Chapter 54

757 198 0
                                    

Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 54

"Ang aga mo namang pumasok, Dacuno," pansin ng kaklase kong si Bernedatte na nadatnan niya akong nakatayo sa tapat ng saradong pinto.

Inayos ko nalang ang pagkakayakap ko ng mga libro sa dibdib at saka tumayo.

"A-Attend ka ba ng flag ceremony? Parang ang tamad naman," hinaing niya habang binubuksan niya ang lock sa susi niyang hawak. Siya ang taga-hawak ng susi ng room namin kaya hindi nakapagtatakang ganito siya kaaga pumasok.

"Ang tahimik mo ata"

Tipid ko siyang nginitian. Nang mabuksan na niya ang pinto, diretso kong inilagay ang bag at ang mga libro sa desk.

"Ay oo nga pala Dacuno, I feel sorry sa nangyari kahapon sa inyo ni Duane kaya pala tahimik ka ngayon"

"Ok lang," maigsi kong sagot.

"Bakit pala parang namamaga ang mga mata m------ay sorry talaga. Yong bunganga ko kase di ko mapigilan"

Sa kanyang inasta, napakamot nalang siya sa bandang noo niya. Gayon din napasandal ako sa likuran at bumuntong-hininga.

"Basta Dacuno, kapag kailangan mo ng kausap, nandito lang ako ha," napangiti ako sa mahinahon niyang salita at saka niya ako tinabihan sa pag-upo.

Suminghap nalang ako ng hangin sa kanyang naiwika.

"Bernadette, sa tingin mo ba may gusto sakin si Mike?"

"Yong boyfriend ni Loren?"

"Yong sinulat mo sa notebook mo ng napansin mo sa kanya nang hinanap niya ako"

"Ikaw ang makakaramdam nyan, Dacuno"

"Sana hindi. Ayokong mas lumala ang sitwasyon"

Katatapos ko lang magsalita nang magring ang bell kaya inaya niya akong tumayo.

"Uh, akala ko ba Bernadette di ka aattend ng flag ceremony?"

"Tutulungan kita"

Kinunutan ko lang siya ng noo ko na ikinahiya niya ng pagngiti.

"Diba gusto mong malaman kung gusto ka niya? Um-attend tayo ng flag ceremony at siguradong andun si Mike nakapila. Lagi ko kasi siyang nakikita tuwing flag ceremony kaya halika na, sasamahan kita"

Lumabas kami ng room at isinara lang muna ang room. Sa aming paglalakad sa hallway, nababagabag na ako sa mangyayari mamaya.

"Papano ko naman malalaman kung gusto niya talaga ako?"

"Pag lapitan ka niya at kausapin. Siguraduhin mo lang na makikita ka niya"

"Teka Bernadette, ano naman ngayon kung lapitan ako at kausapin?"

"Common sense Dacuno! Kung ibang babae ka lang, malamang wala siyang pake. Pero kapag lapitan ka niya at kausapin mamaya, ibig sabihin lang nun, nag-aalala siya sayo dahil sa nangyari"

Napahinga ako nang malalim sa kanyang naging katwiran.

May point siya. Dahil sa sitwasyong 'to, kailangan niya ng lakas ng loob bago ako lapitan kase alam niyang galit ako sa kanya.

Siya ang dahilan kung bakit nagbreak kami ni Duane. Ang sakit isipin pero kailangan kong magpakatatag.

Hoh! Andito na kami ngayon sa quadrangle at nakita ko kaagad siya.

"Doon ka," udyok sakin ni Bernadette nang pumila na kaming dalawa sa section namin. Magkatabi lang ang pila nila sa amin kaya marahan akong tinulak ni Bernadette sa unahan kung saan magkakapantay kami ni Mike sa pila.

NOT YOUR TYPICAL GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon