Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 30"Dacuno labas! Lumabas ka dyan Dacuno! Labas!"
Ang sarap ng tulog ko kaya sino bang matino ang magsisisigaw ng ganitong oras? Kung makakatok sa pinto wagas. Sirain na lang niya kung gusto niya.
Makatulog nga ulit!
"Lumabas ka Dacuno bilis!"
Argh! Istorbo. Sino ba 'to?
Inalis ko yong pagkakatalukbong ko ng kumot. Inunat ko ang dalawa kong kamay at sapilitang bumangon sa kama. Tumungo ako sa pinto, pumipikit-pikit pa ang mga mata ko ngayon at naa-out of balance na rin dahil sa walang katapusang pagkatok ng pinto.
At pagbukas ko ng pinto, biglang may humigit ng kamay ko nang hindi ko pa nakikita ang mukha niya.
"Waaaaaaahh! Walangya ka talaga Duane!"
Sigaw ako ng sigaw kaya binitawan niya ito kaagad. Hilahin ba naman ako bigla palabas. Kaurat! Kagigising ko lang kaya! At ganito pa kaaga ha! Ang saya! Sobrang saya!
"Ano ba?! Gusto ko pang matulog Duane pwede? Puyat ako ngayon!"
"Hindi pwede!" Naunahan pa akong pumasok sa kwarto ko, hila-hila ang kamay ko. Agad naman akong nagpumiglas. Kagigil kasi talaga 'tong lalaking 'to. Hindi ko maintindihan ang trip niya!
"Anong hinahanap mo?" bigla kong tanong dahil abala ito. Hindi niya ako sinagot kaya pinigilan ko siyang hindi mabuksan 'yong dura box ko.
Teka! 'Yong papel! Ano 'yong kinuha niyang papel sa bedside table ko?
"Magpalit ka na ng damit"
"Bakit? Anong meron?"
"Jogging tayo"
What the fudge! Makakapagmura pa yata ako ng hindi oras.
"Ayoko! Matutulog pa ako!"
"Magpapalit ka o hindi?"
"Hindi!" Sabay crossed arms ko.
Nakita kong hinawakan niya 'yong laylayan ng sando niya at nagsimula na itong magmacho dance.
Argh! Ang laswa! Ano ba 'yang ginagawa niya?!
"Hindi nga! Ang kulit mo! Magjogging ka mag-isa wag mo'kong idamay!"
"Gusto mo talagang maghubad ako dito?"
"Eh 'di maghuba---oo na sige na! Argh!"
Akala naman yata ng lalaking 'to maaakit ako sa abs niya. Haler! Makakain ko ba 'yan?
Nagkatinginan na lang kami ni Duane nang nahanap ko na 'yong jogging pants.
"Magpapalit ka ba o hin-----"
"Magpapalit na nga. Pano ba ako makakapagpalit kung andyan ka?"
"Tatalikod ako"
"Ayoko nga!"
"Mas ayoko ring lumabas baka 'di mo na ako pagbuksan ng pinto"
Wow. Ang advance mag-isip. Galing! Galing!
"Wala ka bang tiwala sakin? Kwarto KO po 'to!" In-emphasize ko pa sa kanya ang salitang "ko". Sana makuha niya ibig sabihin ko don.
"Kahit na. Teka, gusto mo talagang maghubad ako ngayon?"
"Fine! Tumalikod ka"
Pasalamat ka puyat ako ngayon kaya madali akong kausap. Tsk
Napataas-baba ang mga mata ko sa panggigigil ko sa lalaking 'to. Nakakabwisit ang aga-aga nang-iistorbo. Ano ba naisip ng lalaking 'to at 'di naman namin 'to ginawa nong unang araw niyang tumira dito sa bahay?
BINABASA MO ANG
NOT YOUR TYPICAL GIRL
RomanceBuhay-single si Abakada sa tatlong taon ng high school life niya sa Guinso High School. Sa ka-edaran niyang ito, hindi maitatangging pantasya na ng mga kababaihan ang magkaroon ng ka-lovelife, kaso hindi siya pinapalad magkaroon kahit man lang sa is...