Not Your Type of Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 59Muli akong niyakap ni Loren nang tumapat kami sa bahay namin. Sa ilalim ng kabilugan ng buwan at di maabot ang ilaw mula sa post light sa kinatatayuan namin ngayon, nakikita ko pa rin sa kanyang mga mata na naluluha na rin.
"I have known you Abakada for how many months, and I know you do not easily indulge yourself sa alcohol that's why I feel guilty up until now. Sorry ulit kung sobrang nasaktan kita. I want you nga to revenge against me eh, but you're really a good friend of mine"
Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya kahit alam kong may malaking tsansang matumba kami dahil sobra na akong nalasing. Isang saglit lang habang magkayakap pa rin kami, naramdaman ko ang pagkulong ng mga kamay niya sa aking likod.
"I'll accompany you Abakada. I'll explain nalang kay tita kung bakit ngayon ka lang nakauwi"
Sumandal ako sa balikat niya dahil hindi ko na talaga kaya. Umiikot-ikot na ang paningin ko at medyo dumidilim na rin kung kaya't nahihilo ako. Narinig ko nalang ang pagbukas ng gate at inalalayan akong makapasok sa loob ng bahay namin.
Nang makapasok kami sa sala, narinig ko agad yong boses ni mama, hindi ko lang alam kung sinisigawan na ako nito. Mas kumapit pa ako sa bisig ni Loren...
...at ang huling alam kong nangyari, napabitaw na lang ako sa pagkakakapit.
"Mabuti naman at nagising ka na rin Ada," bungad ni mama sakin pagkadilat ko ng aking mga mata.
"Susmaryosip kang bata ka, ano ba pinaggagawa mo kagabi at di ka na nahiya kay Loren na siya pang naghatid sayo?"
Dagli akong napaupo sa kama mula sa pagkakahiga. Kamot lang ako ng kamot ng ulo na pinipilit ding idilat ang mga mata ko kahit puyat pa.
"S-Si Loren? Hinatid niya ako?"
"Ano ka ba namang bata ka. Sige maglasing ka pa!" napakamot na lang ako nang iwan ako ni mama sa kwarto ko.
"Hoy Ada! Tumayo ka na dyan at mag-aalas syete na!"
Nagring ang bell nang makipagsiksikan ako sa tapat ng gate ng school at doon lang binuksan ng guard ang gate. Tapos na pala ang flag ceremony at late na ako. Akala ko pa naman lagi na akong papasok sa school nang maaga lalo na't huling markahan na. Buti na nga lang at kaya kong gawing five minutes ang thirty minutes na pagligo kanina.
Dumiretso ako ng lakad kahit bangag pa ang pakiramdam ko. Ang lakas talaga ng tama sa akin ng San Mig Light na yon.
Wala tuloy ako masyadong naaalala kagabi.
"Here she is," dinig kong malakas na bulong sa paligid at doon ko lang napagtantong pinalibutan na pala ako ng mga babaeng 'to. Ang sasama ng mga tingin nila sakin na para akong balak patayin. Napaatras na lang ang ulo ko na kunwaring nagulat sa sabay-sabay nilang pag-crossed arms.
Isa lang ang pinakatinitiyak ko, mga babaeng miyembro 'to ng Full Force dahil nasa harap ko ngayon si Cassy.
"Ang kapal pa rin talaga ng mukha mo na paiyakin ang loves ko," panimula niyang pagbanta na aking ikinagulat.
Omg. Umiyak si Duane nang dahil sakin?
"Mas may ikakapal pa rin ba yong mukha mong magpaturo ng pagdadrum sa harap ng ex niya? At bakit kasama mo siya kagabi? Bakit, kayo ba?"
"What if sabihin kong oo?" agad niyang tugon kasabay ang kanyang pagngisi. "So wag mo nang susundan pa si loves, nagmumukha ka kasing aso"
"Talaga ba?" hindi papatalo kong paghamon. "Wag ka ring dikit na dikit sa kanya, mas nagmumukha kang linta!"
BINABASA MO ANG
NOT YOUR TYPICAL GIRL
RomanceBuhay-single si Abakada sa tatlong taon ng high school life niya sa Guinso High School. Sa ka-edaran niyang ito, hindi maitatangging pantasya na ng mga kababaihan ang magkaroon ng ka-lovelife, kaso hindi siya pinapalad magkaroon kahit man lang sa is...