Wala na. Kaya pilitin niyo ako. Dapat mapilit niyo ako.
Joke!
Aayusin ko lang ang speech ko ha? Kailangan kasi maganda. Kahit sa introduction na lang sa speech ko maranasan ko man lang maging maganda. Sabi ko nga speech ko ang maganda. Ano ba ang problema? Ha?
Okay. Ito na.
Ako pala si ano. Speech ko 'to. May crush ako at 'yon si ano. Oo crush ko siya. Tapos 'di ko alam na gusto pala ako ni ano. Eh 'di, naguguluhan na ako. Pero nong pinili ko si ano, 'yon lang din minahal ako ni ano. Ang gulo 'no?
Oo hindi ako kagandahan pero ganito na ba ka-gulo ang magiging love story ko?
*facepalm*
---
Not Your Typical Girl
written by: mistercupidnessThis work is a fiction, a product of an author's imagination. Any resemblance of names, scenes, settings in this story are purely coincidental to reality.
PLAGIARISM IS UNETHICAL! You might not be punished by law but you know it is wrong. *wink*
VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED! ❤
BINABASA MO ANG
NOT YOUR TYPICAL GIRL
RomanceBuhay-single si Abakada sa tatlong taon ng high school life niya sa Guinso High School. Sa ka-edaran niyang ito, hindi maitatangging pantasya na ng mga kababaihan ang magkaroon ng ka-lovelife, kaso hindi siya pinapalad magkaroon kahit man lang sa is...