Chapter 47

940 197 0
                                    

Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 47

"Naramdaman kong may nagbuhat sakin tapos nauntog ulo ko. Ayun, nadama ko girlfre yong tiyan kong duguan kaya tinanong ko yong doktor kung mamamatay na ba ako. Alam mo kung anong sabi ng doktor?" tumingin siya sa gawi ko at di ko maiwasang hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang siya ay nagkukwento. "Sabi ng isang doktor, 'Kritikal na ang kondisyon mo, hijo. Gusto mo bang mas lalong umiyak yong babaeng sunod ng sunod sayo hanggang naisugod ka dito sa emergency room?' Napaisip ako sa sinabi ng doktor at ikaw agad ang pumasok sa isipan ko. Ayun girlfre, kahit na halos ikamatay ko na yong saksak sa tiyan ko, nakiusap pa rin ako sa kanya na galingan naming lahat sa operasyon para pagkalabas nila, sabihin nila sa inyo na patay na ako"

"Bakit mo naman naisip yon ha?" naiinis kong tanong pero sa loob-loob ko, talagang sobra akong nagagalak dahil hindi pa rin ako makapaniwalang nakakausap ko siya ngayon.

"Gusto kong malaman kung mahal mo talaga ako girlfre"

Bumuntong-hininga ako sa kanyang isinambit.

"Ilang halik ba ang gusto mo mula sakin para mapatunayan ko sa'yong sobra kitang mahal? Gaano ba kahabang mga linya ang sasabihin ko sayo maipaalala ko lang sayo na ikaw talaga ang mahal ko? Ilan bang yakapan, titigan, at hawakan ng kamay ang gagawin natin maiparamdam ko lang sayo na sayong-sayo lang ako?"

"S-Sorry girlfre..." niyakap niya nalang ang beywang ko gamit ang isang kamay niya. Nakaupo ako sa tabi niya at kitang-kita ko ang sinseridad ng kanyang mga mata sa sorry na binanggit niya.

"Boiffy, sinagot kita nung gabing sabay tayong umuwi after ng search dahil gusto na kita. Pagkatapos ng gabing iyon, araw-araw pinaparamdam mo sakin na mahal mo talaga ako at damang-dama ko yon kaya natuto na rin ang puso ko na mahalin ka. Alam mo boiffy nung nalaman kong patay ka na, doon ko lang na-realize na sobra na pala kitang mahal to the point na wala na akong pake sa paligid basta iiyak lang ako ng iiyak. Hindi mo alam kung anong bigat at pighating naramdaman ko na halos ikaguho ng pagkatao ko. Halos mabaliw ako boiffy kakaisip sayo kung bakit pumanaw ka nalang ng walang naiiwang dahilan, kung bakit kailangang mangyari yon sa'yo knowing na magkatabi palang tayo na natutulog nun sa kwarto. Hindi ko alam boiffy kung makakaya ko pang bumangon pagkatapos kong malama---------"

Napapikit nalang ako sa kanyang halik kasabay ang mga kamay nito na handang nagpunas sa naiiwang bakas ng mata ko. Ganun nalang ang pagputol ko sa sinasabi ko.

"Pasensya ka na girlfre sa ginawa ko. Malaki ang kasalanan ko sayo, hindi ko alam kung mapapatawad mo pa ako"

"Hindi ka pa man humihingi ng paumanhin boiffy, pinatawad na kita eh. Kase ang alam ko, 'pag mahal mo ang isang tao, gaano man kasakit ay mapapatawad mo"

"Napakaswerte ko talaga sayo, girlfre. Hindi ko na uulitin yon, sorry," ngiti nalang ang aking iginanti sa kanyang sinabi.

"Pero alam mo girlfre nang marinig ko yong paghagulgol mo nang nakatago kami ni papa sa likod ng pinto, halos mapaiyak ako sa mga sigaw at iyak mo. Naisip ko, papano kaya kung totoong namatay ako? Hanggang pakikinig nalang ba kaya kong gawin? Magagawa ko pa bang patahanin ka? Masasabihan pa ba kitang andito lang ako para sayo?"

Napahawak ako sa pareho niyang mga kamay nang idilat ko ang mga mata ko dahil sa papaiyak niyang boses na pumipiyok-piyok na.

"Buti nga at hindi nangyari yon boiffy. Alam mo, ipinagdasal kita boiffy kay Lord. Sabi ko, kailangang-kailangan mo Siya. Nagmakaawa ako sa Kanya na wag ka lang munang kunin sa akin kase ipapakilala mo pa kami sa Kanya pati na mga anak-anakan natin. Sabi ko pa nga na gustong-gusto kitang ipakilala sa Kanya kase hindi mo na nagawa"

NOT YOUR TYPICAL GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon