Chapter 22

1.1K 234 0
                                    

Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 22

Abkada free ka b ngyon?
From: 4seconds

What the fudge! Nagtext ngayon si Four sa'kin!

Agad-agad na kumibo ang mga daliri ko para siya ay replyan mula sa drama script na binabasa ko.

-Oo naman hehe. Bakit natanong mo Mike?

Sending...

MESSAGE SENT!

"Tingnan niyo si Dacuno nakangiti habang may ka-text oh"

"WAAAAHH!" Napasigaw ako nang malakas sa kadahilanang may humablot sa phone ko.

"Whahahahaha!"

"Akin na 'yong phone koooo!"

Pinagpasa-pasahan na nila 'yong phone ko with matching sigawan hanggang mapunta ito kay Duane na nagulat din siya na nasa kanya na 'yong phone.

*facepalm*

Napalunok ako nang sandali niyang sinilip ang screen ng phone ko.

"Akin na nga!" Inagaw ko kaagad ito sa kamay niya at saka tinalikuran siya.

Kainis talaga yong mga kaklase ko. Wala silang pakisama eh! Kahit man lang sa pakikipagrext ko kay Four, mapawi ang pagod ko sa kakagawa ng drama script.

Umupo ulit ako sa chair at tiningnan ko ulit 'yong screen ng phone.

This 5. Saan ba kta pedeng mahatd? Gsto ko sna sa diversion.
From: 4seconds

Diversion? 'Di ba tambayan din ito ng Neon gang?

Dali-dali akong lumabas ng room. Pagkapunta ko sa likuran, doon lang ako nagtitili nang pagkalakas-lakas at may palundag-lundag pang nalalaman ang ateng.

WAAAAHH! Yayayain na naman niya akong lumabas. Sana 'di na maudlot 'to. Sana hindi na. Siguro naman deserve ko ring kiligin ako 'no!

"Ano 'yon Dacuno kanina? Nadapuan ka ba ng gagamba?" Tanong ni Duane sa'kin pagbalik ko ulit sa room.

"Trip ko lang tumili. By the way guys, natapos ko na 'yong script natin. Na-edit ko na rin siya"

"Oh, saan ka pupunta? Iiwan mo na ba kami Dacuno?"

"Para kayong mga ewan. Mauna na ako kasi may pupuntahan pa ako," tatalikod na dapat sana ako pero nahagip ng paningin ko si Duane na umiiling-iling na lang.

"Ako rin guys may date pa kami ngayon ni Cassy," sabi ni Duane at nagmadaling isinukbit ang bag niya.

"Pero papano 'tong mga props?"

Nagrhumbs ako gamit ang dalawa kong kamay. "Kaya nyo na yan! Kayo pa, andyan si pres oh!"

"Take care Abakada!" Nagmala-miss universe itong si Loren nang kinaway ang kamay niya sa akin.

"Tss" Nilampasan na ako ni Duane na para lang akong hangin. Kita kong nauna na siyang lumabas ng room at wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya dahil pareho lang naman kami ng dadaanan. Hindi ko alam kung bakit nagawa niyang dumiretso at 'di na ako kinausap.

Hay. May ka-date nga siya eh. May date daw sila ng Cassy na yon.

Naghiwalay na kami ng daanan pagkalabas ng Juniors' Building. Pupunta yata siya sa band room at don yata sila magkikita ng Cassyng 'yon. Ako naman pumasok sa girls' restroom at nanalamin. Naglagay lang ako ng kaunting blush on at di na ako nagtali ng buhok ko dahil straight naman na ang buhok ko.

NOT YOUR TYPICAL GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon