Chapter 62

1.3K 192 0
                                    

Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 62

Napabangon ako mula sa kama kahit alam kong ang bigat ng pakiramdam ko. Ramdam ko hanggang sa kaibuturan ko ang hang over dahil sa kakainom ng San Mig Light kagabi.

Hay. Parang gusto ko pang matulog.

Namumugto ang mga mata ko nang sinubukan kong tumingin sa harap ng salamin sa kwarto ko. Malulusog na eyebags ang bumungad sakin, at sunod kong napansin ang buhok kong naka-army cut na may tumutubo na rin ng kaunti.

Sandali kong ipinikit ulit ang mga mata kong may kaunting hapdi.

Omg di ko talaga kaya, sukong-suko pa rin ang katawan ko kahit gusto ko nang tumayo.

Ewan ko ba kung bakit tumunog ang alarm clock ng alas singko eh. Pinalitan ko na nga yong battery para gumana ulit, nagloko naman kahit sa pagkakaalam ko hindi yon ang sinet kong oras para mag-alarm.

Bumalik ulit ako sa kama at humilata. Nakapikit na ang mga mata ko at ninanamnam ulit ang tulog ngunit bigla ko itong naidilat.

Waaaaah! May gagawin pala ako ngayon!

"Bakit ngayon ka lang Dacuno?" bungad na tanong sakin ni Denver. Yong iba naming ka-gang nakatingin na lang din sakin.

Nakasuot kami ngayon ng jogging pants ng school namin at nasa labas kami ngayon ng bahay nila Duane.

"Puyat pa rin ako eh," late kong response.

"Halata nga. Eh anong step ka na ba ngayon at mukhang kampante ka na?" sunod niyang tanong.

Teka. Anong step na ba ang natapos ko kagabi? Swallow your pride yon diba?

Binuklat ko na lang yong nakarolyong papel.

"Step five na ata," tugon ko na hindi man lang siya nilingon sa aking pagkakayuko.

"Anong nakasulat?" pag-usisa niya.

"Do stuffs you usually do with him," basa ko.

"Tamang-tama," sabi niya na aking ipinagtaka kaya napaangat ako ng tingin sa kanya. "Diba jogging yong karaniwan niyong ginagawa? Sakto. Eto na yon"

Inagaw naman ni Denver sakin yong hawak kong papel at tinupi tsaka ipinasok sa kanyang bulsa.

Sakto lang na lumabas si Duane nang mabuksan ang gate. Ilang minuto din ang hinintay namin bago siya lumabas. Kung titingnan ang mukha niya, mukhang nakapaghilamos na ito samantalang ako wala na para makahabol man lang ako dito.

"Tara?" pag-aya niya sa amin.

Sumunod naman ang ibang ka-gang kay Duane at sinadya kong magpahuli kasama si Denver.

"Alam mo na ang gagawin mo Dacuno, magpakitang-gilas ka," huling sabi niya bago siya sumabay kina Noah na nasa likuran ni Duane.

Umabante naman ako para tabihan si Duane sa pagja-jogging.

"Good morning boss!" bati ko sa kanya at binati din naman niya ako pabalik.

Napasinghap na lang ako sa brad na kanyang binanggit.

Sa puntong 'to pinipilit kong makasabay siya sa pagja-jog kung saan kaming dalawa ang nasa unahan. Dati natatandaan ko na palagi akong nahuhuli sa pagja-jogging kaya ngayon kinondisyon ko ang sarili ko na bilisan ang paghakbang kung kaya't nabuhay ang buong katawang-lupa ko. Gayon din hindi ko maiwasang mapaisip kung may naaalala ba siya sa nangyari kagabi lalo na yong mga pinag-usapan namin.

Nakakahiya, nag-emote pa naman ako dun sa diversion.

"Teka, teka, pahinga muna tayo," hirit niya sabay tinukod ang dalawang kamay niya sa kanyang tuhod. Tinapunan naman ako ni Denver nang makahulugang tingin pagkalingon ko sa kanyang gawi.

NOT YOUR TYPICAL GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon