Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 8Sabay kaming naglalakad ngayon ni Loren sa hallway nang maagaw ang atensyon namin sa malaking speaker na nakadikit sa wall ng classroom na malapit sa kinaroroonan namin.
"Attention everyone! The Foundation Day will be held next week. Please prepare your booth from your section in each year level. This will be checked by your adviser. The school head needs your cooperation to make this event a successful one. This is today's announcement. Have a nice day ahead!"
Napahawak ako sa strap ng bag ko sa aming narinig mula sa speaker. Nagkatinginan na lang kami ni Loren ukol dito.
"Ano sa tingin mo yong atin?" Natanong ko sa kabila ng kuryusidad na tumama sa'kin.
"I don't have the idea yet Abakada. Pag-uusapan natin 'yan later"
"Pero desisyon mo pa rin naman ang masusunod eh. Ikaw kaya ang president sa klase natin," paalala ko sa kanya.
"Yeah, you know naman mga classmate natin. Maraming pa-bida"
"Sinabi mo pa. Katulad na lang ng kapre na naka-pair ko sa practice natin! Kung wala lang ako sa katinuan pinagsasampal ko na siya both left and right! Kakainis eh, tanungin ba naman akong nagagawapuhan daw sa kanya? LOL!" Tawa na lang ng tawa si Loren sa paglabas ko ng hinaing. "Oh siya Loren, andito na tayo. Atin-atin na lang 'yon hehehe," pabulong kong sambit sa kanya. Kinindatan naman ako nito na pangiti-ngiti sa nailabas kong emosyon.
Bumalik ulit kami sa pwesto namin na wala nang imikan. Pagkatapos ng break time na ibinigay ni sir sa amin, nadatnan naming nandito na rin 'yong mga kaklase namin sa gym na nag-uusap-usap. Kahit papaano, ginhawa ang naramdaman ko dahil wala pa 'yong kapares ko sa contemporary dance which is makaka-relax pa ako. Medyo busog pa naman ako galing food court. Kaya umupo lang muna ako sa bleachers at pinagmasdan ang mga kaklase ko.
Si Loren, inaasar siya ni Angelo kaya naghahabulan ang dalawa sa bleachers.
Nakakatuwa din naman ang iba kong nga kaklase kahit na minsan nagpauto rin ang mga 'to sa lalaking siga na pinaglihi sa kapre. Pansin ko nga na simula nong araw na hindi na ako nagpadaig sa kapreng 'yon, ngayon hindi na nila ako gaanong binubully."Woy boss saan ka galing?"
Nabaling ang atensyon ko sa lalaking naglalakad mula sa 'di kalayuan.
"Yumosi lang"
"Penge nga boss," sabi ng kaklase naming sumalubong sa kanya.
Habang nakatingin ako sa kanilang dalawa, sakto lang na dumating na rin si sir kung kaya't napatayo kaagad ako mula sa bleacher at pumunta sa pwesto namin kanina.
"We only have fifteen minutes. Now class, I want girls to face your partner again and embrace the neck of your partner. Boys, put your hand on your partner's waist. Am I understood?"
Ano daw? Nabingi naman ata ako don.
"Narinig mo?!"
Nilingon ko yong kapreng nasa tabi ko na at ngayon nasa harap ko na siya.
Hay. Amoy sigarilyo hininga. An lakas maka-buga eh. At saka kailangan ba niyang sumigaw? Sinisira na naman niya ang mood ko kahit 'di na tunaw 'yong nakain ko kanina.
"Fine," delay kong tugon.
Nagsmirk naman ang kapreng 'to. Ngayon ipupulupot ko palang sana ang mga kamay ko sa leeg niya pero umatras ito bigla at tuluyan nang ngumisi na parang nang-aasar.
Walangya! Ano ba trip nya at sasabayan ko para lang mapagbigyan!
"Edi wag!" sigaw ko. Ma-pride pa naman akong tao.
BINABASA MO ANG
NOT YOUR TYPICAL GIRL
RomanceBuhay-single si Abakada sa tatlong taon ng high school life niya sa Guinso High School. Sa ka-edaran niyang ito, hindi maitatangging pantasya na ng mga kababaihan ang magkaroon ng ka-lovelife, kaso hindi siya pinapalad magkaroon kahit man lang sa is...