Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 35"Brownie gisingin na natin si ate," naulinigan ko mula sa kung saan.
Bigla akong naalimpungatan dahil sa pag-alog-alog ng katawan ko. Pagkadilat ko, agad-agad na nasinagan ang mga mata ko nang dahil sa sikat ng araw.
Oh no! Ano 'tong yumuyog-----OMG! May lindol ba?
"Ate, ate. Gising na!"
Aist! Naging maluwag na lang ang paghinga ko dahil sa kamay na pumatong sa beywang ko. Akala ko kung ano na eh.
"Gising na ate! Mahiya ka naman kay Brownie!"
Napa-unat ako ng kamay sabay hikab. Sakto lang na dumirekta ang tingin ko sa orasan na nakasabit sa pader.
"WHAT THE FUDGE! ALAS SYETE NAAAA?!"
"Akala ko nga po alas nuebe na ate eh"
Nataranta ako kaya agad-agad akong bumaba. Sumunod naman sa'kin si Adam sa kusina.
"Mauna ka nang maligo Adam," taranta kong sabi sabay hagis sa kanya 'yong tuwalya.
OMG! Alas syete is real! Male-late na kami!
Diretso kong pinihit ang stove, nagpainit ng mantika sa kawali at nagbati ng itlog at saka ko ito niluto. May natira pa namang kanin sa rice cooker at pwede pa siyang makain kaya inihain ko ito sa plato.
Waaaahh! Bakit kasi walang alarm clock si Adam sa kwarto niya? Nasanay na akong may alarm clock na gigising sa'kin eh.
After ten minutes...
"Baunin mo na lang 'to, Adam. Doon ka na lang sa school niyo kumain"
"Pero ate Ada," umangal pa ito ngunit tinulak-tulak ko na siya palabas ng pinto.
"Papano ka ate? 'Di ka naligo"
"Aba'y okay lang yan maganda naman ate mo. Sila na lang ang mag-adjust sa'kin," kampante kong sambit habang inilalabas ko ang bike.
"Nagmake up ka lang pagkatapos mong kumain?"
"Wag ka ng maraming tanong. Sumakay ka na ng bike sige na"
Nagsimula na akong magpadyak. Hindi na nga ako gumamit ng preno kahit muntikan na kaming magkasalubongan ng taxi eh. 'Buti na lang talaga nailiko ko kaagad ang monobela sa kaliwa kaya nahatid ko si Adam sa school nila nang ligtas. At syempre, nakapasok na rin ako sa room ko.
"You're late, Ms. Dacuno"
Silang lahat ay naglingunan papunta sa akin.
"S-sorry Ma'am, na-traffic lang ho"
"Take your seat," inilagay ko sa desk ang bag ko at ako'y umupo na.
"So class like what I've said a while ago, Intramural Meet is really fast approaching and this will be two days after tomorrow. Choose now what sport you will be joining of, and those who are interested to join the field demo, you may approach me this afternoon. Understood?"
Sabay-sabay naman kaming um-oo kay Ma'am Rhean.
Nang matapos ang klase namin, pinagpatong-patong ko ang mga libro sa desk at niyakap ko ito sa dibdib pagkatayo ko. Nakita ko na lang sa sulok ng mga mata ko si Loren na akmang lalapitan na ako pero pinigilan kaagad siya ni Duane.
"But I want to talk to her," dinig kong pag-alma ni Loren.
Pagkalabas ko ng room kasabay ang iilan naming mga kaklase na excited ding lumabas, napagpasyahan ko munang gumilid sandali at sumandal sa pinto. Suminghap ako at bumuga ng hangin. Ihahakbang ko lang ulit sana ang paa ko nang marinig ko ang boses ni Duane sa loob ng room kaya napagpasyahan kong tumago sa sulok at likod ng pinto na hindi makikita pagkalabas nila.
BINABASA MO ANG
NOT YOUR TYPICAL GIRL
RomanceBuhay-single si Abakada sa tatlong taon ng high school life niya sa Guinso High School. Sa ka-edaran niyang ito, hindi maitatangging pantasya na ng mga kababaihan ang magkaroon ng ka-lovelife, kaso hindi siya pinapalad magkaroon kahit man lang sa is...