Chapter 14

1.3K 264 2
                                    

Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 14

"WAAAAAAAAHHHH! ALAM NA NIYA PANGALAN KO! ALAM NA NI FOUR PANGALAN KO YAWOOOOOOOHHHHHH!!!"

Para na akong baliw dito kakatalon pero wala na akong pake kahit masagi pa ako ng truck dito. Sigaw lang ako ng sigaw sa gilid ng highway pagkatapos kong i-park ang mountain bike ko sa tabi ng railings. Nakaharap ako ngayon sa dalampasigan na damang-dama ang hangin mula sa dagat. Ganado akong ipangalandakan ngayon dahil tanging mga sasakyan lang naman ang nagsisidaanan sa likuran at wala namang taong dumadaan.

Humawak ako sa riles at tumingin sa dagat.

"NAKILALA NA RIN AKO NI FOUR SA WAKAAAS! WAAAAHAHAHAHAHA!"

Baliw na ba ako?

Ubod kasi ng saya ang nararamdaman ko hanggang ngayon. Dati-rati, iniisip ko kung papaano niya ako makikilala. Muntikan na nga akong mawalan ng pag-asa pero ngayon 'di ko lang siya naka-usap nang harap-harapan. Alam na rin niya ang complete name ko at tuwang-tuwa ako ngayon!

Nakakatuwa! Kung pwede ko lang sirain 'tong railings na 'to para ipakita ko kung gaano ako kasaya eh.

"Ang OA mo"

Hala! Sino yo----? Argh!

"Magpatingin ka na kaya"

"Paki mo ba?!" Sabay irap sa kanya. Nakakagulat 'yong pagsulpot niya ha!

Bumuntong-hininga ako at napaayos ng tayo. Andito na naman kasi 'tong kapreng 'to. Himala, 'di niya kasama 'yong gang niya na parehas mga duwag. Pero teka, sinadya ba niyang puntahan ako dito?

"Anong meron at nagsisisigaw ka dyan?" Usisa niya.

"Paki mo? Sino ka para ikwento ko sa'yo? Ha?"

"Kailangan pa 'yon?" Saka niya dinaganan ang mga siko niya sa ibabaw ng railings.

"Aba oo!" Tapos lumingon na ako sa dalampasigan. Ang ganda-ganda ng view para sirain niya ngayon ang mood ko.

"Edi wag. Uuwi ka na ba? Alas singko na oh. Umuwi ka na sa inyo"

"Sino ka nga para sundan ko? Paki mo ba? May buhay ka at may buhay din ako! Kaya ikaw ang umuwi! Di kita kailangan 'no!"

"Sungit nito. Sige, kaklase mo lang naman ako na balak manligaw sayo eh"

WHAT THE----!

Kung kumakain pa ako ngayon, tiyak nabulunan na ako.

"Hah! Balak manligaw? Sa'kin?Ngayon palang basted ka na 'no! Kaya wag ka nang mangahas manligaw sa katulad kong baluga. Dun ka sa iba! Shooo!"

"Papano mo ako maba-basted eh hindi pa nga ako nagsisimula?"

"Seryoso ka sa sinasabi mo? Hoy kapre ka! Di ako pumapatos sa katulad mong pinaglihi sa kapre!"

Oh no.

Sinapo ko agad ang bibig ko sa ibinulalas ko. Kahit din siya ay nagulat sa walang preno kong bibig. Oh no, oh no.

"Ano sabi mo? Kapre ako?"

"Wala. Umalis ka na kase sabi! Wag ka nang makulit!"

"Yong sinabi mo kanina, ba't kapre tawag mo sa'kin?"

Napa-rolled eyes ako kasi naman tini-trigger niya ako.

"Hindi pa ba obvious?" Then humarap ako sa kanya. Nakita kong seryoso itong nakatingin sa'kin na mukhang nagpipigil ng inis.

"Bakit nga?"

"Ang tangkad mo at saka ang hilig mong magsigarilyo. Simple lang"

Tumawa pa ako sa lagay kong ito.

NOT YOUR TYPICAL GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon