Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 2"Ma'am, seryoso po ba kayo? Bakit yong mga kaklase ko andito pa rin sa F?"
Imbes na umimik siya, pinatingin niya na lang ako sa list ng section G at...OMG! Andon nga yong pangalan ko sa bandang hulihan.
"Baka sa section F talaga ako ma'am. Hindi po ba mas nauuna yong F kaysa sa G?"
"Don't insist, Ms. Dacuno. It's final"
Muntikan na akong mawalan ng balanse, pasalamat nalang ako at nakahawak kaagad ako sa braso ni Abe na katabi ko.
"Pwede namang mapakiusapan 'to Ma'am, hindi po ba? Ayokong mahiwalay sa mga kaklase ko. Ayokong mahiwalay sa kanila. Alam niyo na po yon Ma'am. Sila lang naman kasi yong tumanggap sakin kung ano ako. Ma'am, please..." maluha-luha na akong nagsalita.
Tinignan lang ako ni ma'am Sandra, bakas ang mukha nito na tila nagdadalawang-isip pa.
"Uhmm...ok. I have a deal. If it's ok with you"
Kahit papaano sa sinabi niyang ito, magkakaroon pa yata ako ng pag-asa.
"Yes ma'am kahit ano gagawin ko po. Sweeper po ako from Monday to Friday? Ok lang sakin yon Ma'am. Madaling-madali lang po 'yan. Kung i-aassign mo po ako taga-sulat sa board? Taga-lista ng mga maiingay? Ma'am kahit ano po gagawin ko"
"No, it's not that. With regard to your grades"
Ayt. Napahiya naman ako don.
"About my grades, ma'am?"
Bigla tuloy akong kinabahan tungkol dito kaya hinanda ko na ang sarili ko baka ma-out of balance ulit ako.
"Actually you're really here in my advisory class, Ms. Dacuno," lumuwag ang paghinga ko sa kanyang inihayag. "YET, I got a report from someone that you were the leading cheater last school year. Do you agree with that matter?"
Leading cheater? Ako?
"Hindi lang naman ako yong---" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang nag-butt in siya agad.
"But you were the leading. See? So as a punishment Ms. Dacuno, I placed you in section G and the principal approved this already"
"G-ganon po ba?" Para akong binagsakan ng mga ulap dahil sa aking narinig. "Pero teka, teka Ma'am, yong deal mo po?"
"Oh, yeah, I almost forgot. Good you remind me about it. So here's the deal"
Hinanda ko na naman ang sarili ko sa sasabihin niya kasi parang hindi lang ako maa-out of balance, baka mahimatay na rin ako dito 'pag 'di ko na makaya.
Ano ba 'to, mas lalo akong kinakabahan.
Bumuntong-hininga si ma'am at tumingin ng diretso sa aking mga mata, "Here's the deal. If you got a 90 and above general average both first and second grading, I will let you include in my class on the third grading"
"M-Maam?" Para akong nabingi dun. O sadyang nagulat lang talaga.
"What Ms. Dacuno? Is it hard for you?"
"No, maam. Sige po, thanks Ma'am"
Pagkatapos ay ibinaling ko na ang tingin ko sa kanila. 'Yong mga kaklase ko na bully din noong una pero natanggap din kung ano itsura ko. Sila talaga ang dahilan kung bakit naging masayang-masaya ako kanina nang malaman kong nasa section F pa rin ako.
Papano ba to, mahihiwalay ako sa kanila.
"Ms. Tuazon, samahan mo si Ms. Dacuno. Pasaway ka sa klase ko kaya 'hwag mo akong matanggi-tanggi dyan," dinig kong sabing muli ni ma'am.

BINABASA MO ANG
NOT YOUR TYPICAL GIRL
RomanceBuhay-single si Abakada sa tatlong taon ng high school life niya sa Guinso High School. Sa ka-edaran niyang ito, hindi maitatangging pantasya na ng mga kababaihan ang magkaroon ng ka-lovelife, kaso hindi siya pinapalad magkaroon kahit man lang sa is...