Chapter 4

2.8K 317 42
                                    

Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 4

"Woy Ada! Naghintay ka ba? Pasensya na ha, late na kaming na-dismiss eh," halatang hingal na hingal siyang dumating sa table kung saan ako naririto ngayon. Naghintay lang naman ako ng kalahating oras, kahit pangungulangot nagawa ko na dahil sa kakahintay sa kanya.

"Kararating ko lang din naman eh," pagsingunaling ko.

"Okay wait ka lang, ako na ang oorder para satin"

"Hindi, okay lang. Sabay na tayo," pag-insist ko.

"Ako na Ada, parang 'di ka nasanay eh. Hintay ka na lang dyan," pagpumilit naman niya.

No choice. Bago siya umalis sa aking harapan pinaglaanan ko na lang siya ng ngiti ko. Pagkatapos ay sumandal lang muna ako sa sandalan ng plastic chair habang naghihintay ang pagbalik ni Abe. Medyo nagtagal-tagal din ang ginawa kong paghihintay kaya pinagmasdan ko lang muna ang paglabas-pasok ng mga estudyante sa entrance ng food court.

Mula doon, bigla ko na lang naisip ang babaeng bago kong kaklase.

'Wait. Pupunta pa kaya siya dito? Baka naman napasama siya sa mga kaibigan niyang bully kaya hanggang ngayon wala pa rin siya,' naturan ko sa sarili.

Mula sa kakaisip nang malalim, naagaw na lang ang pansin ko sa mga nauulinigan ko sa aking palibot.

"New look? Mas lalo lang pumanget ang bruha"

"Akala mo naman gurl 'di na 'yan maaapi 'pag ganyan looks niya 'no?"

"Baliw na ata e"

Pa-simple lang akong ngumiti sa mga naririnig ko mula sa paligid. Pasok sa isang tenga, labas sa kabilang tenga. Ganon lang ka-simple. Palibhasa kasi wala silang mapag-uusapan kaya ako ang pinupuntirya.

Ilang minuto lang ang lumipas bumalik din kaagad si Abe ng dalawang beses na balik bitbit ang isang food tray kada balik niya.

"Marami kang dapat ikwento sakin babaita ka," paunang sambit niya pagkatapos niyang pumila.

Habang inaayos namin ang pagkakalagay ng tray, tipid na lang akong ngumiti. "Wala naman akong maikukwento sayo eh," sabi ko nang malumanay.

"Ano ka ba? Yong transformation ng itsura mo pa lang dapat ka nang magkwento 'no!"

"Ah eto? Wala to"

"May rason ba Ada? Come Ada parang di naman tayo magkaibigan nito"

Sumubo ako ng isang kutsara at habang ngumunguya, ang naisagot ko ay pagtango ko lang muna.

"Sabi ko na may rason eh. Bagay kaya sayo Ada. Kaya nga kanina nahirapan akong hanapin kung saang table ka. Yong buhok mo kasi nakatali na pala"

"Parang eto lang eh," pakumbaba kong ani.

"Yong eyeglasses mo Ada, saan mo binili yan? Bagay kasi sa'yo eh"

"Sale lang 'to sa Divisoria. Last year pa 'to binili pero ngayon ko lang sinuot. Bagay ba talaga sa'kin Abe?"

"Nakakapanibago lang Ada at kung ayaw mong maniwalang hindi bagay sa'yo, aba'y wag kang maniwala 'no!"

"Loka-loka ka talaga Abe hahaha!"

"Seryoso, hindi ko rin akalain na marunong ka na palang maglagay ng make-up babaita ka. Ikaw pa ba yan Ada?"

Ang tanong niyang ito ang nagdala sa aming dalawa para matawa kami parehas.

"Eyeliner lang 'to at saka liptint. Gift mo nga 'to sakin nung birthday ko eh"

"Talaga ba? Ay oo nga nakalimutan ko na. Pinilit pa nga kitang gamitin yon eh noong araw na birthday mo eh"

NOT YOUR TYPICAL GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon