Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 29Dialing...
MAMSKIEHay. Ring lang ng ring ang phone ni mama. Ano kaya 'yong ginagawa niya?
"H-hello Ada! Hello?" Naka-loudspeak pala ang phone ko.
Nakahinga ako ng maluwag dahil sa wakas sinagot din niya ang tawag ko.
"Ano Ada, busy kami ng papa mo. May problema ba dyan?"
"Maaaa! Kamusta na kayo dyan?"
"Wag mo kaming alalahanin dito. Bakit ka napatawag?"
"Ano kasi 'ma, 'di ko talaga maintindihan kung bakit siya yong taong ibinilin m----"
"Anong siya? Bakit mayaman ba tayo at maghahanap pa ako ng kasambahay ha?!"
"Pero 'ma naman, pwede naman si Abe eh kays----" nahinto agad ako sa pagsasalita nang maalala kong nagtatampo pala sa'kin si Abe. Mas pinili ko raw kasi ang section G kaysa sa kanila. Sana nga ganon lang kadaling pumili ng section eh 'no?
"Si Abe 'kamo? Wala akong contact sa kanya Ada"
"Eh papano ka nagkaroon ng contact kay Duane 'ma? Ma! Nakikinig ka ba sakin 'ma?"
Lumukot ang noo ko sa narinig kong boses sa kabilang linya na may kausap siyang iba. Baka si papa. So hinintay ko na lang na magsalita ulit si mama pero laking-gulat ko nang in-end call na niya pala ang tawag ko.
Argh! Walang pasabi eh.
Ngayon tuloy takang-taka ako kay Mama. Nong una kasi, alam kaagad niya 'yong pangalan ni Duane kahit hindi ko pa ito ipinakilala sa kanya. Ngayon naman may contact siya?
Wow, eh 'di sila na ang close. Close na silang dalawa.
Tumingin ulit ako sa phone ko. Sinubukan ko ulit na tawagan si Mama pero cannot be reached na raw siya.
Argh! Si Mama naman eh. Hindi ba niya alam na inaasar na ako ng mga kaklase ko dahil kay Duane? Alam na kasi ng buong klase na pansamantalang nakatira si Duane sa amin. Pansamantala lang pero...ano na lang ang iisipin ng mga 'yon? Kahit si Loren tuwang-tuwa.
"Ate Ada! Ate! Ate Ada!"
"Anong tinatawag-tawag mo dyan Adam?" Nakabusangot kong tanong.
"Ate Ada! May bisita si kuya Duane. Maganda siya ate bilisan mo!"
Shookt.
Sinong magan----si Cassy? Andito ngayon si Cassy sa bahay namin?
Makalabas nga ng kwarto. Trespassing ang ginawa niya kung alam niya lang.
"So dito ka na pala nakatira loves? Bakit 'di na lang sa'min kumpara sa bahay na 'to." Nakita kong nilibot pa niya 'yong kanyang tingin sa sala hanggang matigil siya nang makita niya akong nakatayo sa unang bahagdan ng hagdan.
Napakamatapobre pala itong gaga. Sinusubukan yata ako ng babaeng 'to.
"Hoy babae anong sabi mo?!"
Lalapitan ko pa lang 'yong Cassy na 'yon pero pinigilan at hinarangan kaagad ako ni Duane.
"Bitawan mo'ko Dua---bitawan mo'ko sabiiiiii!"
Tinawanan lang ako ng gagita.
"Hoy babae ka! Lumayas ka sa bahay na 'to sinasaniban mo ang lugar na 'to ng masamang espirito!"
"Well, well, well!" Nagcrossed arms pa sa'kin ang gagang ito at ngumisi. Mapang-asar na ngisi.
Humanda ka talaga sa akin babaita kaaaaa! Gigil na gigil na ako sa gilagid mo. Rawr!
BINABASA MO ANG
NOT YOUR TYPICAL GIRL
RomanceBuhay-single si Abakada sa tatlong taon ng high school life niya sa Guinso High School. Sa ka-edaran niyang ito, hindi maitatangging pantasya na ng mga kababaihan ang magkaroon ng ka-lovelife, kaso hindi siya pinapalad magkaroon kahit man lang sa is...