Chapter 46

833 207 0
                                    

Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 46

Nakaka-guilty. Pakiramdam ko parang ako na rin ang pumatay kay Duane.

Sorry boiffy. Sorry. Napakawala kong silbi. Ganunpaman, nagpapasalamat ako dahil naging malaking parte ka ng buhay ko...

...kahit ikamamatay ko na rin ang pagkamatay mo.

Hinayaan kong tumulo ang luha ko mula sa nakapikit kong mga mata na walang tigil sa pag-iyak mula sa diversion magpahanggang dito. Paos na rin ang boses ko para magsisigaw sa sakit, pagod na rin ang katawan ko para tumayo pa sa hinihigaan ko.

Ayoko na. Wala na si Duane. Wala na ang boiffy ko. Wala nang mangungulit sakin, wala nang may magseselos, at wala na ring lalaking magmamahal sakin ng ganito ngunit hindi hihigit sa pag-ibig ng Diyos sa'min. Wala na ang boiffy ko na mahal na mahal ko na naging dahilan ng pagbangon ko mula kay Mike.

'B-Boiffy, kung asan ka man ngayon, hayaan mo lang muna akong magmukmok na kinakaayawan mong gawin ko sa loob ng kwarto ko. Wala eh, ang sakit talaga para sakin ang nangyari sa'yo. Durog na durog na ang puso ko'

Habang nadidinig ko pa ang kantang Walang Iba mula sa cassette, biglang umagaw sakin ang ringtone ng phone ko. Hindi ko sana ito kukunin dahil wala akong kalakas-lakas para iunat pa ang kamay ko ngunit panay ring ito pagkatapos hihinto ng sandali ng makailang beses.

"Asan ka ngayon Ada?"

Nang marinig ko ang boses ni mama sa kabilang linya, nagpigil nalang akong hindi maiyak ulit.

"Ada, asan ka? Naririnig mo ba ako?"

Napatakip nalang ako ng bibig habang pinipigilan kong hindi humikbi.

"Sumagot ka naman Ada! Galit ka ba sa'min ng papa mo?"

"M--M-Ma, wala na po si Duane," tuluyan nang bumagsak ang luha ko na pilit kong kinokontrol na hindi makawala. Nabitawan ko nalang ang hawak kong phone nang tinamaan na naman ako ng iyaking mata.

Ayoko na. Ang hirap sabihin na wala na ang boiffy ko.

"S-Sinong wala na Ada?" nagawa ko nalang tingnan ang phone ko sa kama kase dinig ko pa rin dahil naka-loudspeak ito.

Sa panghihinang nararamdaman ko, bumagsak na naman ako sa kama. Napakuyom nalang ang kamay ko sa bed sheet dahil sa sobrang galit na nararamdaman ko para sa sarili ko.

Ayoko na. Pagod na pagod na ako. Hindi ko na kayang isipin na wala na siya, wala na siya, wala na siya. Ang sakit-sakit sa pakiramdam. Amputs! Sobrang nakakabigla. Ang hirap para sakin tanggapin nalang basta-basta.

"Sagutin mo naman ako Ada! Sino bang wala na? Umalis na dyan si iho sa bahay?"

'Ma, sorry. Di ko muna kayang makipag-usap sayo. Ang hirap at ang sakit sabihin na wala na si Duane,' gumugulo sa isipan ko ngayon.

"Ada! Sagutin mo naman ako Ada! Ano bang nangyayari? Nag-away ba kayo ni iho? Bakit di mo siya puntahan sa ospital?"

Wuttt.

Natigilan ako bigla sa paghahagulgol.

'Bakit alam niyang nasa ospital si Duane?' bigla kong natanong sa sarili.

"A-Anong alam mo, Ma?" nagpipigil kong hikbing tanong sa kanya.

"Sinabi sakin ni Lucia na andyan daw si iho sa ospital"

L-Lucia? Sa pagkakatanda ko, pangalan yon ng mama ni Duane ha.

"B-Ba't mo kilala si tita Lucia?"

"Hindi ko naikukwento sayo, nak. Siya yong kumare ko na ninang ni Adam. Bago kami umalis ng papa mo, pinakiusapan ko siya na yong anak lang muna niya magbantay sa inyo. Sakto nalaman ko na magkaklase pala kayo ni iho, Ada. Minsan ka na raw dumalaw sa bahay nila sabi ni mareng Lucia. Natuwa rin naman ako kase tinanggap agad ni iho ang hiling ko"

NOT YOUR TYPICAL GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon