Chapter 10

1.6K 276 2
                                    

Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 10

"Hey! Lipstick ko girl akin na!"

"Sinong kumuha ng mascara ko? Ibalik niyo na sa'kin 'yan mga wala kayong kwenta!"

"My foundation please! Kabibili ko lang 'yan kahapon. Ang bibilis naman ng mga kamay niyo!"

Nagkakagulo na ngayon ang mga kaklase ko sa room namin samantalang ako easy lang at handang-handa na for presentation. Di, biro lang. Kinakabahan talaga ako sa mga oras na 'to kasi unang beses ko yatang sasabak sa sayaw mamaya sa harap ng maraming tao. Unang beses ko ring dumalo sa foundation day kahit halos apat na taon na akong nag-aaral dito kasi alam ko namang ibu-bully lang din naman ako noon. Kaya ngayon palang iniisip ko na kung anong magiging kalalabasan.

"Iba rin talaga 'tong si Dacuno eh, kahapon pa 'ata nagmake up," nilagpasan ako ng isa kong kaklase ko na may dalang make-up kit.

Kunot-noo kong nilibot ang tingin ng room namin na dahil sa tawanan ng mga kaklase ko. Napaismid na lang tuloy ako.

Kanina pa lang kasi ako nagmake-up at sinarili ko na para hindi na ako makaabala. Pero at least gumanda-ganda naman ako sa make-up kong 'to.

"Woy gurl!" Panggulat ni juniora sa'kin, 'yong kaklase naming baklita. "Since wala ka namang ginagawa gurl, judi magmake up sa iba," sabi pa niya na. Pinagkatiwalaan ba naman ako porke nakikita niya sa'kin sa tuwing may klase na naka-mild make-up ako.

Walang imik na kinuha ko ang make up kit ni juniora na nasa desk at nagstart na akong magkulay sa mukha ng isa sa mga babaeng kaklase ko.

"Ano ba 'yan Dacuno pantayan mo naman kilay ko. Palipad na yan eh!" Reklamo niya.

"Ang arte nito eh 'di naman kilay titingnan sayo kundi sayaw. Classmate sayaw! Hindi kilay ang sasayaw!"

"Kaya pala ginawa mong tingting 'tong kilay ko. Ipapakulay talaga kita kay juniora 'pag 'di ka umayos! Wag mo kasing gawing tingting!"

"Ano sabi mo? Tingting ako?" Pagsabat ng kapre na 'to na kararating lang. Ang lakas yata ng radar ng isang 'to. Ilang sandali kong inalis ang tingin ko sa pagkikilay nang sinundan ko ito ng tingin papunta sa kanyang silya. Pagharap nito sa amin, may band aid palang nakalagay sa kanya sa bandang ilong kung saan banda dumugo nong sinuntok siya sa gym.

Speaking of gym.

Waaaaaaah! Naalala ko tuloy 'yong sinabi niya sa'kin nong isang araw. Sana nga nagka-amnesia na lang ako ng mga oras na iyon kasi ayokong maiisip 'yon. Para kasi sa'kin sa tulad niyang mga lalaki, puro biro lang lahat at nagawa pa nga niyang manakit eh. Pero kasi naman, paulit-ulit na re-replay sa utak ko 'yong sinabi niya.

Help me please. Help meeee!

"Woy boss magbihis ka na," rinig ko sa gilid. Nakatutok na ako ngayon sa kilay ng kaklase ko at baka magtatalak na naman 'pag di tama.

"Ayan! Magreklamo ka pa classmate uubusin ko talaga kilay mo"

"Kilay is life kasi Dacuno," sabay alis sa silyang inupuan niya. Nice! Welcome! Wala nang thank you eh.

"Guys! Attention guys! Panglima tayong magpipresent so isa na lang guys tayo na kaya bilisan niyo na dyan!" Natatarantang pagsumigaw ni Loren, halatang busyng-busy na ito pero magandang-maganda pa rin. Samantalang ako laging haggard.

"Isa na lang Loren tayo na?" Naabutan kong kinindatan pa siya nito ni Angelo na bihis na bihis na.

"Argh!"

Natawa na lang ako bigla sa reaksyon ni Loren.

"Dacuno! Ako naman Dacuno lagyan mo'ko ng contact lens"

NOT YOUR TYPICAL GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon