Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 1"Ano ba yan tumingin ka nga!"
Nataranta akong napaatras agad kasabay ang panlaki ng mga mata ko.
Grabe makasigaw itong si kuya ha! Pinatay ko ba siya? Siya nga panay tingin sa kausap niyang babae na sa tingin ko ay jowa niya at sabay silang tumatawa habang nag-uusap. Maghihiwalay din naman ang mga 'yan.
Hindi ako bitter. Advance lang talaga akong mag-isip.
Napabuga ako ng hangin pagkarating ko sa tapat ng main bulletin. Dahil sa sobrang daming tao, hindi ako makasingit kaya gumilid lang muna ako at sumandal sa pader.
'Anong section kaya ako?' naitanong ko sa sarili habang nakatingala.
"TABI! TABI KAYO MAY DADAAN!"
Naibaling ang tingin ko sa malakas na sigaw sa bandang kinalalagyan ng bulletin. At doon napahakbang ang paa ko ng dalawang beses dahil sa nahawi ang daanan nito. Napaawang tuloy ang bibig ko.
"Ohmyyg! Ang bango niya super"
"Waaaaahhh why so handsome?"
"Makapagselfie nga with him beshy!"
Dahan-dahang humakbang ang mga paa ko nang hindi ko namamalayan habang ang tingin ko ay dumapo na sa lalaking naka-side view na kasalukuyang tumitingin sa mga nakadikit na papel sa bulletin board.
Ito yata ang magpapaganda ng araw ko dahil nasira lang naman ang umaga ko dahil sa sigaw ng lalaki kanina sa'kin. Ilong niya pa lang kasi matangos na kahit may distansyang nakapagitan sa aming dalawa. Seryoso itong hinahanap ang pangalan niya sa list sa tapat ng bulletin. At kung hindi ako nagkakamali, makinis ang mukha niya at bakas na bakas ang kaputian nito na siyang nakakapagbigay ng aliwalas sa kanyang mukha.
'Pero teka lang ha, bakit ang unfair naman? Kanina lang kulang nalang maging sardinas dito sa sobrang siksikan kaya tumabi lang muna ako sandali, pero nung dumating siya biglang lumuwag?'
So sino 'tong lalaki na kayganda ng treatment sa kanya dito?
Hindi ko namalayang napunta ako sa likuran ng lalaki sa sobrang pagtataka. Napansin ko ring wala akong katabi na nakatingin sa kanya dahil ang mga estudyante ngayon na nagpipigil ng tili ay nasa left and right side ng lalaki. Mayamaya lang nagulat ako nang tumalikod na siya sa bulletin, kung kaya't sa hindi ko inaasahan, nagkatagpo kaagad ang tingin naming dalawa.
Shookt.
Waaaaaaaa! Teka lang para akong natutunaw ngayon. Ang ganda kasi ng mga mata niya kahit na walang reaksyon itong nakatingin sa akin.
Kasi naman tinititigan niya ako ngayon.
Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lim-----! Ay. Apat. Apat na segundo niya akong tinitigan.
"Let's go, man"
Bumalik lang ako sa ulirat ko nang nawala na siya sa harap ko. Agad namang nabunutan ng tinik ang puso kong tumitibok-tibok na ngayon ng kaybilis dahil sa ibang klase ang tingin niya sa'kin kanina. Feeling ko sinasakop na niya ang buo kong pagkatao. Dahil don, napaayos na lang ako ng buhaghag at kulot kong buhok gamit ang kamay ko at parang nagmamaganda lang sa sarili.
OMG! Bakit pakiramdam ko ang ganda-ganda ko na talaga at tinignan niya ako nang biglaan?
Waaaaaa! Ano kaya pangalan niya? Ano kaya 'no?
Sayang! Dapat sana nagpakilala ako sa kanya at nag-speech ako.
Pero okay lang. Magkikita pa naman kami sa campus sa mga susunod na araw. Napaisip tuloy ako na maganda rin pala 'yong lumandi paminsan-minsan sa eskwelahan. Hihihi
BINABASA MO ANG
NOT YOUR TYPICAL GIRL
RomanceBuhay-single si Abakada sa tatlong taon ng high school life niya sa Guinso High School. Sa ka-edaran niyang ito, hindi maitatangging pantasya na ng mga kababaihan ang magkaroon ng ka-lovelife, kaso hindi siya pinapalad magkaroon kahit man lang sa is...