Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 3OMG!
Naalimpungatan ako dahil sa malakas na tunog ng alarm clock. Aba'y mas maputak pa ito kaysa sa mga manok sa kapitbahay namin eh. Kainis inistorbo ba naman tulog ko. Wala naman akong balak pumasok ngayon. Wala lang muna akong balak. Dahil tunog pa rin ito ng tunog, pinindot ko agad ito baka matapon ko pa sa labas.
Kasunod nito, kinusut-kusot ko ang mga mata ko at saka na ako tumayo mula sa aking hinihigaan. Tumingin ulit ako sa alarm clock.
'Alas-sais na pala. Pero 'di ba 'di naman ako papasok? Teka, papasok ba ako o hindi?'
Nang mahanap ko na ang sagot sa magulo kong tanong, dali-dali kong iniligpit ang mga gamit ko na nakakalat sa higaan dahil sa kaka-emote ko kagabi. Napagtanto ko lang ngayon na hindi pala ako naka-pajama, pero ewan ko ba kung bakit pa rin ako nakatulog. Dahil siguro sa malubha kong pag-eemote.
Ngayon habang tinutupi ko na ang kumot, ang tingin ko ay sumagi sa mga larawang nakadikit sa wall ng kwarto ko.
Saka ako napangiti dahil dito.
"Nak bumaba ka na! Nakahanda na ang almusal!" Sigaw ni Mama sa labas ng kwarto ko.
Naalis agad ang tingin ko mula sa mga larawan sa wall dahil sa pagmamadaling hindi masigawan ulit.
"Oho, Ma, bababa na"
Pagkabukas ko ng pinto, natigil ako sa paghawak sa door knob. Nakatayo pa rin kasi si mama sa labas. Akala ko pa naman lumabas na siya. Nagkatinginan tuloy kaming dalawa. Isang saglit lang ay bigla na niya akong kinurot-kurot sa braso.
"Ar---araay--aray 'Ma!"
"Ikaw talagang bata ka di ka lumabas ng kwarto buong maghapon kagabi! Ano ba nangyayari?"
"Pagod lang, 'Ma. Sige na ho, kain na tayo. Ano ba luto mo?" Pag-iba ko na lang ng usapan habang kinakamot ko yong kurot niya. Ang sakit kasi, hindi pa yata nakapagnail cutter ng kuko.
"Kainin mo yong pagkain mo kagabi!"
"Ma naman eh. Ang aga-aga masamang biro 'yan"
"Ano? Kakain ka o hindi?"
Hay naku si mama talaga, wala naman akong choice eh. Binungad na niya ako ng kurot at pagtatalak niya para umangal pa ako. Pero syempre, naa-appreciate ko lahat yon kasi ganon lang si mama kung papaano niya ipakita ang pag-aaruga sa'kin. Si mama na lang talaga at ang buong pamilya ko ang totoong nagmamahal sa'kin.
Makakain na nga baka kung ano pang drama magawa ko.
"Hey besh, ano balita mo?"
"Ang alin ba gurl?"
"Yong transferee sa F"
Tulala ako ngayon subalit napantig ang tenga ko sa naririnig kong usapan sa labas. Kasalukuyan akong nasa loob ng cubicle sa girls' restroom dahil may naramdaman akong kakaiba sa tiyan ko. Biglang sumakit eh. Hindi pa naman yata panis 'yong kinain kong almusal kanina kahit kagabi pa 'yon. Sisisihin ko talaga si mama mamaya 'pag 'di pa mawala ang sakit ng tiyan ko dito.
"Sa F? Oh bakit gurl? Kilala mo?"
"Ssshh! Ex lang naman siya ng nanalo sa prom queen last year"
"Really? Yong si------" Napataas ang kilay ko sa narinig kong sabi na isa na hindi naituloy.
"Ohla! Siya nga besh! Nakaka-inggit nga eh. Anyway we have to go na"
May narinig na lang akong pagbukas at pagsara ng pinto.
BINABASA MO ANG
NOT YOUR TYPICAL GIRL
RomanceBuhay-single si Abakada sa tatlong taon ng high school life niya sa Guinso High School. Sa ka-edaran niyang ito, hindi maitatangging pantasya na ng mga kababaihan ang magkaroon ng ka-lovelife, kaso hindi siya pinapalad magkaroon kahit man lang sa is...