Chapter 61

980 191 0
                                        

Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 61

"Ba't ba sugod ka na lang ng sugod? Akala mo naman superhero," usal ni Duane pagkatapos mag-alisan ang Full Force nang magsidatingan ang mga traffic enforcer. Binilinan pa nga kami ng mga tingin na pagbabanta eh.

Tinignan ko naman siya nang pa-irap.

"Ayaw mo nun ha? May magpoprotekta sayo?"

"Magpoprotekta o gusto mo kaming saktan nila dahil sa ginawa mo?"

"Dapat lang sa kanya 'yon 'no! Sinaksak kaya niya ang kamay ko!" reklamo ko naman. "At sasaktan din naman nila kayo kahit di niyo sila inaano"

"Wag na nga kayong mag-away, para kayong mga bata eh," pagsingit ni Mike sa aming dalawa na umiinit na ang sagutan. "Ang mas mabuti pa, magkabati na kayo"

Pinanliitan ni Duane si Mike ng kanyang mga mata. Ano na naman ba 'tong iniisip niya?

"Payong kaibigan lang, bro. Wag kang mag-alala, pinatawad na kita bro matagal na. Kalimutan mo na yong sinuntok mo ako sa gym nun pati na rin sa campus," paliwanag niya na kahit din naman ako ay napagaan ang loob ko. Ewan ko lang 'to kay Duane na ang tigas-tigas ng puso. Manhid! Grrrr

"Kalimutan mo na pero pinaalala mo pa sakin. Ano yon?" seryoso pa rin si Duane nang sinabi niya 'yan ngunit tumawa siya bigla na kung saan binatukan na lang siya ng mga ka-gang namin.

"Munchieeee! Ohmyyy munchieee!"

Sinundan namin yong nagmumula ng sigaw. Napako na lang ang mga tingin namin sa paparating na kotse at nakabukas ang bintana sa likod, nakalabas ang ulo ni Loren at bakas sa mukha nito ang pag-aalala.

"Ok lang ako munchie, di ako nasaktan," pinangunahan na ni Mike si Loren bago pa siya yakapin nito.

"I'm just worried lang naman to you munchie"

Out of nowhere nagkalingunan kami ni Duane sa isa't-isa. Ewan ko, parang nagkaroon ng komunikasyon ang mga katawan namin para magkatalikuran kaming dalawa dahil sa yakapan nila Loren at Mike. Nakaka-awkward! Pero ako rin naman ang lumingon kay Duane na kasalukuyan nang dumapo sa mga ka-gang namin na nag-uusap-usap.

"Hey Abakada, what's tingin na 'yan?"

Napabalik kaagad ang direksyon ng tingin ko sa kanilang dalawa ni Mike nang maabutan niya akong nakasunod pa rin ang tingin ko kay Duane kahit tinalikuran na niya ako.

"Si Duane kase eh," tipid akong ngumiti sa kanya at saka ako ay tumalikod na sa kanila para puntahan ang bike ko na aking iginilid.

"Puntahan mo munchie," dinig kong bulong pa ni Loren bago ko tuluyang dinampot ang monobela ng bike.

"Wag ka munang umalis, Avakada," pagpigil sakin ni Mike.

"Bakit nam----?" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang sigawan ni Loren si Duane.

Omg!

"What's your problem Duane huh? You know naman na Abakada still loves you eh. How come you could do this to her huh? I have forgiven you na for what youve done kay munchie, please naman Duane make some bati-bati na with Abakada ok?"

Nilingon naman ako ni Duane mula sa distansyang pagitan namin na akmang ipapadyak ko na ang bike ko para makaalis na.

"Sabi ngang wag ka munang aalis Abakada eh," pagpigil ulit sakin ni Mike, wala na akong nagawa kase hinawakan na niya ang isang monobela. Naupo na lang ako sa upuan ng bike at bumuntong-hininga.

"How bullsh*t you are Duane! You two wore couple shirt right now at naka-make up pa yan si Abakada but you never appreciate it lang naman. Don't you know na hindi takot si Abakada na masaktan basta she could protect you as she can? How could you stand for that huh?!"

NOT YOUR TYPICAL GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon