Chapter 28

1.1K 226 0
                                    

Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 28

Tahimik lang kaming kumakain ngayong tatlo sa hapagkainan habang palipat-lipat ng tingin si Adam sa amin ni Duane.

"Nasarapan siguro kayo sa luto kong adobo ano?" Kasabay ang mahina niyang tawa, in-ignore ko lang 'yong sinabi niya. Suminok ako bigla kaya napainom ako ng isang basong tubig.

Totoo ba 'to? Kasama na namin ngayon ni Adam 'tong lalaking 'to sa pamamahay namin at kasabay pa namin ngayon na kumain?

"Kain pa kayo," sambit niya ulit. Sandali kaming nagkatinginan pero iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya.

"Ba't ang tahimik natin? Hahaha! Gusto niyo ako ulit magluto bukas? Ano Adam masarap ba akong magluto?"

"Opo kuya, sige po!" Nabuhayan pa ang loob ng batang 'to. "Pero kuya 'di ba nag-aaral ka po?" Tanong sa kanya ni Adam.

"Kayang-kaya ko naman 'to Adam eh. 'Yong kuya Duane mo pa? Kayang-kaya! 'Di ba Dacu----A-Ada?"

Inirapan ko lang ito. Naguluhan pa ito kung Dacuno o Ada ang itatawag sa'kin. Ano ba talaga?

"Pakiabot nga ng towel ko Dacuno. Please?"

Walang imik na isinampay ko 'yong towel sa taas ng pinto na may malaking suwabg sa itaas.

Nasa harapan ako ngayon ng lababo na malapit-lapit lang din kung nasaan ang banyo. Nag-insist na akong ako ang maghuhugas ng mga pinagkainan namin since nakasanayan ko naman na at nakakahiya pa kung siya pa ang gumawa nito.

Bakit kasi ibinilin pa kami ni mama sa lalaking 'to? Di ako mapakali eh. Ewan. 'Di ko lang feel na kasa-kasama siya. Parang nakakailang.

"Sabi ko nang ako na maghuhugas eh."

"Hindi, okay lang. Matatapos naman na ako"

Natigilan ako nang tulungan pa rin niya akong ilagay ang mga pinggan sa lalagyan. 'Yong sunod na hawak niyang baso inaagaw ko agad at sa 'di inaasahan ay bigla itong nabasag.

"Ayan! Pulutin mo yan!" Napataas ang boses ko, dahilan para lapitan kami ni Adam mula sa paglalaro niya ng break game.

"Adam pumasok ka na sa kwarto mo sige na," ma-awtoridad kong utos na sinunod din naman niya.

Ibinalik ko ulit ang tingin ko kay Duane na kasalukuyang nagliligpit ng mga bubog. Wala itong suot pangtaas at nakatapis lang siya ng tuwalya.

"G-galit ka ba sa'kin Dacuno?"

Sa halip na sagutin ko ang tanong niya, kinuha ko na lang ang iba pang baso at pabigat ko itong inilagay.

"Maaari ka nang umuwi Duane. Kaya na namin 'to," cold kong sabi nang hindi sa kanya nakalingon.

"Pero bilin kasi sa'kin ng mama niyo na bantayan ko kayo"

"Kahit na magalit ako sa'yo itutuloy mo pa rin? Ipaliwanag mo nga sa'kin Duane kung bakit ikaw sige nga!"

"Gabi na Dacuno. Kailangan muna nating magpahinga"

"Hindi ako pagod Duane! Dali makikinig ako ngayon!" Sigaw ko na ikinatigil niya mula sa pagwalk out. Halos nabigla ito nang lumingon siya sa gawi ko.

"Ano? Sabihin mo na sa'kin Duane para makaalis ka na bukas na bukas din"

"Itanong mo na lang sa mama mo, Dacuno. Pasensya na kung ako ang napiling pagkatiwalaan ng mama niyo para bantayan kayo. Humihingi ako ng despensa sa'yo"

Napabuga ako ng hangin nang makaalis na siya papuntang sala.

Argh!

Padabog akong umakyat ng hagdan. Isinara ko nang pagkalakas-lakas 'yong pinto sabay tinanggal ko 'yong suot kong eyeglasses at inihagis ito sa kama.

NOT YOUR TYPICAL GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon