Chapter 41

1K 208 1
                                    

Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 41

"Ba't ang tahimik mo ngayon?" takang tanong ni Duane na kasalukuyang katabi ko ngayong nakaupo sa edge ng highway ng diversion.

"Nabibigla lang ako sa mga nangyayari"

"Hanggang ngayon magseselos ka pa rin ba kay Cassy eh nandoon siya kanina nang sinabi ko yon?"

"Pwede ba akong kiligin Duane?"

Itinugon niya sakin ang malawak niyang ngiti. Kasunod nito, he opened his arms at saka ko siya niyakap sa kabila ng simoy ng hangin na nararamdaman namin.

Haayy..ang gaan sa pakiramdam. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito na kayakap mo yong taong mahal ka, at taong mapapamahal mo rin.

Lumingon ako sa kanya nang inamoy niya ang buhok ko.

"Anong shampoo 'to?"

"Joy gamit ko"

"Ah, akala ko zonrox eh"

"Grabe ka Duane, parang Joy lang 'di mo alam"

Tinawanan lang ako ng loko.

"Hoy Duane tama na yan! Parang joy lang eh"

"Naisip ko lang kung ang gamit mong toothpaste, lotion"

"Lah! Mabula lang kase yong Joy sa buhok ko kaya yon na ginamit ko"

"Pambihira ang skills mo Dacuno"

"Kesa naman sayo halikan ka lang nung Cassyng yon, feeling mo wala ka ng jowa"

Bigla itong natawa.

"Totoo naman diba? Chikboy ka rin eh"

"Sinasabihan mo na ba ng ganyan ang boss mo?"

"Bakit Duane? Kaya mo na ba ako ngayon?"

Hindi na siya naka-angal pa at nahiya itong kumamot sa kanyang batok.

"Sayo lang naman ako nagiging mahina eh"

"Duwag ka lang kase," hirit ko.

"Duwag na kung duwag pero mas pipiliin ko nalang maging mahina pagdating sayo Dacuno kaysa maging matapang pero nasasaktan naman kita"

Omg. Nakaka-speechless naman ang kanyang sinabi. Napasinghap nalang tuloy ako ng hangin.

"May sasabihin ka ba Dacuno?"

Kumawala ako sa kanyang yakap at nilingon siya.

"Sa totoo lang, wala. Pero minsan 'pag pinaparamdam mo sakin kung gaano mo ako ka-mahal, napapaisip nalang ako na sana noon palang na-realize ko na ang worth ng love na binibigay mo sakin"

"Ayos lang yon Dacuno. Ang importante, tayo nang dalawa"

Nagkangitian kami sa isa't-isa.

Hoh! Parang gusto ko ganito nalang. Kami nalang dalawa magkasama.

Isinandal ko ulit ang ulo ko sa dibdib niya at sabay kaming tumingin sa magandang view ng kabuuan ng downtown na nakakaakit sa mga mata lalo na kapag gabi dahil sa sari-saring mga kulay ng ilaw nito.

"Si Adam pala baka naghihintay na sa'tin Dacuno. Uuwi na ba tayo?"

Agad ko siyang hinalikan sa labi nang hindi niya inaasahan. Short kiss lang naman.

"B-Ba't mo ako biglang hinalikan?" gulat na gulat siya sa ginawa ko.

"Naalala mo sinabi ko sayo, 'pag hinalikan kita Duane, ang sagot ko nyan, oo"

NOT YOUR TYPICAL GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon