Chapter 34

1K 216 0
                                    

Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 34

"Ada? Ada sumagot ka naman? May problema ba? Kinakamusta kayo ng papa mo dito, sabi niya mag-aral daw kayo ng mabuti lalo na Ada toplister ka. Si Adam pala asan ngayon? Gusto rin namin siyang kausapin. Alam mo na, nami-miss ko na bunso ko. Teka si Duane, ok lang ba siya? Hindi ba kayo pasaway sa kanya?"

Habang nakahilata ako sa kama, gusto ko lang munang ipikit ang mga mata ko habang nakikinig sa boses ni mama sa kabilang linya.

Hay. Nakakamiss si mama.

"Ada naman sagutin mo naman 'yong mga tanong ko. Sige ka wala kayong pasalubong pag-uwi namin ng papa mo. Ano ba kasing nangyayari at 'di ka umiimik dyan? Ikaw Ada pinapakaba mo akong bata ka ha! Wag ka ngang ganyan. Uuwi naman na kami. Hinihintay lang namin na mag-last lamay 'yong lolo niyo"

What the fudge! Iyon ba ang ipinunta nila? Bakit 'di ako sinama? Patay na pala si lolo Sibar. Siya pa naman 'yong kaisa-isang lolo ko na sinasabihan akong maganda noong bata pa ako.

"Hanggang ngayon 'di ka pa rin talaga iimik? Sasamahan lang naman muna kayo ni hijo hangga't makabalik kami. Sige na Ada, marami pa kaming aasikasuhin. Hintayin mo na lang ang sunod kong tawag"

Inipikit ko na lang ang labi ko nang hindi ko na marinig ang boses niya. Narinig ko ang pagputol ng tawag, at doon ko na itinuon ang atensyon ko sa phone na nawala na ang light sa screen. Nami-miss ko na sila. Hinahanap-hanap na ng mga tenga ko ang pagbubunganga niya. Pati si lolo Sibar 'di ko namalayang pumanaw na pala siya. Kung kaya ko lang lumipad papunta doon, kahit ngayon gagawin ko talaga.

Tiningnan ko yong phone ko at dumapo ako sa call history. Sa loob ng three minutes and sixteen seconds, si Mama lang ang panay salita at hindi ko man lang tinugunan ni kahit isang salita.

Sunud-sunod na malalim na hininga ang aking pinakawalan. Lampas isang linggo na rin pa lang wala dito sa bahay silang dalawa.

Alam niyo 'ma, 'pa, marami akong dapat ikukwento sa inyo lalo na't malayo kayo sa piling namin ng kapatid ko. Pero wala ako sa mood ngayon at wala rin akong lakas ng loob para pag-usapan natin lahat 'yon.

Kasi maraming nagbago sa'kin simula nang mawala sila dito sa bahay. 'Yong mga araw na tinatalakan ako ni mama sa umaga pag 'di pa ako gising, ngayon may sisigaw na lang at kakatok para kami magjo-jogging. Humihingi na ako ng pasensya ngayon pa lang kung nasali ako sa gang. Sa totoo lang wala sa plano ko 'yon at hindi ko ugaling maki-gulo. Kaya wala silang kasalanan. Pinalaki nila ako nang tama pero parang ginusto ko na rin 'tong gang para maibsan man lang 'yong bigat ng nararamdaman ko. 'Yong bigat ng puso ko na nauuwi sa pagod kaka-jogging, 'yong luhang dapat ko sanang ibuhos nagagawa na lang na tagaktak na pawis.

Kasi sa totoo lang, nasasaktan ako. Nasasaktan pa rin ako.

Mula grade 7 hanggang grade 9, nakaya kong wala akong crush-crush noon. Sabihin na nilang abnormal ako pero nawalan din ako ng interes sa lalaki dahil sa panlalait nila. Naiinggit man ako noon sa mga kaklase ko dahil 'di ko alam kung anong pakiramdam na kiligin, ngayon nasasaktan na ako pagkatapos akong ma-inlove sa lalaking ex pala ng kaibigan ko.

Naisip ko bigla si mama.

Alam mo 'ma, ang tapang ko po. Para sa'kin, matapang na ako sa ginawa ko. Nakaya ko kasing tingnan silang dalawa na magkayakap at magkahawak ang kamay nong second round ng tournament nila Mike. Nakakaya ko rin pong marinig kay Loren na may date sila ni Mike kahit madalas napapaisip ako kung anong gagawin nilang dalawa. Tapos nitong mga nakaraang araw lang, nakita ni Mike kung papano ako hinalikan ni Duane sa school. Nasasaktan ako sa nangyari dahil nawalan ako ng first kiss dahil kay Duane at 'di ko inaakalang iko-congrats pa ako ni Mike.

NOT YOUR TYPICAL GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon