Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 52"You're late! What team are you?"
Napakamot ako ng ulo at si Duane nalang ang tumugon.
"Jaguar team, sir"
"Go to your team, now!"
Nag-uunahan kami ni Duane ngayon na tumakbo sa kinaroroonan ng team namin na kasalukuyang nagmamartsa kagaya ng ginagawa ng ibang teams. Nasa likuran ko si Duane nang sumabay kami sa pagmartsa habang nagbibigay ng direksyon si Mike sa unahan at maya-maya ay sisigaw nalang.
"Wait, wait!"
Natigil ang pagmamartsa ng buong team namin nang lapitan ako ng isang coordinator.
Oh no. May nagawa ba akong mali?
Nakatingin ang lahat sakin nang tanggalin ng isang coordinator ang cap ko at agad din niya itong ibinalik sa ulo ko.
"Continue! Continue! I just thought boy scout ka kaya nagtaka ako kung ba't nakapalda ka"
Tiningnan ko nalang yong coordinator pagkatalikod niya.
Wala akong ideya kung anong irereact ko ngayon sa nangyari. Kinabahan pa naman ako kanina kung ano na. Grrrr
"Boy scout ka daw girlfre"
"Chi! Tumigil ka boiffy"
Nagmartsa kami nang nagmartsa sa gilid ng soccer field hanggang naramdaman kong tumatagaktak na ang pawis ko sa mukha.
"Wait akech fafa Mike, kaloka di ko na carry 'to," kita kong nagpaypay siya na papikit-pikit pa sa harap namin.
"Hoy juniora! Wag kang pa-espesyal. Di lang ikaw ang naiinitan dito"
"Babaeng marangal kaya ako haler. Wapakels akech sayo Denver. Di lang ikaw ang gwapito sa earth"
"Di ka talaga babalik juniora? Di man lang 'to nahiya sa platoon lider natin!"
"Ayoko nga over my sexiest body! Ano bang pakels mo Denver? Ikaw ba nagpapalamon sakin ha? Di kita gusto kaya no no, wag mo akong kontroli--------"
"You! Go back!" sigaw ng isang coordinator at agad siyang tinuro.
"Eto na nga babalik na ako," padabog na bumalik ulit sa linya si juniora at sinalubungan nalang siya ng batok ni Denver.
Kawawang juniora.
"Pagod ka na ba, girlfre?"
"Medyo, pero kaya ko pa naman"
Nagulat ako nang hinatak niya ang kamay ko paharap sa kanya.
Nagmartsa na ang team namin pero naiwan kaming dalawa sa aming kinalulugaran dahil pinunasan niya ang pawis ko.
Omg.
Napalunok nalang ako nang lapitan kami ng coordinator at kasunod nito ang aming buong team na huli nang nakapansin sa amin.
"Why didn't you march with them?"
"Sir, pinagpapawisan na yong girlfre ko at napapagod na rin. Hindi ko hahayaang may mangyari pang masama"
"That's part of scouting!"
"Pero sa part ko sir, hindi ko kaya"
Saglit na hindi naka-imik si sir kaya bulung-bulungan ng ka-teammates namin ang gumawa ng ingay ngayon sa paligid.
"Sana katulad din niya bf ko, Mhel"
"Ka-sweet ni Duane kay Abakada grabe. Oks lang yan Kassandra, mahal ka nyan ng bf mo di lang siya sweet sayo"
BINABASA MO ANG
NOT YOUR TYPICAL GIRL
RomanceBuhay-single si Abakada sa tatlong taon ng high school life niya sa Guinso High School. Sa ka-edaran niyang ito, hindi maitatangging pantasya na ng mga kababaihan ang magkaroon ng ka-lovelife, kaso hindi siya pinapalad magkaroon kahit man lang sa is...