Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 37"Dahan-dahan lang gurl!" Pasigaw na utos ni juniora, yong kaklase naming baklita. Siya ang kinuha ni Duane bilang handler ko para sa pageant para iwas daw sa gastos.
Mapapa-OMG na lang talaga ako ngayon! 'Di ko pa naman ma-imagine 'yong sarili ko na naglalakad suot ang takong.
"Perpek ka gurl!" Pumalakpak pa ito at saka lumibot sa kinatitindigan ko. Anak ng takong, ang hirap mag-balance lalo kapag naka-breast out. Iyon din kasi ang turo ni juniora eh.
"Ang ganda mo girl kaya dapat super ngiti ka doon like a diamond shimmering in the night!"
Napangiwi tuloy ako sa pa-diamond niyang ito.
"Siguradong kakabahan talaga ako mamaya, juniora. Dito pa nga lang halos pumutok na ang puso ko eh"
"Shaddap! Si fafa Duane ang tinitibok niyan kaya nagkakaganyan"
Napa-rolled na lang eyes ako.
"At saka kapag malaman ni fafa Duane na nininerbyos ka, ako talaga ang papalit sayo gurl"
"Buti sana kung may matres ka"
"Bunganga mo gurl nagmumura!"
Muntik pa niya akong hampasin ng notebook na hawak niya pero ginawa niya ulit itong pamaypay.
"Feslak mo mamaya i-chin up mo lang gurl huh!" Paalala niyang muli. "At saka wait nga judi, gorilla ka ba gurl? Para ka kang kuba kung maglakad kanina eh. I-straight forward mo kaya like ng hairdo mo. Ano ba itech! Ka-stress!"
Hala! Na-stress pa talaga siya sa'kin eh mukha na nga akong timawa dito kakasunod ng utos niya eh.
"Gora! Magpalit ka gurl na dalian mo itech!"
Tinulak pa ako kaya ang ending, muntikan pa akong matalisod. Maayos din itong handler ko porke libre. Pasalamat nga siya at nang dahil sa'kin, may free kiss siya mamaya kay Denver. Nag-agree kasi kanina sina Duane at Denver na iyon na lang ang bayad sa pagiging handler niya sa'kin. Kapag talaga magback-out ako ngayon din, iiyak 'tong baklita panigurado.
Pumasok na ako ng room mula sa likod na pinagpraktisan ko kanina. Agad-agad akong nagbihis ngayon ng suot kong long gown dito sa comfort room ng room namin. At ngayon hindi ko ma-gets itong si juniora kung bakit iniwan niya akong mag-isa dito.
Ano ba kasi itong gown na ito taena 'di ko maabot 'yong zipper sa likod. Ang sikip-sikip talaga para akong lumpia na binalutan pa ng lumpia wrapper. Mapapabuntong-hininga na lang talaga ako dahil ito yong isusuot kong night gown mamaya.
OMG! Good luck na lang talaga sa'kin!
And finally, nahubad ko rin. Hahaha! Malaking pagsubok pa itong kakaharapin ko mamaya.
Pagkatapos kong magsuot ulit ng uniform ko, lumabas na ako ng room. Pagkarating ko sa gilid ng quadrangle, nalaman ko lang na kanina pa pala nagsimula ang programme ng Intramural Meet. So mag-isa akong nanuod dito at katabi ko 'yong mga schoolmates ko. Makikita naman sa kabila ang bakanteng long bench kung saan nakaupo ang participants ng field demo mula sa iba't-ibang year level. Nag-perform sila habang suot nila ang costumes nila with props. Ang ganda! Parang cheerdance lang ang peg.
Since matatapos na ang field demo pagkatapos ng halos dalawang oras, gumawi ako sa kabila para manuod ng badminton tournament hanggang dalhin ang mga paa ko papunta sa gym para manuod ng volleyball.
"Mine!"
Diretsong nag-spike 'yong teammate ni Mike kaso blinock ito ng kalaban. Ngunit sa hindi ko inaasahan, naka-abang na pala ang mga kamay ni Mike at ini-spike niya kaagad ito pababa. Sa kanila ang score kaya nagkagulo ang mga nanunuod dito sa gym.
BINABASA MO ANG
NOT YOUR TYPICAL GIRL
RomanceBuhay-single si Abakada sa tatlong taon ng high school life niya sa Guinso High School. Sa ka-edaran niyang ito, hindi maitatangging pantasya na ng mga kababaihan ang magkaroon ng ka-lovelife, kaso hindi siya pinapalad magkaroon kahit man lang sa is...