Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 25Si Axel na ex ni Loren at si Four slash Mike na ultimate crush ko ay iisa?
Papaano nangyari? Bakit 'di ko yun naisip?! Ang galing naman talaga ng tadhana magset-up. Good job! Ginulat ako.
Nagulat ako sobra.
Hanggang ngayon 'di ko pa rin maintindihan kung bakit iisang lalaki pala 'yong iniibig namin ni Loren. Hindi pwede! Imposibleng mangyari 'to. Sana panaginip ko na lang ang lahat ng 'to.
Papano kasing si Axel naging si Mike? Paki-explain nga. pero syempre, muni-muni ko lang 'to, wala naman talagang may mag-eexplain.
Inihilig ko ang ulo ko sa unan habang nangingilid na ang luha sa mga mata ko. Naguguluhan pa na ako. Kailangan ko ng kapaliwanagan kung bakit si Axel naging si Mike.
Hindi ko matatanggap 'to. Sobrang nakakabigla.
Mayamaya, unti-unti nang nagsisink-in sa isip ko kung bakit posibleng maging isa lang 'yong lalaking ex ni Loren at si Four na naging ultimate crush ko simula pa lang. Inalala ko lahat ng mga nangyari na tinake for granted ko lang. Sana noong una palang nalaman ko na 'to para hindi na masyadong masakit para sa'kin yong maidudulot nito sakin.
'Yong pagiging varsity player niya ng volleyball. 'Yong tungkol sa ex. 'Yong chocolates at Piattos na paborito niya. Isa ito sa mga dahilan kung bakit naliwanagan na lang ako ngayon.
Nakakaiyak. Talagang nakakaiyak sa totoo lang. Pero sa isip-isip ko, hindi ito ang oras para sa pagdadrama ko.
'Di ba naging matapang ako? Okay lang kung hindi ko magagampanan si Paula sa ginawa kong drama script pero hindi dapat ako magpaapekto nang dahil sa nasasaktan na ako ng ganito.
Biglang nagvibrate ang phone ko bang hindi ko inaasahan mula sa pagkukwento ko sa sarili ko.
1 Message Received!
Huminga muna ako ng malalim bago ko ito binuksan at basahin.
Punta ka here sa gym. Tournament nila Ax ngayon. Hurry Abakada.
From: Friend_LorenNapangisi ako na parang baliw sa nabasa kong text.
Reyna talaga ako ng katangahan. Kahit sa pagiging varsity player ni Ax at ni Mike 'di ko man lang napansin.
"Lalabas ka Ada? Akala ko ba masakit 'yong ulo mo?"
"Okay na ako, 'Ma. Babalik lang ako sa school at may papanuorin pala akong laro"
"Ganon ba? Ba't ganyan boses mo? Umiyak ka ba?"
"Ma, sa ganda kong 'to iiyak pa ba ako?"
"Pinagloloko mo talaga akong bata ka. Oh siya, ingat ka. Umuwi ka agad 'pag tapos na 'yang laro"
"Sige 'Ma"
Bago pa ako nakapedal ng bike ko may nagsisigaw na sa likuran ko.
"ADA WAAAAAAIITT!"
"A-Abe?"
"Ada!" Yumuko ito at tumukod sa kanyang mga tuhod. "O--okay ka lang ba Ada?" Hinihingal na tanong niya. Mukhang maiiyak yata ako sa tanong niyang ito.
"Oo naman! Hahaha! Ako pa Abe?"
"Yong text mo sa'kin Ada kanina, totoo ba 'yon? Si Four na sinasabi mo ay ex ni Loren?"
BINABASA MO ANG
NOT YOUR TYPICAL GIRL
RomanceBuhay-single si Abakada sa tatlong taon ng high school life niya sa Guinso High School. Sa ka-edaran niyang ito, hindi maitatangging pantasya na ng mga kababaihan ang magkaroon ng ka-lovelife, kaso hindi siya pinapalad magkaroon kahit man lang sa is...