Chapter 58

862 194 0
                                    

Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 58

"Yes, balik oplan ang tawag sa operation na 'to," nakangiti itong tugon. "Sabihin na nating article 'to at bilang isang magandang writer, para makabawi man lang ako sa mga kamalasang nagawa ko eh nagsurvey ako dito sa campus kung papaano maibalik ang isang nasirang relasyon"

"Talaga?" di ko makapaniwalang tanong.

Binasa ko naman kaagad yong mga nakasulat sa kasunod na Balik Oplan.

Love and trust are very much important in a relationship. But what if the relationship you are taking care of get ruined? Are you depressed how to get back the relationship that was once destroyed? Here is the list of the things you can apply:

1. Know your purpose.
You must set your purpose towards aiming your goal -- that is to have the relationship again with the person you had before. That purpose will give you motivation to strive on getting back the relationship even if it's too hard.

2. Think of how you get started.
This step must give you clues how to approach that perso--------

"Totoo ba 'to? Baka naman pumalya lang," angal ko nang ibaba ko na ang kamay ko sa hawak kong papel at tumingin sa kanya.

"Bakit di natin subukan? Basta Ada, tutulungan talaga kita. Puntahan mo lang ako sa office kung kailangan mo na tulong ko," pagkasabi niya nito, hinawakan niya ang bisig ko at lumayo na ito sakin.

"Pag-isipan mo! Kaya mo yan Ada!" sigaw pa niya bago ito lumiko. Naabutan ko pa ang pagkaway ng kamay niya at agad ko rin namang ibinalik ang tingin ko sa ibinigay niyang papel.

'Mamaya ko nalang babasahin 'to, pag-uwi ko,' sabi ko sa aking sarili.

Ni-roll ko ulit ang papel. Naglakad ako nang mag-isa sa hallway kasabay ang tinginan sakin ng mga estudyante. Nabaling lang ang tingin ko nang mapadaan ako sa bulletin na pinagdikitan ng blog. Sandali ko ring pinagtuunan ng pansin ang apat na pictures na agad makikita katabi ng blog.

'Sana nga maibalik ko sa dati ang lahat nang nasira,' nangangarap kong usal at saka ako tumingin sa nakarolyong papel na aking hawak sa kamay kong hindi naka-benda.

Makabalik na nga sa room baka maiyak pa ako dito.

Naupo ako sa silya ko na saktong kararating lang din ni ma'am. Nilibot niya muna ang kabuuang room at saka siya pumunta ulit sa harapan.

"Where are the three? You are all 46 right?"

"Yes ma'am," sabay-sabay naming sagot.

"Ok. Find your pair and there is one who will just do the activity by himself"

Muling umingay ang mga kaklase ko na tuwang-tuwa pa ang iba. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Bernadette na matik nang magkapares kami.

"Pares tayo Dacuno"

Ayt. Ewan ko ba pero bigla kong naalala yong sinabi ni Duane sakin nun nang sumingit siya sa'min ni Loren nang magkaroon ng by pair na activity nun. Nakaka-miss.

"O kita mo? Pair tayo," naalala ko pang sabi niya.

Patago akong napangiti kahit alam kong alaala na lang yon.

Hay.

"Now class, we will go to Science lab for an experiment. Go with your pair"

Tumayo ako at sabay na kami ni Bernadette na lumabas ng room kasama ang mga kaklase namin. Nakasabay pa namin sa hallway sina Duane at Denver na magkapares rin ata habang ang ibang mga kaklase namin ay nasa aming likuran. Tahimik at parang seryoso pa rin si Duane mula pa kanina. Syempre, pinagmamasdan ko pa rin naman ang mga kilos niya.

NOT YOUR TYPICAL GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon