Chapter 5

2.5K 313 16
                                    

Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 5

"Make sure you will finish your essay before I come back ok?"

"Yes ma'am!"

Nakayuko pa rin ako habang nagsusulat sa papel nang naramdaman kong lumabas si maam. Hindi ko na lang ininda ang papalaking ingay na naririnig ko sa paligid mula sa bulungan ng mga kaklase ko porke wala na ang teacher. Ayoko kasing magsayang ng atensyon ko sa kanila. Lalo lang akong naiistress.

Ano pa kayang pwedeng idagdag sa introductory speech ko?

Biglang naangat ang ulo ko mula sa pagkakayuko nang mabangga ang inuupuan kong chair.

"Angal ka?"

Tinapunan ako ng masamang tingin ng lalaking sigang ito. Hindi rin ako nagpatalo kaya nagawa ko rin irapan siya pabalik. Pwes 'di ako natatakot sa drum stick nya 'no!

Tumingin ulit ako sa sinusulat ko.

Walangya nagkamali ako ng sulat ko dahil sa kanya! Kabwisit ang sigang 'to! Argh!

"Psh!"

Nakahinga lang ako nang maayos dahil umalis ito sa kinatatayuan niya malapit sakin. Pansin niya sigurong 'di ko na siya binalingan ng tingin. Aba dapat lang 'no! Manigas siya!

"Brad, umatras ka ata haha!"

Sinundan ko ng tingin itong siga na sinalubungan siya ng mga kaklase rin namin. Wait. Na-realize ko lang ngayon na 'di pala niya deserve paglaanan ng kahit isang tingin ko. Tsk

Kumuha ulit ako ng papel sa bag ko at ni-rewrite ko yong sinulat ko kanina. Imbes na matatapos na ako eh isusulat ko na naman 'tong essay ko. Panira talaga ang kapreng 'yon! Hay.

Ngayon tahimik pa rin akong nakaupo sa silya habang nasa labas pa rin si ma'am at nagtagal-tagal siya don. Sa kabila ng ingay dito hindi ako nagpadala. Nagfocus lang ako sa aking sinusulat. Napaunat pa ako ng kamay pagkaraan ng ilang minuto. Matatapos na rin ako sa ginagawa ko. Subalit naagaw ang atensyon ko sa sigaw sa harapan na ikinalingon namin.

"What?!"

"Pa-what what ka diyan! Di mo naman kinaganda 'yang kaputian mo!"

"What did you say? Wait, what have I done wrong?"

Nagulat ako sa nakita ko. Hinihigitan kasi ng kapreng 'yon ang kamay ni Loren. OMG si Loren!

"Wrong ba tinutukoy mo? Siya! Siya ang wrong!"

Sa sandaling ito binalingan ako ng tingin ng kapre na 'yon at tinuro pa ako gamit ang hawak niyang drum stick. Feeling siga! Argh!

Teka. Ano na naman ba 'to pakulo niya?

"So what?! There's nothing wrong with her! She's my friend!"

"There's nothing wrong ha!"

"Ou--ouch!" napabitaw ako bigla ng hawak kong ballpen sa aking nasasaksihan. Nakaka-stress talaga ang kapreng 'yon ang sarap ipatangay sa hangin! Sabunutan ba naman si Loren eh kung tunay siyang lalaki 'di niya kaya 'yon gawin.

Oh no! Sinasaktan na si Loren dahil sa'kin!

"Anong sabi mo ulit? Nothing wrong? Saan ka kampi harina?"

"P-Plea---Please let g---let go of me"

"Boss tama na, si Lors yan"

"Hayaan nyo'ko! Ako ang masusunod dito!" Pilit itong nagpumiglas sa iba pa naming mga kaklase na akma siyang pipigilan.

Tsk. Anong tingin niya sa sarili niya? Humanda ka talagang kapre ka sumusobra ka na!

"Tabi!" Malakas kong sigaw sa mga nakaharang na balak pa yata akong sampalin kaso nakapagpigil sila dahil sa matatalim kong mga tingin.

NOT YOUR TYPICAL GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon