Chapter 50

939 202 0
                                    

Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 50

Tahimik kaming magkatabi ngayon sa paghiga ni Duane at ang mga tingin namin ay nakatuon lang sa kisame. Hindi ko alam kung papaano ko sisimulan ulit yong usapan namin dahil kanina pa siya tahimik pagkatapos naming umuwi mula sa school.

"Boiffy, may iniisip ka ba? Ba't wala kang kibo dyan?"

"Wala 'to, girlfre. Matulog na tayo, alam kong inaantok ka na"

Hinalikan niya ako sa noo na karaniwan niyang ginagawa, ngunit nanatili pa rin ako sa posisyon ko at binalingan ko siya ng tingin ng isang saglit dahil sa kakaiba niyang kilos.

"Ikaw boiffy, baka inaantok ka na rin"

"Mauna ka nang matulog girlfre," hindi kita ang ngipin na ngumiti siya sakin kasabay ang pagpisil niya sa pisngi ko.

"Bakit? Ano pa bang gagawin mo? Wag mong sabihing lalabas ka na naman boiffy para makipagriot sa 2F? Sabi ko naman sayo boiffy wag mo nang gagawin ulit yon eh"

Nakita kong lumapad na ang ngiti niya pagkalingon ko sa kanya muli. Lumagi ang aking tingin sa pagkakasandal ng ulo niya sa kanyang kamay at ginawa itong unan.

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan boiffy ha? Hindi ako nakikipagbiruan dito kita mo. Natatakot ako baka mapahamak ka na naman"

"Hindi naman ako lalabas girlfre eh"

"Fine," maikli kong ganti at saka ako tumalikod sa kanya at sinubukang ipikit ko na ang mga mata ko.

"Girlfre?"

"Hmm?"

"Galit ka ba sakin?"

"Ba't naman ako magagalit sayo?"

"May bumabagabag sa isipan ko girlfre, hindi ko maiwasang mag-isip ng iba"

Ibinalik ko ulit ang pwesto ko kanina na nakatihaya at agad kong hinawakan ang isang kamay niya.

"Ano ba kase yan boiffy? Ba't parang ang hirap naman para sayo na sabihin mo yan sakin?"

"Gusto ko malaman kung anong pinag-usapan niyo girlfre ni Mike nang maiwan kayong dalawa sa lamesa kanina," nakatingin pa rin siya sa kisame nang sinabi niya sakin yan.

"Yan ba ang iniisip mo kung bakit hindi ka umiimik kanina at walang kibo?"

"Masisisi mo ba ako girlfre kung hindi ako makatulog ngayon dahil doon? Pagkaalis ko sa counter, nakasalubong ko si Loren na oorder daw ng sundae at fries yata yon para kay Mike. Nang idirekta ko na ang tingin ko kung saan ka nakaupo, natanaw ko kayong dalawa ni Mike na nag-uusap pero pagdating ko na, wala nang may nagsasalita sa inyo"

"Wala ka namang dapat ikaselos eh"

"Eh bakit ganito nararamdaman ko ngayon?"

"Nagkamustahan lang kami, boiffy"

"Yan lang ba?" alinlangan niyang tanong.

"Bakit boiffy? Meron pa ba kaming dapat pag-usapan?"

"Hindi lang ako mapakali sa Mike na yon. Pero may tiwala ako sayo girlfre. Buo ang tiwala ko sayo"

Sinalubong ko ang kanyang tingin na naghatid sa amin para kami ay magtitigan. Ang titigan naming dalawa na tila bang nagkakakuhaan kami ng loob sa isa't-isa at sa pamamagitan nito'y naiintindihan namin kahit hindi na kami magsalita pa.

"Good morning girlfre"

Nadama ko yong halik sa tagiliran ng labi ko na ikinaunat ko ng dalawa kong kamay pati na rin ang buo kong katawan.

NOT YOUR TYPICAL GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon