Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 15"Uminom ka nga ng gamot Ada, kanina ka pa dyan tahol ng tahol eh," iritableng sambit ni mama.
"Ok lang ako 'Ma, sige ho papasok na ako"
"Bakit ka ba umuwing basa kagabi? Alam mo namang mahirap magkasakit ngayon," ani nitong si mama habang nanunuod ng TV. Hindi na lang ako umimik.
"Oh, ikumusta mo ako kay Abe 'yong kaibigan mo. Matagal na siyang 'di nakakadalaw dito eh," bilin sa akin ni mama.
"Sige ho"
Isinakbit ko na ang bag ko at akmang lalabas na.
"Pati na rin yong lalaking kaklase mo 'ata yon na minsan nang naghatid sayo"
Napaubo na lang ako sa pahabol niyang ito. Ano ba 'yan si mama ipina-alala niya sa'kin si Duane na kasalukuyang tinatantanan ko na sa isip ko. Hay. Nakaka-miss din naman 'yong siga na 'yon. Lampas isang linggo na niya akong hindi kinikibuan eh.
"Bye Ma!" Pagpaalam ko. Saka ko pinalakad ang bike palabas ng gate sa pamamagitan ng paghawak ko ng monobela.
Sumakay na ako ng bike at sinimulan ko nang magpadyak gaya ng nakaugalian ko. Sa kakapadyak ko, naalala ko tuloy 'yong moment na naka-angkas ako sa motorsiklo ni Duane nang ihatid niya ako at sabay kaming pumasok sa school non. 'Yong hindi mawala-walang ngiti sa kanyang labi nang tumingin ako sa side mirror. Iyon na yata ang huling pagkakataon na makikita ko siyang nakangiti.
Hay. Maibabalik ko pa ba 'yong ngiting 'yon sa kanya?
Mga halos sampung minuto ang lumipas nakarating na ako sa school. Pagkapark ko ng bisikleta, tinahak ko ang daan papasok ng gate. 'Di ko alam kung bakit mula sa gate hanggang maparito sa campus pinagtitinginan ako.
Ano kayang meron? Parang may kakaiba sa mga tingin nilang ito eh.
Didiretso na sana ako sa hallway papunta sa building namin kaso nahagilap ng paningin ko si Loren yata 'yon na nakatalikod at halos makipagsiksikan ito papunta sa bulletin. Ilang sandali lang lumingon ito sa bandang direksyon kung nasaan ako at doon nagkatagpo ang aming mga tingin.
"Ohmyyy Abakada!"
Sinalubong niya ako ng yakap niya mula sa mabilisan niyang pagtakbo, saka bumitaw din ito kaagad na wagas ang ngiti.
Teka! Naalala ko.
Dito ako tiningnan ni Four ng apat na segundo nong first day of school eh. OMG! Sa kabila ng komplikadong sitwasyon kong ito kay Duane naalala ko pa 'yon? Teka, kamusta na kaya si Four 'no?
"Congrats Abakada! You are in the top!"
"Di nga? Ako?" Alanganin ko pang tanong. Imposible naman 'tong pinagsasabi niya eh 'di naman ako matalino, nag-aaral lang nang mabuti.
"C'mon!"
Sapong-sapo ang bibig ko ngayon habang umuubo kasabay ang pakipagsiksikan namin ni Loren dito sa crowded area na 'to. 'Di ko alam kung bakit sa ganda niyang 'yan na hinirang na prom queen, mararanasan niya ang ganitong siksikan.
Parang tumigil ang bawat galaw ng bagay sa paligid ko pagkaharap ko sa bulletin dahil sa sobrang gulat.
Gulat na gulat.
92.37 ANG GENERAL AVERAGE KO?
WAAAAAAHHH! OMG! OMG!
Isang grading na lang matutupad na ang goal ko. Gusto kong magsaya ngayon dahil 'di ko inaasahan 'to. Waaaaahhh! Masampal ko nga sarili ko baka panaginip ko lang 'to.
BINABASA MO ANG
NOT YOUR TYPICAL GIRL
RomanceBuhay-single si Abakada sa tatlong taon ng high school life niya sa Guinso High School. Sa ka-edaran niyang ito, hindi maitatangging pantasya na ng mga kababaihan ang magkaroon ng ka-lovelife, kaso hindi siya pinapalad magkaroon kahit man lang sa is...