Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 53Nag-aayos na kami ngayon ng mga gamit. Walang imik na dinala ni Duane ang bag pack ko at naiwan si Mike dun na nagtutupi ng tent na pinaggamitan namin.
"I had fun with you guys," paalam ni Kassandra bago siya sumakay ng bus na naghihintay sa labas ng school namin.
"Mhel! Ano na?" sigaw ng teacher sa pintuan ng bus na nasa tapat.
Naghand gesture naman siya na maghintay sandali at nilingon kami ni Duane na hindi nagkakaimikan.
"Wag niyong seryosohin ang mga bagay-bagay. Pag-usapan niyo yan nang masinsinan," sabi naman ni Mhel at saka lang niya binuhat ang bag pack niya at tumalikod na ito sa aming dalawa.
"Bye ate Abakada! Ba-bye kuya Duane!" tumatakbong kaway ng kateammate namin na nakalimutan ko na ang pangalan.
Nagpaalam din sa amin ang ibang ka-teammate namin galing sa iba't-ibang eskwelahan. Sa halos tatlong araw na magkakasama kaming lahat, kahit papaano mami-miss ko din sila.
Saglit akong lumingon sa tabi ko na parang estatwa.
"Boiffy, hindi mo pa rin ba ako iimikan?"
"Tara na," naging tugon niya nang hindi man lang niya ako nilingon. Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanyang likuran.
Napasinghap ako nang maka-angkas na ako ng kanyang motor at niyakap ko nalang ang bag pack na dinala ni Duane mula sa tent magpahanggang dito.
"Nag-enjoy ka ba kahit papaano boiffy? Salamat pala at gumastos ka sa scout uniform ko at ilang gamit pati na rin yong bag pack"
"Wala yon, sinamahan mo naman ako eh"
Pinaandar na niya ang motor nang hindi man lang ako sinabihang humawak sa kanyang mga braso. Ewan ko ba kung nakalimutan niya lang sabihin o umaasa akong sasabihan niya ako ng ganun.
Hay.
Nakakalungkot kase bihira nalang niya akong kausapin pagkatapos ng nangyari kagabi hanggang matapos ang awarding kanina bago mag-uwian. Ramdam ko ang galit niya at dagdan pang parang napipilitan lang siyang kibuan ako.
"Hala Mish! Andito na sila ate! 'Taaaayy!"
Sinalubong kami ng dalawa mula sa panunuod nila ng TV pagkalapag namin ng bag pack sa lamesa ng sala. Akmang yayakapin na ni Mish si Duane sa tiyan nito pero hindi na nagawa ni Mish nang dumiretso si Duane na tumungo sa hagdan at umakyat.
"Yaan nyo lang muna ang 'tay niyo, pagod lang siguro"
"Pero 'nay kahit pagod naman po si 'tay mapapansin pa rin niya po ako eh. Naalala ko nga 'nay noong katatapos niya lang maglaba noon, tinawag niya ako para yakapin kahit bulain pa ang mga kamay niya," kwento niya na ikinangiti ko ng tipid.
"Nag-away na naman ba kayo ate Ada?" usisa ni Adam nang napansin niya siguro ang mood kong hindi karaniwan.
"May hindi lang pagkakaunawaan pero maaayos namin 'yon. Teka, kumain na ba kayo?"
"Opo ate kina Mish"
"Uh sige, ipagpatuloy niyo na ang panunuod niyo"
Ako na ang nagdala sa dalawang mabibigat na bag pack sa kwarto. Pagkarating ko, nadatnan ko itong nakahiga patalikod kaya 'di ko malaman-laman kung natutulog na siya.
"B-Boiffy? Tulog ka na ba?" nagbabakasakali kong tanong habang nilalabas ko yong mga labahang damit sa loob ng bag pack namin at iba pang mga gamit.
Nilingon ko na siya sa kanyang likuran nang hindi ito sumagot. Saka ko ibinalik ang atensyon ko sa kakahalungkat sa loob ng bag pack.
"Yong mga labahan mong damit tsaka brief boiffy idideretso ko nalang sa palanggana. Yong ano mo pala boiffy, yong kumot mo nasaan para maisabay ko na"
BINABASA MO ANG
NOT YOUR TYPICAL GIRL
RomanceBuhay-single si Abakada sa tatlong taon ng high school life niya sa Guinso High School. Sa ka-edaran niyang ito, hindi maitatangging pantasya na ng mga kababaihan ang magkaroon ng ka-lovelife, kaso hindi siya pinapalad magkaroon kahit man lang sa is...