Chapter 27

1.1K 225 0
                                    

Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 27

'Naging inspirasyon ko kayo kung bakit nagpursige akong mag-aral nang mabuti. Pero kung papipiliin ako sa inyo ngayon, doon ako sa mas marami akong natutunan at mas naramdaman ko ang silbi ko...'

Hinawakan ko ang mga pictures na nakadikit sa wall ng kwarto ko.

'...ganunpaman, salamat sa inspirasyon'

Kumurba na lang nang hindi ko namamalayan ang ngiting naipamalas ng labi ko ngayon habang hawak-hawak ko pa rin ang pictures naming dalawa  ni Abe nang bigyan niya ako ng make up kit nung birthday ko, 'yong class picture namin nong Grade 9 kami na nasa gilid ako nakapwesto, at 'yong iilang mga kaklase ko na selfies nila.

Hanggang sa dumapo ang paningin ko sa pinadevelop kong mga pictures na naging dahilan kung bakit nawala ang memory card ko sa printing shop.

'Lubos kitang minahal Mike. Akala ko masusundan na kita at magiging kaklase para araw-araw na kitang makikita tuwing may pasok pero Mike, ang laki ng respeto ko kay Loren para sundin ko lang ang pintig ng puso ko'

"Alas syete na Ada!"

Hala oo nga! Aalis na pala sina mama.

Dali-dali kong kinuha ang certificate na nakadikit din katabi ng mga pictures sa wall.

"Andyan na maaaaa!"

Bumaba kaagad ako ng hagdan mula sa kwarto ko. Nakahanda na ako ngayon sa pagpasok ko mamaya. Nagulat ako nang abutan ako ni mama ng pera pagkababa ko. Naalala ko lang sa puntong 'to na  ilang linggo pala silang mawawala sa bahay.

"Kailan ang balik niyo 'ma?"

"Hindi ko pa masasagot iyan, Ada. Basta 'yong kapatid mo, ihatid-sundo mo 'yan malilintekan ka talaga sakin"

"Yong pasalubong ko 'ma wag mong kakalimutan"

"Hindi pa nga kami nakakapunta don ng papa mo pasalubong agad iniisip mo? Ikaw bata ka ang advance mong mag-isip!"

Bago pa niya ako kurutan, ipinakita ko kaagad sa kanya 'yong certificate ko.

"Top lister ka na naman, 'nak?"

Kanina lang Ada ang tawag sakin ah.

"Honors ka na naman 'nak? Dikit na dikit sayo ang chamba ah," sabi ni papa na nag-aayos pa ng kanyang sinturon.

"Pa naman eh. Nag-aaral kaya ako," sabay suot ng eyeglasses ko at ipinakita ko pang may hawak akong libro.

"Syempre joke lang 'yon. Nagmana kaya 'tong si Ada sa'kin," pambawe niya sa pang-aasar sa'kin ni papa. Inakbayan pa niya ako pero kaagad dib niyang inalis ang kamay niya nang akmang kukurutin na siya ni mama.

"Tumigil ka nga Julio. Naging top ka lang naman non dahil sa'kin eh," nagawa pang hawiin ang buhok ni mama na parang nagpapaganda lang kay papa.

"Ikaw ang inspirasyon ko syempre 'ma."

Ay, ito na. 'Di ko na mapigilan ang sarili ko na hindi mapangiti dahil sa sinabi ni papa. Nagba-blush na si mama na parang mauutot eh.

Sana all. Sana lahat may ganon. Nakaka-inspire naman talaga ang love story nila mama't papa eh. Pero malayo nang mangyari 'yon sa'min ni Four.

"Oh Ada, aalis na kami. Mag-ingat kayo ni Adam at hwag nang lalabas ng bahay 'pag gabi na," bilin ni papa sa'min.

"Pero teka 'ma, 'pa, kailangan niyo talagang umalis?"

"Ikaw Ada, ano sa tingin mo 'yong ginagawa namin? Lalabas lang?"

Napakamot na lang ako sa ulo. Hindi ko kasi maintidihan kung anong aasikasuhin nila sa probinsya ng Samar, lugar nila papa.

NOT YOUR TYPICAL GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon