Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 23"Sinasabi ko nga sa'yo Dacuno hwag ka ngang lumapit ulit sa lalaking 'yon eh," mariin niyang bigkas nang bumaba na ako sa kanyang motor.
"Bakit nga? May masama ba?"
"Magtiwala ka na lang sa'kin pwede? Pinagsasabihan na kita baka mas lalo ka pang masaktan kapag malaman mo ang totoo"
"A-Anong totoo Duane? Meron ba akong dapat malaman? At bakit ka naman nag-aalala kung sakaling malaman ko ang totoo? Ha?" Dire-diretso kong tanong saka ako napasinghal.
"Malalaman mo rin yon. Pero sa ngayon hwag mo na siyang lalapitan ulit Dacuno. Wag na wag kang magtangkang lumapit ulit sa lalaking 'yo---"
"Si Four yon, Duane! Hindi lang siya basta-bastang lalaki lang na makikita mo kahit kanino!"
"Kahit n----! Teka si Four 'yon? Si Four pala 'yon na tinutukoy mong Mike? Tangna ang laki ng gulong pinasok mo"
"Bakit nga? Anong gulo ba sinasabi mo?"
"Kung ayaw mo ng gulo Dacuno, lumayo ka na sa Four na 'yon"
"Pero wala naman yatang masama kasi gusto ko rin nama----hoy Duane! Duane!"
No choice ako ngayon kundi mapabuga ng hangin dahil sa bilis ng pagpatakbo niya ng motor nang walang pasabi. Kainis talaga 'yong lalaking yon eh! Siya lang naman ang parating dahilan kung bakit nauudlot ang lahat ng mga bagay na 'to.
Pumasok ako ng kwarto pagkatapos kong sabihin kay mama na kumain na ako sa labas. Tinanong pa ako nila papa kung kasama ko raw si Duane bago ako umuwi. Ang akala nila, kasama ko 'yong lalaking 'yon na kumain sa labas pero ang totoo nyan si Four naman talaga.
Naiinis talaga ako kay Duane ngayon. Argh! Kung pwede ko lang sabunutan 'yong lalaking yon para ipadama ko sa kanya kung gaano ako naiinis sa kanya sobra, matagal ko na talagang ginawa. Alas otso y media pa lang eh. Dapat sana kasama ko pa rin hanggang ngayon si Four don sa diversion. Pero sa isang saglit, nahinto ako bigla sa pagdadrama.
Hindi man lang kasi ako nakapagpasalamat kay Duane na hinatid niya ako eh.
Pero as if namang hindi rin ako kayang ihatid ni Four para gawin niya 'yon sa'kin. At saka hindi naman dapat siya nanghihimasok sa aming dalawa lalo na't may ka-date din naman siya. Parang date na rin namin 'yon ni Four eh. Oo ako lang ang nakakaalam na date namin 'yon, may masama ba?
Hinubad ko na ang jacket na pinasuot sa'kin kanina ni Four. Isinabit ko ito sa may hanger at inamoy-amoy. Ang bango pa rin talaga kahit napawisan ko na kanina nang makita kami ni Duane kanina. ngayon nakalimutan ko pang isauli ito sa kanya kasi namam kinaladkad kaagad ako ni Duane at hindi na ako nakapagpaalam
Kasunod ng pag-hanger ko ng jacket, nagbihis na ako ng pangtulog at humiga. Napatingin ako sa nakasabit na jacket sa hanger. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangiti sa iniisip kong tanong ngayon.
'Bakit pakiramdam ko special ako kay Four?'
Sunod na tiningnan ko 'yong mga larawang nakadikit sa wall ng kwarto ko. 'Yong mga pictures na pina-develop ko.
'Bakit pakiramdam ko matagal na kaming magkakilala sa closeness na ipinaparamdam niya sa'kin?'
Ano ba 'to Four, 'di ako makatulog ngayon sa sinabi mo kanina. Siya naman kasi eh! Natatakot akong maging tuloy-tuloy na 'yong pagkakamabutihan nila ng ex niya. May malaking tsansa kasing maging sila ulit dahil siya 'yong lalaking mapapasakanya ulit. Ang swerte ng ex na 'yon para magkaroon ng boyfriend ng ganon kagwapo at ka-cute. Sana ako na lang. Sana ako na lang 'yong ex niya para hindi na siya mahirapan pang makipagbalikan.
BINABASA MO ANG
NOT YOUR TYPICAL GIRL
RomanceBuhay-single si Abakada sa tatlong taon ng high school life niya sa Guinso High School. Sa ka-edaran niyang ito, hindi maitatangging pantasya na ng mga kababaihan ang magkaroon ng ka-lovelife, kaso hindi siya pinapalad magkaroon kahit man lang sa is...