Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 9"Ikaw ang prom queen Loren? At Ax ang pangalan ng ex mo?" Sunud-sunod kong tanong na ikinatango niya bilang tugon. Dahil don inihilig niya ang ulo sa kanyang unan pagkatapos idikit ang ice bag sa kanyang pisngi sa tulong ng kasambahay nila.
"What the F! Bakit ngayon ko lang nalaman na prom queen ka pala?"
"It's ok. It's not that important anyway," ngingiti-ngiti nitong sagot. Naghand-gesture siya pagkatapos sa kasambahay nila at doon naiwan kaming dalawa sa loob ng kwarto niya.
"Sensya na talaga Loren kung ngayon ko lang nalaman, nong mga panahon na 'yon siguro depressed ako sa matinding pambubully ng mga estudyante kaya nawalan na ako ng pake sa mga nangyayari sa school," paliwanag ko habang nakatukod ang kamay ko sa baba. Nakaupo ako ngayon sa maliit na couch katabi ng bed niya.
"I'm sorry to hear that. But really Abakada, I can't believe what you did earlier," nakuha ko agad ang gusto nitong iparating.
"Hindi lang sana dalawang sampal ang makukuha nila eh. Kasi naman sobrang kampante ang babae. As if naman gugustuhin siya ng ex mo. Speaking of your ex," tumigil muna ako sandali at namalayan kong nakatuon na ang atensyon niya sa akin dito na nakaupo. "Alam mo Loren 'yong Ax na 'yon baka umaasa pang magkabalikan pa kayong dalawa. Para sa'kin lang 'yon ha"
"Why did you say so?"
"Eh, bakit pa niya hinihingi 'yong approval mo kung gusto mo pa siya o hindi na?"
"You have a point Abakada, ganon din kasi naiisip ko ngayon. But I don't think nagtransfer siya sa Guinso High para makipagbalikan sakin, given the fact that many girls are fond of him now"
"Aba malay mo. Baka 'yon talaga ang dahilan," pangonsenti ko.
"You think so?" Tumango-tango naman ako dito na parang bata.
"Uhmm...by the way Loren kailangan ko na palang umuwi. Baka hanapin na ako sa bahay eh"
"Ipapahatid na kita sa driver. Thank you so much Abakada for being with me. How can I compromise you then?"
"Para kang ewan Loren hahaha! May bike naman ako eh, at saka ginawa ko lang naman 'yon kase nga maliban sa kaklase eh kaibigan din kita," sambit ko nang maisakbit ko na sa aking likuran ang bag ko.
"But--"
"Bye Loren!" Inunahan ko na siya ng pagkaway ko at diretso ko nang pinihit ang door knob. Dire-diretso akong tumungo ng hagdan at bumaba. Binungad ko si tita sa kusina na kasalukuyang nagbi-bake.
"Hello tita. Aalis na po ako hehe," paalam ko.
"Anak ng bata ka ginulat mo'ko. Oh wait, I'm baking cupcakes. Uuwi ka na agad?" Naka-apron siya ngayon at nasa harap ang oven na nakalagay sa isang round table.
"Yes tita. Pa-gabi na rin kasi eh. At saka nagpaalam naman ako kay Loren na uuwi na rin ako"
"Oh sige ito dalhin mo sa bahay niyo," iaabot pa lang niya ang hawak niyang box pero pinigilan ko na siya.
"Naku tita wag na po"
"Sige na. Ikaw lang kasi ang kaibigan na dinadala niya dito sa bahay kaya naisip ko pinagkakatiwalaan ka ni Loren sa lahat ng mga kaibigan niya"
OMG! Talaga? Ibig sabihin lang ba non posibleng hindi pa nakapunta ang matagal ng mga kaklase lalo na ang kapreng 'yon pati ang mga nagsisiga-sigahan?
"Ah, hehehe ganon po ba? Thanks tita"
Nakangiti ako nang tanggapin ko ang bigay ni tita na bagong lutong cupcakes sa isang box. Sinabi ko na rin sa kanya na magbibisikleta na lang ako total 'di ko na rin masyadong nagagamit 'yon dahil lagi naman na akong hinahatid pauwi.
BINABASA MO ANG
NOT YOUR TYPICAL GIRL
RomanceBuhay-single si Abakada sa tatlong taon ng high school life niya sa Guinso High School. Sa ka-edaran niyang ito, hindi maitatangging pantasya na ng mga kababaihan ang magkaroon ng ka-lovelife, kaso hindi siya pinapalad magkaroon kahit man lang sa is...