Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 60Walang bihis-bihis na humilata ako ng kama pagkapasok ko ng kwarto. Iniwan ko yong bag ko sa tapat ng pintuan dahil sa pagod na rin galing sa eskwelahan. Nakakalungkot man pero hindi na ako nakasali sa ranking. Ok lang yon, babawe nalang ako nitong huling markahan.
Bigla kong napansin ang hawak ng kamay ko at saka ko ito ibinuklat sa harap ng aking mukha yong nakarolyong papel.
Makakaya ko ba 'to? Pero bakit hindi?
Bumuntong-hininga ako nang basahin ko ulit ang sampung tips. Maya't-maya lang pagkatapos ko itong i-roll ulit, kinuha ko ang phone ko at pumunta sa messages.
Friend_Loren. Hindi ko lang muna siguro siya itetext, magka-date sila ngayon ni Mike eh. Baka maistorbo ko lang sila.
4Seconds. Bigla akong napangiti nang mabasa ko ang pangalan ni Mike sa phone ko. Makapalit na nga. Ano kaya pwede? Ok, Axel Mike. Saved!
Boiffy. Ilang segundo akong napahinto habang hawak-hawak ko pa rin ang aking phone. Nang buksan ko ito, yong huling text niya sakin yong "Naging sila ni A at D sa huli"
Tinitigan ko yong nakasulat na "boiffy" sa screen. Wala akong ideya kung bakit hindi pa rin niya ako tinetext hanggang ngayon. Baka nga abala talaga siya sa pagpapraktis ng banda nila. Yong gang kaya, nakakakasama din kaya niya kahit papaano?
Tumagilid ako sa paghiga at doon ko lang narinig ang malakas na buhos ng ulan na halos mabingi ako sa ingay ng atip namin. Bigla siyang umulan, at ang sarap magpatugtog kaya naman in-on ko yong cassette sa pamamagitan ng pag-abot ko nito sa bedside table na katabi ng alarm clock ko. Bumungad kaagad ang kantang Walang Iba na nirecord niya noong Foundation Day namin.
Binaling ko ulit ang tingin ko sa phone. Naka-ilang beses na rin akong nag-isip kung itetext ko ba siya o hindi pero sige na nga, medyo matagal na rin kaming hindi nagkakatext eh.
Ano kaya pwede kong itext? Hmm..ok, alam ko na.
Boss, anong ginagawa mo ngayon?
Napapikit pa ako ng aking mga mata bago ko ito isend.
MESSAGE SENT!
Ano kaya reaksyon niya 'pag mabasa niya ang text ko?
Hay.
Itinabi ko lang muna ang phone ko sa bedside table at saka ako tumayo ng kama at binuksan ang jalousie. Buti na lang hindi papasok sa loob ng kwarto ang direksyon ng ulan kaya hinayaan ko lang munang nakabukas ang bintana. Pinagmasdan ko lang muna ang ulan kasabay ang tugtog ng kantang Walang Iba.
Ang sarap namang mag-emote ng ganitong oras.
Tumungtong ako sa study table ko habang ang tingin ko'y nasa labas pa rin. Malalim na ang gabi at tanging post light na lang malapit sa amin ang nagsisilbing ilaw sa kalye. May mga nagsisidaanang may dalang payong, yong iba naman tumatakbo at may panakip sa ibabaw ng kanilang ulo ng libro, cellophane at depende kung anong hawak nila.
Sinilip ko ulit ang phone ko kahit alam kong hindi pa ito nagvibrate.
Hay, bakit kasi atat ako sa reply niya? Masyado ba siyang busy ngayon at hanggang ngayon wala pa rin siyang reply? Aba't nakakaubos na ng pasensya ha!
Hindi na ako nakapagpigil at kinuha ko ulit ang phone ko at nagtext.
Bumawi ka bukas boss. Di mo ako magawang replyan ha. Grrrr!
Sending...
MESSAGE SENT!
Tinamaan na ako ng topak ngayon kaya tinadtad ko pa siya ng maraming text kagaya pa rin ng text ko sa pangalawa. Bahala siya! Kainis!
BINABASA MO ANG
NOT YOUR TYPICAL GIRL
RomanceBuhay-single si Abakada sa tatlong taon ng high school life niya sa Guinso High School. Sa ka-edaran niyang ito, hindi maitatangging pantasya na ng mga kababaihan ang magkaroon ng ka-lovelife, kaso hindi siya pinapalad magkaroon kahit man lang sa is...