Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 6One week. Lampas isang linggo ko na palang hindi nakikita si Four. Kaya pala may kulang sa'kin ang linggong ito. Si Abe naman baka abala na siya kaya minsan na lang kaming magkita sa campus. 'Di ko na nga siya nakakasabay kumain sa food court eh.
Maraming nangyari sakin itong nakaraang linggo. 'Yong sigang 'yon na pinaglihi ng kapre, medyo iniiwasan na ako ngayon. Mabuti na lang 'yon kaysa naman mambwisit ulit sa'kin. 'Di ko naman siya kailangan eh. Si Loren naman parati na kaming nagsasama sa campus.
Sa pagiging abala ko nitong nakaraang linggo, halos makalimutan ko na ang goal ko-- iyon ang makakuha ng mataas na general average sa first and second grading.
"It's so marami naman," reklamo ni Loren habang magkatabi kami sa harap ng isang bookshelf.
"Di ka sanay magbasa ng ganito 'no?" I asked her, nakatingin pa rin ako sa mga nakahilerang libro at 'di ko muna siya binalingan.
"Not really. I'm not just into books lang kasi"
"Ako rin naman Loren eh, sa totoo lang parang may allergy ako sa mga libro kaya nga nangongopya nalang ako non"
"What? A cheater? Were you?"
"Nangongopya lang"
"It's both the same kaya," pag-angal nito habang yakap-yakap niya ang mga librong nahanap na niya sa shelf.
Binalingan ko naman siya ng tingin dahil sa sinabi niya.
"Pareho nga oo, pero yong salitang cheater parang mabigat na yon eh. Kaysa sa nangongopya, parang ang gaan sa tenga pakinggan"
"Haler! You just seem to escape the fact Abakada. But well, you have a point naman, to think that, if someone sees you as a cheater, it's like you're really worst. Generalized term na kasi ang salitang 'yon"
"At kung sinasabi mong parang worst ang cheater, 'di mo ba alam na leading pa nga ako sabi ni Ma'am Sandra? Pero ang totoo nyan, marami talaga kami non."
"Eh? Class adviser mo pala si ma'am Sandra? That pretty teacher who always wears eyeglasses and always have a fan in her hand?"
"Bakit? Ngayon mo lang alam? Grabe ka Loren ha, magkadikit kaya 'yong F at G sa alphabets"
"Di kasi namin siya subject teacher simula nong Grade seven," paliwanag niya na lang.
"Pero totoo talaga 'yon Loren na nangongopya ako pati mga kaklase ko," sabi ko habang abala pa rin kakahanap ng Advanced Algebra. "Kaya nga ako napunta sa section niyo kase may nagsumbong kay ma'am Sandra na ako raw ang nangunguna sa kopyahan sa'min"
"Really? I'm sorry to hear that"
"Para kang ewan. Syempre kung hindi rin ako nalipat, eh 'di, hindi kita nakilala ngayon"
"Oo nga 'no? But wait, alam mo ba who's that person who reported about you?"
Naibalik ko ulit ang maling librong nakuha ko sa shelf sa tanong niyang 'yan.
Oo nga pala, sino kaya nagsumbong kay Maam?
"If I were you, I would better ask ma'am Sandra. Of course it's so unfair in your part na ikaw lang ang nag-sasacrifice when in fact pare-pareho lang naman ang ginawa niyo. Right?"
Ngiti nalang ang aking itinugon sa opinyon niyang ito.
Habang papunta na kami ngayon sa bakanteng table, napaisip na lang ako kung sino ang posibleng nagsumbong kay ma'am tungkol sa'kin. Kung tutuusin, hindi 'yon magagawa ng mga kaklase ko don sa F dahil sabi pa nga ni Loren, pare-pareho lang naman yong mga ginawa namin.
BINABASA MO ANG
NOT YOUR TYPICAL GIRL
RomanceBuhay-single si Abakada sa tatlong taon ng high school life niya sa Guinso High School. Sa ka-edaran niyang ito, hindi maitatangging pantasya na ng mga kababaihan ang magkaroon ng ka-lovelife, kaso hindi siya pinapalad magkaroon kahit man lang sa is...