Chapter 48

930 198 0
                                    

Not Your Typical Girl
written by: mistercupidness
CHAPTER 48

"Pahinga ka lang muna boiffy, papasok na kami nila Adam"

Hinalikan ko siya sa pisngi at tumungo na ako palabas ng kwarto. Naghihintay na ang dalawa sa labas ng gate kaya diretso kong inilabas ang bike ko. Pinasakay ko si Mish sa unahan na nakapambabae ang upoat sa likuran naman si Adam na kumapit sa blouse ng uniporme ko.

"Ba-bye 'taaaayyy!" pagkaway ni Mish sa taas kaya napalingon kami ni Adam kung saan siya nakatingin.

Lumawak nalang ang ngiti ko nang nakasilip pala sa bintana ng kwarto si Duane sa amin. Nakangiti itong kumindat sakin. Gayon din nagpadyak na ako para maihatid ko muna silang dalawa bago ako pumasok sa eskwelahan.

Hay. Gusto ko nang makasabay si boiffy na pumasok. Sana gumaling na yong tahi sa kanyang tiyan.

"Lemme ask you Abakada," paunang bigkas ni Loren nang tabihan niya ako sa pag-upo. Natigil ako sa pagsusulat sa notebook ko pagkatapos ng klase namin sa Physics. Hindi ko alam kung ok pa rin kay Bernadette yong ganitong set-up na lilipat siya ng upuan tuwing kakausapin ako ni Loren. Kawawang seatmate.

"I'm just curious for both of you"

"Tungkol saan ba?" napatanong nalang din ako.

"I just want to know what you usually do sa kwarto mo kasama si Duane," kinikilig niyang sambit with matching patakip-takip pa ng bibig.

"Bakit ko naman sasabihin?"

"C'mon Abakada! I'd like to know lang naman"

"Fine. Magkatabi kaming natutulog"

"Is that all? Tell me Abakada lahat ng ginagawa niyo"

"Haynaku Loren kung hindi lang kayo close ni Duane"

"Close din naman tayo eh. C'mon, tell me," ngingiti-ngiti niyang sabi.

Suminghap ako at binitawan ang ballpen na hawak ko.

"Sa ngayon, pinagsisikipan kong matutong magluto ng iba pang mga putahe. Nakakatawa nga kase nasarapan siya sa luto kong beef steak na paborito niya"

"Ohmyyy! How I wish malutuan ko rin si Mike"

"Magagawa mo naman yon, magbasa ka lang ng mga cooking booklets o manuod sa YouTube ng cooking tutorials"

"Ginawa ko naman but I think I'm not really inclined to cooking. Anyway, I have thought about it Abakada. You never sumama sa'ming dalawa ni Mike right after maging kami ulit. It seems you're really busy kay Duane"

"Lalo na ngayon, walang nag-aalaga sa kanya sa bahay. Mag-isa lang siya sa kwarto, buti nalang nakapagdownload ako ng mga Kdrama para maaliw naman siya. Kawawa nga yon Loren pinipilit kong magbasa ng libro kahit ayaw niya"

"What about his studies? More than a week na siyang hindi pumapasok," pag-aalala niya.

"Ako nalang nagtuturo sa kanya lahat ng na-discuss natin dito," sagot ko.

"That's great. Ang sweet mong girlfriend sa kanya, Abakada"

I just smiled.

"Go back to your own seats, class!"

Agad na lumipat si Loren kung saan siya nakaupo nang dumating na yong Math teacher namin. Bumalik naman si Bernadette sa tabi ko na may sinusulat na kung ano sa kanyang kwaderno. Ilang saglit lang ipinakita niya sakin ito habang nagdidiscuss na ang teacher namin.

-Gaano ba kayo kaclose ng boyfriend ni Loren?

Palihim ko itong ibinalik sa kanya pagkatapos akong magtanong din.

NOT YOUR TYPICAL GIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon