Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 24Ilang araw akong hindi nagpakita kay Four at kahit sa text ay nanghihina ang mga daliri ko na magtype dahil sa nangyari sa gym. Wala akong naiipong lakas ng loob para humingi ng sorry kay Four nang harap-harapan. Pakiramdam ko parang ako na rin ang nanapak sa kanya dahil sa guilt na nararamdaman ko hanggang ngayon. Nahihiya ako kay Four. Nahihiya talaga ako sa kanya at nangyari 'yon nang dahil sa akin.
Naintindihan ko naman 'yong paliwanag ni Loren sakin na sinabi niya lang naman kay Duane kung saan ako pupunta dahil nagtanong ito sa kanya. 'Di ko naman siya masisisi dahil malapit silang magkaibigan. Hindi rin naman naisip ni Loren na may intensyon pa lang iba 'tong si Duane.
Ilang araw akong nabagabag sa nangyari at dahil don, nawalan na ako ng ganang magreview sa kakaisip kay Four. Kung galit ba siya sa'kin, naiinis o nagtitimpi ng sama ng loob. Hindi ko na alam. Hanggang sa dumating na lang ang huling pagsubok para sa goal ko.
"Good luck class for your second grading examination!"
Ilang subjects na ang nai-take namin para sa test at kinakabahan na ako kasi posibleng hindi ako makapasa. Prior knowledge na lang ang panglaban ko dito. Sana magawa kong ipasa. Sana.
Pagdating ng hapon, halos sumakit ang ulo ko sa mga tanong na matatagpuan sa test na hindi naman itinuro sa'min. Sana nakapagreview ako kahit papano pero bakit kasi nagpatalo ako sa kakaisip sa nangyari sa gym?
Last subject namin ay MAPEH. Pagkatapos naming sagutin 'yong test, humiyaw bigla ang iba kong mga kaklase.
"Since you've performed well in your play, all of you will get good grades"
Suminghap ako sa good news na sinabi ni ma'am. Masyado yata naming ginalingan 'yong pagperform dun sa AVC. Good job classmates! Good job!
[Flashback]
Lampas sampung minuto na kaming nasa stage at nasa last scene na kami. Taga-hawak lang ako ng kurtina dito dahil wala naman akong role sa play namin. Sandali akong sumilip sa audience at nahagip ng paningin ko si Four na nakaupo sa kalagitnaan ng bleachers at isa sa mga nanunuod ngayon ng play.
OMG! Si Four nga. Teka lang, bakit siya andito? 'Di ba samakalawa na 'yong tournament nila? Hindi ko naman siya niyaya na pumunta dito dahil sa nangyari eh. Nahihiya kasi ako sa kanya kaya minabuting hindi ko muna siya lapitan. Pero bakit siya andito?
Habang hawak-hawak ko ang dulo ng kurtina kung saan magsasara kung tapos na ang scene, hindi ko maiwasang tanungin ang ko sarili ko kung galit pa ba siya sa'kin.
Malamang sa malamang, hindi imposibleng hindi siya magalit sayo. Kung hindi lang kasi ako pumunta sa gym eh hindi sana hindi 'yon mangyayari sa kanya.
Oo na, kasalanan ko na. Nakaka-guilty nga eh.
Ibinalik ko ulit ang tingin ko sa mga kaklase ko na nasa gitna ng stage habang nakatago ako sa kurtina. At doon biglang sinampal ni juniora si Denver na nakalagay naman sa script na dapat niyang gawin.
"Ano na lang ang sasabihin ang ng iba kung malaman nilang nagmamahalan tayo?"
"Paula, iintindihin mo pa ba yong sasabihin ng iba kaysa sa pagmamahalan nating dalawa?"
"Bakit John, kaya mo ba akong ipaglaban sa kanila? Ha?"
"Ipaglalaban lang ba? Gusto mo isigaw ko pa sa kanila para ko lang ipadama sayo kung gaano kita kamahal?" Naghiyawan ang audience sa sinabi ni Denver bilang John.
"Gaano mo ba talaga ako kamahal John?"
"Ganito Paula"
Hinalikan niya kaagad si juniora at habang nagkikiss pa sila, pinagtagpo na namin ni Loren ang kurtina sa gitna.
BINABASA MO ANG
NOT YOUR TYPICAL GIRL
RomantikBuhay-single si Abakada sa tatlong taon ng high school life niya sa Guinso High School. Sa ka-edaran niyang ito, hindi maitatangging pantasya na ng mga kababaihan ang magkaroon ng ka-lovelife, kaso hindi siya pinapalad magkaroon kahit man lang sa is...