Chapter 19

1.2K 245 1
                                    

Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 19

Gumanda raw ako sabi ni Four. Mas gumanda raw ako sabi niya.

OMG! Gumanda nga raw ako whahahaha! Isang napakalaking biyaya!

Hanggang ngayon 'di pa rin ako makapaniwalang sasabihin niya ako ng ganong nakakaantig na mga salita. Para akong bulaklak na namumukadkad eh! Pero don't get me wrong. Alam ko naman na maganda talaga ako eh, pero 'yong manggagaling mismo sa bibig ni Four, ibang usapan na kasi 'yon.

Nanggigising ng natutulog kong pagkababae  eh! Whahaha!

Si Four kasi 'yon eh! Si Four 'yon na crush na crush ko. Kung pwede ko nga lang siyang asawahin eh tiyak mahihiya na si Eba sa Adan niya. Aww.

Malaya akong humilata sa kama pagkauwi ko galing sa eskwelahan. Ewan ko ba't nawala ang pagod ko sa kakapadyak ng bike. 'Di ko talaga makakalimutan 'tong araw na 'to. At dahil mukhang hindi pa naman ako mamamatay sa kilig, parang gusto kong ulit-ulitin 'yong nangyari kahit na maging sirang plaka pa 'tong utak ko wala akong pake.

[Flashback]

"Abakada! Teka!

Agad ko siyang nilingon. Tumakbo itong parang nagslow-mo at pakiramdam ko parang kami lang ang tao dito.

"Ha? Ano ulit sabi mo?"

"Mas gumanda ka ngayon Abakada"

WTF!

The best ka talaga Mama. Salamat sa pa-eskinol at pa-ponds mo.

"Ha? Di naman masyado hihihi ikaw naman," ako pa ngayon ang nahiya sa kanyang binanggit dahil nakaka-flutter naman talaga sobra.

Masyado mo akong ginugulat Four eh. Pero totoo, di ka nagkakamali sa sinabi mo.

"May phone ka diba?"

"Ha? Pero kase de-keypad lang sya"

"Swak na yon basta may camera"

Wuttt.

Kinuha niya ang phone na nasa kamay ko na kakahugot ko lang mula sa bulsa ng aking palda. Kinilig pa ata yong nerves ko kase naman nagkadikit ang mga kamay namin eh. Agad akong pumwesto sa tabi niya nang baliktarin niya ang phone ko sa likod para makapagpapicture kaming dalawa.

Kahiya di uso sakin ang front cam. Mabuti nalang hindi siya maarte kaya mas lalo ko siyang nagustuhan.

"Ayan Abakada," sabi niya pagkatapos naming tingnan ang mga kuha. "Sayang lang di ko nadala phone ko nasa locker. Wala akong kopya"

Eto na naman si Four, tinititigan na naman niya ako.

Waaahhh! Four please. Kahinaan ko yang mga mata mo wag mo'kong tititigan ng ganyan. Huhuhu

Sana lang hindi malaglag ang panty kong pula, masikip yon nang sinuot ko eh.

"Anong oras na pala," sabi niya nang tumingin siya sa suot niyang relo. "Sensya ka na Abakada, baka pinaghahanap na ako ng ka-team ko pati na si coach"

"Ok lang. Text-text nalang tayo. Good luck pala sa laro nyo"

"Sige. Ikaw din"

Kumaway siya sakin bago siya umalis sa aking harapan. Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang mawala siya sa aking paningin sa sobrang pagmamadali niyang makapunta. Kasunod nito tiningnan ko ulit yong pictures na kuha namin kanina.

Waaaaa. Nakangiti dito si Four oh, ang cute cute niya. Naka-akbay pa siya sakin kaya halos dumikit ang kili-kili niya sa mukha ko pero amoy-baby pa rin ang peg kahit na pawisan na siya.

NOT YOUR TYPICAL GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon