Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 7'Ano bang munchie binanggit niya kanina?' Tanong ko bigla sa sarili.
Kasalukuyan akong kinakaladkad ni Loren ngayon pabalik sa room. Hindi siya umimik. Dire-diretso lang siya kaya sumunod-sunod lang ako sa kanya dahil hinigitan niya ang kamay ko. Hinayaan ko na lang siyang hilahin ang kamay ko na tila ba nagmamadali siya palayo kina Four at ng lalaking kaklase niya. Ewan ko ba't parang nagbago ang ihip ng hangin at nawala yata sa kanya ang mood. Bakit kaya?
"L-Loren? Ok ka lang?"
"Yeah. Don't mind me," sagot niya na ramdam ko ang malamig na tono nito.
"Ah...ano palang munchie na sinabi mo kanina?"
"Munchkin yon, parang nagki-crave tuloy akong kumain," tugon nito na hindi man lang ako nilingon at dire-diretso lang ang aming lakad.
Uwian na pagkabalik namin ng room at iilang kaklase na lang namin ang nadatnan namin sa loob. 'Yong teacher daw kasi namin 'di kami sinipot. Baka naligaw at napunta yon sa ibang klase.
Hay. Kung kailan nagkakaroon na ako ng interes matuto, doon pa nagkakaroon ng maraming vacant imbes na may pasok.
"Bilisan natin Abakada," muling sambit ni Loren pagkatapos ang huli niyang pag-imik kanina.
Nang makalabas na kami ng gate, tumungo kaagad kami sa parking lot. Kinuha ko ang bisikleta ko at ipinasok ko sa likod ng kotse nilang Foton. Tinabihan kong umupo si Loren sa back seat at sa harap namin ay ang driver na nakatalikod, may nakalagay na earphone sa tenga niya at may payugyog-yugyog pa ng ulo nito.
"Manong D"
Tinanggal ang earphone sa isang tenga ang driver na ito at nilingon kami.
"Ano sabi mo ma'am? Gwapo ako?"
"Sige na nga manong D basta ihatid mo ulit si Abakada sa bahay nila as usual hehehe"
Marahang tumawa na lang si Loren dahil sa inasta kanina ng driver. Isang saglit lang ay ibinalik ulit sa pagkakapalsak sa tenga ang headphone na nito at nagsimula na siyang magdrive.
"Si manong D talaga. Kaya di nagkakaroon ng girlfriend eh," aniya, bahagyang napasandal pa si Loren sa sandalan ng couch gaya ng ginawa ko.
"Pero nakakatuwa siya Loren. Hahaha! Ilang taon na pala siya?"
"29 I think. Why did you ask anyway?"
"W-wala lang. 29 na pala siya?" gulat kong tanong. "Pag malapit ka nang lumagpas sa kalendaryo Loren, parang ang hirap na sigurong magka-love life 'no?"
Tinawanan lang ako ng katabi ko dahil sa opinyon kong ito.
"Totoo Loren. Kaya nga gusto ko pag grumaduate ako, magkaroon man na ako ng jowa"
"Eh 16 ka palang right? Are you sure what you're saying?" Halatang 'di ito makapaniwala. She paused for a while, "This is the right time kasi to enjoy being single Abakada. It's better to give time for yourself rather than being in a relationship which is magbibreak lang din naman at the end"
Nilingon ko siya sa kanang bahagi ng mukha niya dahil sa nasa kanan niya ako, at doon ay tinignan din niya ako.
"Never mind. Well, it's your choice Abakada"
"Hindi, sa totoo lang may point ka naman don Loren. Pero pano mo nasabi lahat yon?"
"HAHAHAHAHA!" tumawa siya bigla. Akala ko ano na eh. "Sa movies na napapanood ko. Hmmm...experiences of my friends I read in Instagram probably and...I've been there of course"
BINABASA MO ANG
NOT YOUR TYPICAL GIRL
RomanceBuhay-single si Abakada sa tatlong taon ng high school life niya sa Guinso High School. Sa ka-edaran niyang ito, hindi maitatangging pantasya na ng mga kababaihan ang magkaroon ng ka-lovelife, kaso hindi siya pinapalad magkaroon kahit man lang sa is...