Chapter 55

778 197 0
                                    

Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 55

Nakanganga. Nakangisi. Nakalabas ang dila. Nakanguso. Naka-wacky. At kung anu-ano pang mga pinaggagawa namin sa harap ng camera. Umabot ako sa puntong tinanong ko sa sarili ko kung hanggang larawan nalang ba ang mga 'to.

Bigla-biglang tumunog ang alarm clock sa bedside table ko kaya daglian ko itong pinindot gamit ang kamay kong pag-unat. Hindi ko alam kung bakit nagising ako nang mas maaga kaysa sa pagtunog ng alarm. Dapat nga nagmumukmok ako ngayon sa break up na nangyari sa amin ni Duane pati na rin yong friendship over namin ni Loren.

Umupo ako ng kama. Gayon din ibinalik ko ang tingin ko sa pictures namin ni Duane na nakadikit sa bulletin ng kwarto ko. Iilan sa mga ito ang pagjogging namin kasama ang gang sa diversion, first monthsary namin na nakasuot kami pareho ng couple shirt at ang pag-attend namin ng regional scouting.

Tumingin ulit ako sa alarm clock ko. Kailangan ko na palang bumaba.

"Oh Ada, yong tita Lucia mo"

"Hija, kamusta na? Mukhang hindi ka na dumadalaw sa bahay, ha"

"Ah, opo tita, medyo abala lang," umupo ako sa tabi ni mama at nagkatinginan kami ni tita.

"Yon nga sinasabi ko sayo, mare. Magkasintahan na 'tong anak kong si Dong at ang anak mo," pagkwento ni tita Lucia na ikinangiwi ko.

Lagot talaga ako kay Mama ngayon.

"Si Duane ba ka'mo? Ano ka ba mare, kung sa kanya lang naman, walang problema sakin yon. Nagpapasalamat pa nga ako sayo Lucia kasi pinayagan mo si hijo na magbantay lang muna sa kanilang dalawa habang wala kami ni Julio"

"Parang yon lang mare, papaano pa yong pagiging magkumare natin," masiglang sambit ni tita at saka niya ako nilingon. "Hija, alam mo ba, pinilit ako ni Dong na payagan kong dito lang muna tumira sa inyo at bantayan kayo. Masaya nga yon nang mag-empake ng mga gamit niya eh, yon pala gustung-gusto ka ng anak ko"

Hindi pa ata alam ni tita na break na kami ni Duane.

Ganunpaman, nahawa ako sa kasiyahan ni tita Lucia na kanyang ipinakita. Para bang panandaliang nabura ang lahat ng mga pinagdadaanan ko ngayon.

"Sige po, tita, excuse muna ako sa inyo ni mama at kailangan ko nang maligo"

Tinanguan naman ako ni tita Lucia na may bakas na ngiti sa kanyang labi. Tatayo palang ako sa upuan ngunit pinigilan ako ni mama.

"Pakibigay 'to kay Duane, Ada. Kumain kayo ng dalawa nyan," tinanggap ko ang abot ni mama na marami-raming chips na binigay.

Banana at saka camote chips galing sa probinsiya nila papa. Binili nila ito nang pumaroon sila para sa share ng lupa ng lolo ko at nagbakasyon din sila ng isang linggo kaya matagal-tagal din silang nawala. Ang ibig sabihin lang nun, matagal din naming nakasama ni Adam si Duane.

Panay ang isip ko ngayon kung magugustuhan ba ni Duane 'tong bigay ni mama. Dapat kase si mama nalang ang mag-aabot nito sa kanya kase kung alam niyang ako, malamang hindi niya tatanggapin.

Nakasakay na ako ngayon sa bike ko at patuloy pa rin ang aking pagpadyak ng mga paa. Pagkapark ko ng bike, dire-diretso akong pumasok ng gate.

"Siguro iniwan siya ni kuya drummer kasi naka-army cut siya bes"

"Siguro nga bes. Mang-agaw ba naman ng boyfriend ng may jowa"

Tuloy-tuloy lang ang lakad ko at hindi ko sila binalingan ng tingin. Hanggang sa tenga ko lang yong mga bulungan nila, as if naman alam nila ang buong istorya. Mga mapanghusga!

NOT YOUR TYPICAL GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon