Chapter 18

1.3K 254 1
                                    

Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 18

"Hoy Ada! Kakain na!"

"Paparating na 'maaaaa"

Dali-dali kong tinali sa dalawang bahagi ang buhok ko, naglagay ng contact lens at liptint at sa huli, sinuot ko 'yong eyeglasses na bili ni Duane na suot ko almost two weeks na.

"Ayan, bagay sa'yo. Sa susunod mag-iingat ka na baka mapahamak ka pa. Tara na sa bahay gagamutin mo pa ako Dacuno. Miss, magkano nga pala 'to?"

Hindi ako makapaniwalang bati na kami ni Duane ngayon pagkatapos ng nangyari. Oo, siya ang bumili ng eyeglasses ko dahil tumilapon 'yong eyeglasses na suot ko nng gabing sinampal ako ng babae ng libro. Nong gabi ring iyon, niyakap ako ni Four, kaso nga lang wala na siyang malay nang ginawa niya sa'kin 'yon.

Si Four. Speaking of him, kamusta na kaya siya?

"Ano ba Ada paghihintayin mo ba ang pagkain dito haaaaa?!"

Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili at magbihis ng uniporme, diretso na akong bumaba.

Para lang manok si mama sa kapitbahay namin eh. Paano kaya kung naging manok na lang siya? Joke! Love na love ko pa rin si mama kahit tinatalakan ako madalas tuwing umaga.

"Congrats! Top lister na pala ang anak natin, Carmela," masayang-masayang anunsyo ni papa. Kulang na lang ipa-blotter sa radyo eh. "Pagbutihin mo pa Ada, dadagdagan ko pa allowance mo"

"Talaga 'pa?" Saka niya ako nginitian kasabay ang pagtango niya.

Oh yes! 'Buti pa si papa may padagdag pang allowance. Napag-isip-isip ko tuloy na baka na-promote itong si papa sa pinagtatrabahuan niyang kompanya na pagawaan ng mga pusong basag. Joke! Pagawaan talaga ng mga automotive parts ng sasakyan parang ganon.

"Ako naman eto Ada"

OMG! May pa-gift din sa'kin si mama nakaka-touch. Maliit lang siya pero naka-gift wrapper. Ang effort talaga ni inay. Kaya naman agad ko itong binuksan kahit na nasa hapagkainan.

"Waaahh--ha? Ano 'to ma? Bakit may eskinol? May ponds?"

"Hindi ka panget 'nak, gusto ko gumanda ka lang"

"Ma naman! Wala akong pimples. Hindi ako si Eya"

"Gamitin mo lang. Gaganda ka nyan at gugustuhin ka na ng Duane na yon"

Hala! Ano raw? Minsan talaga nagtataka ako kay mama kung papano niya nalaman yong pangalan ni Duane eh. Hindi kaya mag-asawa sila nong past life nila? Ay, ano ba 'tong iniisip ko. Mali.

"Sino yang Duane, 'ma?" Takang tanong ni papa na lumukot pa ang noo nito.

"Kaklase ko lang ho 'pa. Mabait kong kaklase. Hehehe," inunahan ko na si mama baka kung ano pa ang kanyang masabi.

"Ganun ba? Ikaw Ada ha. Crush mo ba 'yan?"

Hindi pa ako nakakasagot, naibaling na kay Adam ang atensyon namin.

"Ako ma? Anong gift mo para sakin?" Aba'y nagpout pa 'tong kapatid ko. Pero salamat kapatid, niligtas mo ako sa tanong ni papa. Sa tanong niya kanina para akong mahuhulog na sa bangin eh.

"Gusto ko may ribbon ka 'nak. Sa ngayon, eto lang muna ang sa'yo"

"Ngek! Halik na naman? Paulit-ulit na lang ha!"

Nagtawanan sina mama at papa. Pati na rin ako napatawa na lang din sa pagdadrama nitong kapatid ko. Ang saya lang ng ganito. Kawawang Adam. Hahaha!

Minsan sa buhay akala ko parati na lang akong masasaktan gaya ng nangyari sakin 'tong mga nakaraang araw. Pero ang sarap pala sa pakiramdam na sa kabila ng sakit na mga naranasan ko, nagagawa ko pa ring tumawa.

NOT YOUR TYPICAL GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon