Chapter 40

1K 213 2
                                    

Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 40

"Dacuno! Dacuno! Buksan mo ang pinto Dacuno!"

Napapikit ako sa walang katapusan niyang sigaw sa labas ng kwarto ko. Lahat ng sakit mula sa nangyari kanina, isinandal ko na lang sa pinto pagkatapos ko itong i-lock.

"Hindi mo man lang ba papakinggan ang paliwanag ko? Sorry na"

Habang nakasandal ako sa pinto at patuloy na mga katok ang naririnig ko sa labas, hindi ko maiwasang hindi mapaisip sa nangyari kanina. Kung papaano niya sinaktan 'yong babaeng pasimuno ng lahat kanina at ang iba ring mga nakisali sa panggugulpi sa'kin.

"Please Dacuno, pakinggan mo naman ako," nadarama ko na ngayon ang boses niyang papaiyak na.

"Ahmm...kuya Duane, punta ka lang muna sa kwarto ko baka ayaw kang kausapin ni ate Ada. Natatakot ako kay sadaku kuya Duane eh. Kwentuhan mo rin ako kay A at D sige na po"

Napahinga ako nang malalim sa biglaang pagsingit ni Adam. Hinay-hinay na lang akong pumunta sa kama. Dumapa ako at saka ko ibinaon ang mukha ko sa unan.

Hindi ba dapat akong maging masaya kasi ipinagtanggol ako ni Duane kanina sa mga babaeng 'yon? Pero bakit parang galit siya kanina nang lumabas siya sa kwarto ko? Bakit 'di niya ako nagawang pansinin nang magkita kaming dalawa sa hallway? Bakit kasama niya 'yong Cassyng 'yon imbes na pumasok sa klase? Anong halik na 'yon ang nakita ko kay Cassy
sa kanya?

Gusto kong maliwanagan kasi naguguluhan na ako. Wala akong ideya kung bakit nangyayari ang lahat ng 'to, sa ngayon kailangan ko lang munang itulog 'to.

Nakakapagod. Sobra.

Pagkagising ko kinabukasan, nadama ko kaagad ang sugat ko sa siko at tuhod ko pati na rin ang mga kamay ko. Agad naman akong bumaba at tumungo sa sala para buksan 'yong cabinet. Kumuha ako ng ilang pirasong band aid at inilagay ko ito sa bandang may mga kalmot.

"Gising ka na pala ate. Napano ka po nyan?"

"Wala 'to. Sige na mauna ka na sa kusina at magluluto naman na ako"

"Hindi ate. Kakain na raw po sabi ni kuya Duane"

What the fudge! Dito natulog si Duane sa bahay?

"Halika na ate, hinihintay ka namin ni kuya Duane na magising mula pa kanina"

Hinila niya kaagad ang kamay ko kahit hindi pa ako nakapaglalagay ng band aid sa ibang mga sugat ko. Nang marating na namin ang kusina, kaagad akong sinalubungan ng ngiti ni Duane na ikina-irap ko lang.

"Kain na tayo," sabi niya.

Umupo ako nang walang imik. Napakiramdaman ko kaagad 'yong gagawin niya kaya inunahan ko siya na kunin ang sinangag at itlog kaya hindi na niya naituloy pa ang balak niyang mag-serve para sa'kin.

Akala niya yata madadala ako sa magiging pambawe niya.

"Okay ka na ba ngayon?" Tanong niya habang tahimik lang kaming kumakaing tatlo.

"Nasa harap tayo ng pagkain kaya wag mo akong tanungin ng ganyang klaseng tanong"

Bahala siya kung masungitan man siya sa'kin. Wala akong pake.

"Tapos ka na agad kumain ate?"

Walang imik na pumunta ako sa lababo at diretso kong kinuha ang tuwalya ko. Naligo kaagad ako sa banyo at nagbihis na ng uniporme pagkatapos. Sunod na naligo si Adam at siya 'yong huling naligo kasi naghugas pa siya ng pinagkainan namin ngayong umaga.

"Umangkas ka na dito Adam," walang emosyon kong sambit.

"Ate, eh si kuya Duane po?"

Nagkatinginan na lang kami ni Duane habang nakatayo kaming tatlo sa labas ng aming gate.

NOT YOUR TYPICAL GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon