Chapter 39

1K 209 0
                                    

Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 39

Si Duane.

Katabi ko ngayon na nakahiga sa kama. Tumunog na ang alarm clock kanina at tumilaok na ang mga manok at lahat-lahat na, tulog pa rin siya. Humihilik pa rin ito at medyo nakabuka pa ang bunganga. Kanina ko pa siya minamasdang natutulog habang nakatukod siko ko sa unan at ang kamay ko naman sa aking panga.

Napagod siguro 'to sa pageant kagabi.

Pinagmamasdan ko pa rin siyang natutulog at dahil doon, hindi ko maiwasang manatili sa kanyang mukha. Ang makakapal nitong mga kilay, ang hindi maitatangging pointed na ilong, ang pagkakaukit ng lips na sobrang ganda, medyo pinkish pa ito at nakakaakit niyang jawline.

Hala! Na-idescribe ko ba siya?Pero tulog pa naman siya kaya okay lang nasa isip ko lang naman.

Malaya ko ulit siyang tiningnan. Naaawa rin ako sa lalaking 'to kaya dito ko na siya pinahiga sa kwarto ko kasi ayokong dapuan siya ng lamok doon sa sala. Mas lalong ayoko rin namang umuwi siya sa bahay nila nang mag-isa baka ano pang mangyari sa kalsada.

Mayamaya lang, napatanong na lang ako sa sarili ko dahil sa pagiging concern ko. Bakit kasi kagabi ko lang na-realize na gusto ko na pala siya?

Tanda ko pa noong rehearsal namin at nagmumukmok ako sa long bench, inalukan niya ako ng tubig at tinabihan ako kahit gusto kong mapag-isa noon. Hindi ko alam pero naramdaman ko ang pag-comfort niya sa'kin doon at pina-realize pa niya sa'kin ang tungkol kay Mike at kay Abe. Nakakawalang gana talaga ang araw na 'yon, gusto ko na ngang mag-backout doon palang sa rehearsal pero si Duane ang todo cheer sa'kin. Ipinakita niya sa'kin ang brighter side ng mga nangyari sa'kin noong araw na 'yon.

Siguro doon na nagsisimulang mahulog ang loob ko sa kanya. 'Yong tipong dini-deny ko pa noon na baka nalulungkot lang ako kaya ganoon na lang ang naramdaman ko. Pero hindi, puso na mismo ang nagdidikta na sinang-ayunan naman ng isip ko.

Nakatingin pa rin ako sa mukha niya nang bigla niyang iniunat ang kamay niya pataas. Dahan-dahan namang dumilat ang mga mata niyang bilugan at mayamaya lang ay lumiliit-liit ito para mag-adjust siguro mula sa pagkakapikit nang matagal.

"Good morning Duane!" Masaya kong bati. Parang kuminang naman ang mga mata nito nang makita niya akong nasa harap niya. Nakita ko pa ngang unti-unting kumukurba ang magkabilang sulok ng labi nito ngunit ipinagtaka ko na ang pagkunot ng noo niya.

"AAAAAAAAAAAAAHHHH!!!"

"Hoy hwag ka ngang sumigaw!"

"BAKIT NASA LOOB AKO NG KWARTO MO? NI-RAPE MO BA AKO?"

What the fudge! Nasa tama ba ang tulog ng lalaking 'to?

Nakatalukbong pa rin siya ng kumot nang bigla itong tumayo mula sa kama.

"Aist! 'Di mo man lang ba ako babatiin ng good morning?" Nagpout pa ako kasi nakakatampo naman siya sa kanyang inasta.

"Anong maganda sa umaga? Aalis na nga ako. Salamat!" Diretso siyang pumunta sa pintuan sabay binuksan ang pinto na kumalabog pa ito nang maramdaman kong bumaba na siya ng hagdan.

OMG! Ano bang nangyayari sa lalaking 'yon?!

"Why so sad Abakada? You're new prom queen na kaya"

Umayos agad ako ng upo nang tabihan niya ako. Kaka-alis lang kasi ni Bernadette, 'yong seatmate ko. Mukhang may bulati yata 'yon sa pwet at sobrang malikot.

"Hey, what's with that face, huh? It's not so bagay for you," saad pa niya.

Bumuntong-hininga na lang ako dahil sa pakiramdam kong ito. "Matatapos na lang kasi ang klase ngayong umaga hindi pa pumapasok si Duane eh"

NOT YOUR TYPICAL GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon